Iwa Moto accused of meddling in Barretto family feud

by Bernie V. Franco
Nov 5, 2019
Iwa Moto (left) gets bashed for allegedly siding with Claudine Barretto (center), who slammed sister Marjorie (right) for mocking her about her mental illness. Netizens accuse Iwa of meddling in the rift of Barretto sisters.
PHOTO/S: @iam_iwa, @pornstar_roviel, @marjbarretto on Instagram

Binabatikos at inaakusahang sumasawsaw ang dating aktres na si Iwa Moto sa away ng Barretto family—partikular na ang magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine—matapos magkomento sa Instagram post ni Claudine tungkol sa mental illness.

Noong November 3, Linggo, nag-post si Claudine sa Instagram tungkol sa pangungutya umano ni Marjorie tungkol sa kanyang mental illness.

Nagkomento rito si Iwa at sinang-ayunan ang pahayag ni Claudine.

Ayon kay Iwa, alam niya ang hirap na pinagdadaanan ni Claudine dahil siya man ay nagkaroon ng mental disorder.

Hindi man binanggit ni Iwa ang pangalan ni Marjorie, malinaw sa kanyang komento na pinatatamaan niya ang nakatatandang kapatid ni Claudine.

Buong komento ni Iwa (published as is): “hayyy ate people like that should be ashamed.

"Having mental illness is an everyday battle. I remember us talking about it before. I too am suffering with it.

"Kaya sana wag syang bastos. Or maybe she should see someone also po kasi baka she needs help.

Continue reading below ↓

"No one in their right mind would joke about a disability."

NETIZENS ACCUSE IWA OF BEING “SAWSAWERA”

Dahil sa komentong ito ni Iwa ay inulan siya ng batikos mula sa netizens.

Binalaan siya ng iba na huwag nang "sumawsaw" at makialam sa away ng magkakapatid.

Narito ang ilang komento ng netizens:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sumagot naman si Iwa para ipagtanggol ang sarili.

Alam daw niyang galit si Marjorie kay Claudine, pero mali raw na gawing biro ang pinagdadaanang mental illness ni Claudine.

Bahagi ng komento ni Iwa: “mocking someone with mental illness is still wrong. I know shes mad. And I understand that people say mean things when they are mad.

"But ate @claubarretto has been [struggling] with this for a long time na. And shes mocking her”

Continue reading below ↓

NETIZENS ATTACK IWA MOTO’S PERSONAL RELATIONSHIP

Bunsod ng diumano’y panghihimasok ni Iwa sa away ng Barretto sisters, pinuna ng netizens ang personal na buhay ng StarStruck alumna, partikular ang pagsasama nila ni Pampi Lacson, dating asawa ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria.

Batikos kay Iwa, huwag na siyang sumawsaw.

Continue reading below ↓

Sa halip ay atupagin na lang daw nito kung kailan siya pakakasalan ni Pampi.

Continue reading below ↓

Inakusahan din si Iwa na inagaw raw niya si Pampi sa dati nitong asawa na si Jodi.

Hindi naman nagpapigil si Iwa at binuweltahan ang netizens.

Paglilinaw niya, matapos ma-annul ang kasal nina Pampi at Jodi, lumipas muna ang dalawang taon bago sila nagsama ni Pampi.

Ani Iwa (published as is): "do a math. 9 years na silang hiwalay. 9 years na din ang annulment nila. 7 years pala lng kami.

Continue reading below ↓

"Bwhahahha. Dear do your research properly para d ka magmukhang mangmang."

Ikinasal sina Jodi at Pampi sa Nevada, U.S.A. noong March 2005.

Nagkaroon naman sila ng civil wedding sa Parañaque City noong June 2005.

Naiulat ang kanilang paghihiwalay noong March 2011.

Noong 2013 ay nabalita na nasa proseso na ng annulment ang kasal nina Jodi at Pampi.

Continue reading below ↓

Sa isang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong April 2019, nabanggit na pagkatapos aprubahan ng Parañaque court ang kanilang annulment, binaliktad ito ng Court of Appeals sa inilabas nitong desisyon noong 2016.

Mayroong isang anak sina Jodi at Pampi—ang 13-anyos na si Thirdy.

May isa ring anak sina Iwa at Pampi—ang six years old na si Mimi.

Bagamat hiwalay na, nananatiling maganda ang relasyon ni Jodi kina Iwa at Pampi.

IWA EXPLAINS HER SIDE

Dahil sa matinding pambabatikos na natatanggap bunsod ng kanyang komento, muling nagkomento si Iwa at ipinaliwanag ang kanyang pinanggagalingan.

Aniya, “All i said is mocking someone with mental illness is wrong.

“I am not taking sides or anything.

“People with mental illness is struggling and hurting already.

“If someone is making fun of it FOR ME mali yun. Iba iba tayo ng utak.

“I just said my piece."

Dagdag niya, “I hope i made myself clear.

Continue reading below ↓

“Di din ako nakikisawsaw ah.

“I just feel ate @claubarretto ‘s pain. Especially that comment came from her sister.

“Double pain yun.”

Samantala, mayroon din namang netizens na sumuporta at nakaunawa sa ginawang komento ni Iwa.

Kinatigan nila ang dating Kapuso star at sinabing hindi biro ang mental illness.

May karapatan daw si Iwa na magpahayag ng kanyang opinyon gaya ng iba.

Continue reading below ↓

Narito ang ilang komentong pumapanig kay Iwa:

Continue reading below ↓

Matatandaang inakusahan din ng pakikisawsaw sina Ruffa Gutierrez at Jackie Forster sa away ng Barretto family dahil sa kanilang komento sa social media.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iwa Moto (left) gets bashed for allegedly siding with Claudine Barretto (center), who slammed sister Marjorie (right) for mocking her about her mental illness. Netizens accuse Iwa of meddling in the rift of Barretto sisters.
PHOTO/S: @iam_iwa, @pornstar_roviel, @marjbarretto on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results