Marlo Mortel warns celebrities on impostor using his name to prowl their personal info

by Jet Hitosis
Nov 5, 2019
Kapamilya singer-actor Marlo Mortel warns his friends against someone who "has been using my name to contact different celebrities and get personal information.”
PHOTO/S: @marlomortelmusic on Instagram

Sa pamamagitan ng Twitter, nagbigay ng warning si Marlo Mortel laban sa isang tao na nagpapanggap umanong siya upang makapambiktima ng mga kaibigan niyang celebrities.

Lunes ng gabi, November 4, nang i-tweet ng 26-anyos na Kapamilya singer-actor ang mobile number ng taong nakikipag-ugnayan umano sa ilang celebrities para sa isang “Basketball event.”

Ayon kay Marlo, gamit ang naturang mobile number, “this person has been using my name to contact different celebrities and get personal information.”

Sa huling bahagi ng post, nagbanta ang aktor na magsasagawa ng “legal actions” kung hindi pa rin titigil sa pambibiktima ang taong nagpapanggap bilang siya.

Payo naman ng Twitter followers ni Marlo, ituloy na niya ang pagsasampa ng reklamo laban sa suspek upang “turuan ng leksyon” ito.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

SAME PERSON, SAME MODUS THREE YEARS AGO

Makalipas ang isang oras, muling nag-tweet si Marlo, at sa pagkakataong ito ay nakadirekta na ang mensahe sa taong gumagamit sa kanyang pangalan.

Ayon sa tweet ng aktor, ginamit din umano ng parehong suspek ang kanyang pangalan para makapambiktima ng ilang celebrities, tatlong taon na ang nakalilipas.

Saad sa tweet ni Marlo (published as is): “YOU WILL PAY FOR THIS.

“3 YEARS AGO YOU DID THE SAME THING WITH SEVERAL ACTORS.

“YOU CALLED AND PRETENDED TO BE ME TO GET INFORMATION AND EVEN SAID NASTY THINGS THAT I TOOK THE BLAME FOR.”

Walang makuhang detalye na magkukumpirma sa pambibiktima kay Marlo, gamit ang parehong modus operandi, tatlong taon na ang nakalilipas, o bandang 2016.

Gayunman, kung pagbabasehan ang tweet ni Marlo, mistulang desidido na siyang papanagutin ang suspek sa pagkakataong ito.

Dagdag ni Marlo: “I MAY HAVE LET YOU OFF THE HOOK BUT THIS TIME IS DIFFERENT. YOU’LL SEE.”

Continue reading below ↓

SUSPECT WAS ABLE TO GET CONTACT NUMBERS OF SOME CELEBRITIES

Kalakip din ng ikalawang tweet ni Marlo kagabi ang screenshot ng conversation ng suspek sa isang hindi tinukoy na celebrity.

Base sa convo ng nagpakilala bilang si “Marlo,” tinawagan nito ang ka-text na celebrity—na malinaw na kaibigan ng Kapamilya singer-actor—upang hingin ang contact numbers ng ilang kaibigang celebrities ng biktima.

Naibigay ng biktima ang contact numbers ng ilang lalaking celebrities.

Continue reading below ↓

Kasunod nito, inimbitahan ng suspek ang kausap sa isang umano’y celebrity basketball match sa November 9.

Nakasaad sa text ng suspek na “mga taga Gma kalaban, 20k tf G?”

Bagamat burado ang mga sumunod na isinagot ng biktima, sa reply ng suspek ay humingi pa ito ng karagdagang contact numbers ng male celebrites.

Continue reading below ↓

Nagpadala ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa Twitter ni Marlo upang alamin ang napagdesisyunan niyang susunod na hakbang laban sa suspek.

Gayunman, wala pa siyang reply sa aming mensahe hanggang sa mailathala ang report na ito.

Read Next
Read More Stories About
Marlo Mortel, millennials
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapamilya singer-actor Marlo Mortel warns his friends against someone who "has been using my name to contact different celebrities and get personal information.”
PHOTO/S: @marlomortelmusic on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results