Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

PBB Season 1 housemates to Season 2 housemates: "Mas sikat kami."

by Dinno Erece
Sep 11, 2007
"Mas sikat kami. Sino ba ang kilala sa kanila? Si Wendy [Valdez] lang. Si Bodie [Cruz] din. The rest, hindi na. Kahit wala na kami sa TV, kami pa rin ang hinahanap ng tao," replies PBB Season 1 housemate Uma Khouny when asked which PBB batch is most popular.

Malakas ang naging palakpak sa labing-isang present na Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 housemates sa presscon ng concert nila na Tuloy Ang Buhay Sa Pinalaking Bahay na gaganapin sa September 15 sa Araneta Coliseum. Wala kasi silang patumpik-tumpik sa pagsagot na mas sikat sila kesa sa PBB Season 2 housemates.

Ang pinaka-vocal sa kanilang lahat na si Uma Khouny ang nagpasimula.

"Mas sikat kami. Sino ba ang kilala sa kanila? Si Wendy [Valdez] lang. Si Bodie [Cruz] din. The rest, hindi na. Kahit wala na kami sa TV, kami pa rin ang hinahanap ng tao," kampanteng pahayag ni Uma.

Dagdag naman ng PBB Season 1 winner na si Nene Tamayo, "Ang sabi nila, kung hindi maganda ang paumpisa, hindi gaganda ang kasunod. Maganda ang naging pasimula namin kaya nasundan pa ng pangalawang season."

"Iba naman kasi ang original. Kahit saan, kasabihan naman na ang original ang best," sabat naman ni Racquel Reyes.

Continue reading below ↓

Si Uma na rin ang tinanong kung bakit ang housemates Season 1 pa rin ang hinahanap-hanap ng mg tao.

"Hindi naman lahat, pero ang iba kasi sa kanila [Season 2 housemates], umaakting na. Kami mga tunay. Una, hindi kasi namin alam ang gagawin noon. Sila alam na nila kung ano ang magpapapansin sa kanila, so intentional na ang ibang ginagawa nila, kaya nagmumukha silang mga plastic," paliwanag ni Uma.

Nang tanungin sa tingin ni Uma among PBB Season 2 housemates ang pinaka-"acting" sa kanila, si Wendy pa rin ang isinagot niya.

Panghuling tanong kay Uma ay kung sino ang mas plastic sa kanila ni Wendy, at si Wendy pa rin ang sagot niya. Pero sinabi ni Uma na sa Bahay ni Kuya lang naman plastic si Wendy dahil hindi niya naman ito nakikita nang lumabas na ito sa bahay.

Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Mas sikat kami. Sino ba ang kilala sa kanila? Si Wendy [Valdez] lang. Si Bodie [Cruz] din. The rest, hindi na. Kahit wala na kami sa TV, kami pa rin ang hinahanap ng tao," replies PBB Season 1 housemate Uma Khouny when asked which PBB batch is most popular.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results