Gretchen, Claudine meet up with mom Inday Barretto amid family feud

by Rachelle Siazon
Nov 5, 2019
Amid ongoing feud among her children, Inday Barretto (in white top with shawl) spends time with daughters Gretchen (second to the right) and Claudine (rightmost) on Monday afternoon, November 4.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Muling nakipagkita si Gretchen Barretto sa ina niyang si Inday halos tatlong linggo mula nang magkaayos sila.

Kasama ni Gretchen ang bunsong kapatid na si Claudine, na noon pa man ay malapit sa kanilang ina.

Magkakasama silang kumain sa restaurant sa isang high-end mall sa Makati City, Lunes ng hapon, November 5.

"A beautiful afternoon with Mom Tita Cherry & my Ate," saad ni Claudine sa ibinahagi niyang Instagram post.

Continue reading below ↓

Huling nagkita sina Gretchen at Inday sa isang lunch date noong October 19, kung saan kasama rin si Claudine at ang kapatid nilang si Jay-Jay Barretto.

CLAUDINE "VERIFIES" MOM'S INSTAGRAM ACCOUNTS

Sa isa pang Instagram post ni Claudine kahapon, naka-tag sa caption ang diumano'y tatlong Instagram accounts ni Mommy Inday, kabilang ang @barrettoestrella @barrettoestrellass @estrellabarretto.

"Yes she has lots of accounts po," dagdag ni Claudine.

Continue reading below ↓

Tila ang kumpirmasyong ito ni Claudine ay may kaugnayan sa viral video sangkot ang kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Sa video, nakunan si Marjorie na nagsasabing "baka masapak" niya ang isang kaalitan na ang pangalan ay "Inday."

Isang netizen ang nakakuha ng kopya ng video mula sa Instagram ni Gretchen, pero burado na ito sa Instagram feed ng socialite-actress at press time.

MARJORIE'S VIRAL VIDEO

Naging mitsa ito ng panibagong palitan ng maiinit na salita sa pagitan nina Claudine at Marjorie.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Sabado, November 2, mariing pinabulaanan ni Marjorie ang espekulasyong ang sariling ina ang tinutukoy niyang "Inday" sa viral video.

Pero kinontra ni Claudine ang sinabi ni Marjorie.

Linggo, November 3, ipinost ni Claudine ang screenshot ng pahayag umano ng kanilang ina mula sa private Instagram account ng huli na @barrettoestrella.

Nakasaad sa screenshot ang kumpirmasyon umano ni Inday na siya ang kaaway ni Marjorie sa viral video.

Continue reading below ↓

Sa kasagsagan ng pagkalat ng video, nag-post naman si Marjorie sa Instagram na kasama niyang nag-Sunday lunch ang ina nilang si Inday.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amid ongoing feud among her children, Inday Barretto (in white top with shawl) spends time with daughters Gretchen (second to the right) and Claudine (rightmost) on Monday afternoon, November 4.
PHOTO/S: @claubarretto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results