Gretchen Barretto pokes fun at Atong Ang; calls him "man of the hour"

by Bernie V. Franco
Nov 5, 2019
Gretchen Barretto posts videos on Instagram taken from a gathering she attended together with businessman Atong Ang. In the video, Gretchen fondly pokes fun at Atong, calling him "man of the hour."
PHOTO/S: @gretchenbarretto on Instagram / TV Patrol

#TheBarrettoFamilyFeud

Magkasamang dumalo sa isang pagtitipon ang aktres na si Gretchen Barretto, 49, at ang negosyanteng si Atong Ang, 62.

Base ito sa ilang video clips na ibinahagi ni Gretchen sa kanyang Instagram Story ngayong hapon ng Martes, November 5.

Ginanap ang event sa isang Spanish-cuisine restaurant sa isang mall sa Pasig City.

Ang mga video ay tila pahiwatig na hindi apektado sina Gretchen at Atong sa kabila ng patuloy na pag-uugnay sa kanila kasabay ng pagsiklab ng away ng pamilya Barretto nitong mga nakalipas na linggo.

Continue reading below ↓

Mapapanood din sa video clips ang pagbibiro ni Gretchen kay Atong na pinagkakaguluhan ng mga taong nais makapagpa-picture dito.

Habang kinukunan si Atong, na nilalapitan ng attendees ng selebrasyon para sa photo-op, maririnig ang boses ni Gretchen na nagsasabing: “Ayan, pinagkakaguluhan… oh, my goodness… Mas marami siyang followers sa akin. Di na siya puwedeng magsalita.”

Tinukso rin niya si Atong na “man of the hour.”

Continue reading below ↓

ATONG ANG DRAGGED INTO BARRETO FAMILY FEUD

Nadawit ang pangalan ni Atong Ang sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto nang ibunyag ni Nicole Barretto na naging boyfriend niya ang negosyante subalit inagaw raw ito sa kanya ni Gretchen.

Si Nicole ay anak ni Jay-Jay Barretto, nakatatandang kapatid nina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Continue reading below ↓

Ibinunyag din ni Marjorie sa kanyang TV Patrol interview noong October 22, 2019 na naging kasintahan ni Atong si Nicole.

Lumutang din ang paparazzi photos nina Gretchen at Atong na magkasama sa airport.

Nakaagaw-pansin ang larawan kung saan natutulog sina Gretchen at Atong na magkahawak-kamay sa loob ng eroplano.

Sa kanyang official statement at sa panayam sa TV Patrol, sinabi ni Atong na kasosyo lamang niya sa negosyo si Gretchen at ang longtime partner nitong si Tonyboy Cojuangco.

Hindi rin niya direktang kinumpirma ang naging relasyon nila ni Nicole.

Sa kanyang Instagram account, nag-react si Gretchen sa controversial photo nila ni Atong at sinabi niyang hindi siya “aware” dahil natutulog siya.

Nitong weekend din ay ibinahagi ni Gretchen ang ilang videos kung saan makikitang magkatabi at nag-iinuman sina Tonyboy at Atong.

Nauna ring ibinahagi ni Gretchen ang ilang larawan na kuha mula sa isang pagtitipon kung saan naroon din sina Tonyboy at Atong.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gretchen Barretto posts videos on Instagram taken from a gathering she attended together with businessman Atong Ang. In the video, Gretchen fondly pokes fun at Atong, calling him "man of the hour."
PHOTO/S: @gretchenbarretto on Instagram / TV Patrol
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results