Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ogie Diaz suppresses homosexual urges for the sake of his children

by Rose Garcia
Nov 5, 2019
Ogie Diaz on being gay and family man: "Actually, sa totoo lang, yung pagkakaroon ko ng gusto sa mga lalaki, ginagamit ko ‘yan kapag gusto kong maka-discover. Kasi, kailangan mo talaga ng feeling. Kapag nagustuhan ko yung lalaki, kapag nagustuhan ko yung babae, puwede ‘to.”
PHOTO/S: Mark Atienza / Rose Garcia

Dahil mayroong asawa at limang anak na babae, may mga nagdududa at nagtatanong kung bading ba talaga si Ogie Diaz.

“Nagpapanggap ako,” biro ng comedian/talent manager/radio host.

“Hindi, bakla ako. Even my kids, alam na bakla ako.”

Hindi na rin daw niya kinailangang ipaliwanag pa ito sa mga anak niya.

“Hindi na big deal sa kanila na bakla ang tatay nila.

"Actually, sobrang proud sila kasi, katulad ng anak ko, sabi niya, ‘Daddy, hindi ko alam kung advantage o disadvantage na sabihin na ikaw ang tatay ko. Kasi, kapag sabihin kong ikaw, parang lumalayo sila.’

“Parang naano sila, 'Anak ni Ogie Diaz ‘yan, ganun.'

"Pero kailangan kong intindihin, kasi iba ang kabataan ngayon.

“Sabi ko sa anak ko, 'Basta maging mabait ka lang. ‘Wag ka lang suplada, ‘wag kang magmamaganda, hindi na kailangang makilala nila na ako ang tatay mo. Ikaw na mismo ang kakatawan sa sarili mo. Kaya ka nila kinaibigan kasi, mabait ka, dahil humble ka.'

Continue reading below ↓

“At saka, pinapapunta ko sa bahay ang mga kaklase nila para makilala nila ako.

"Tuwang-tuwa ang mga kaklase niya, kasi komedyante ako. Ang bababaw ng mga tawa.”

“Non-practicing gay” siya?

“Kailangan,” sagot ni Ogie.

“Kasi, naglalakihan na ang mga anak ko. Lalo na sa premature baby namin.

"Actually, sa totoo lang, yung pagkakaroon ko ng gusto sa mga lalaki, ginagamit ko ‘yan kapag gusto kong maka-discover.

Continue reading below ↓

"Kasi, kailangan mo talaga ng feeling.

“Kapag nagustuhan ko yung lalaki, kapag nagustuhan ko yung babae, puwede ‘to.”

Sabi pa ni Ogie, “Ke bakla ako o ke bi [sexual], wala namang isyu dun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Ogie sa mediacon ng pelikulang Love You Two noong Oktubre 30, Miyerkules, sa Playhub, Tomas Morato Avenue, Quezon City.

NOT ENCOURAGING OTHER GAYS TO FOLLOW HIM

Kahit naranasan ni Ogie kung paano magkaroon ng sariling asawa at mga anak, hindi raw siya mag-e-encourage sa mga bakla na tularan ang ginawa niya.

Katuwiran niya, “Nasa kanila yun. Sino naman ako?

"Puwede rin nila kong gawing inspirasyon. 'Bakit si Ogie, kaya niya, bakit ako, hindi?'

"Puwede yung ganun. Pero hindi ko sila ine-encourage.

"Basta at the end of the day, dapat happy ka sa mga ginagawa mo. Yun lang naman ngayon.

“Lalo na ngayon, uso ang depression. Yung inner happiness talaga ang pinakaimportante.

Continue reading below ↓

"Lalo na sa mga bata, sa mga anak ko, ano ang gusto mong course? Kung ano ang gusto mo, sige, yun.

"Basta happy ka diyan, ha, and you can translate your happiness into income.

“Kung saan kayo happy, walang pressure. Kasi nga, may mga depre-depression na nagaganap.

"What makes you happy, go ahead.”

OGIE AS MOVIE PRODUCER

Natupad na ang pangarap ni Ogie na magprodyus ng pelikula.

Isa siya sa producers ng pelikulang Two Love You na pinagbibidahan nina Yen Santos, Hashtag Kid Yambao, at Lassy Marquez.

Continue reading below ↓

Bakit ba niya ginustong pasukin ang pagpu-produce?

Sagot niya, “Wala lang, gusto ko lang matawag na producer.

"E, kasi, noong nagsimula naman ako rito, naging alalay ako.

"Naging reporter ako, naging voice-over announcer ako, naging reporter ako, naging editor ako. Lahat, inikot ko within the circle.

“Hindi ko pa nararanasan na maging producer.

"Gusto ko lang ma-feel sa mga tao na ang tawag sa ‘yo, producer. E, di tapos na? Gusto ko namang magdirek.”

Kailan naman siya magdidirek?

“Baka next year, bubuo lang kami ng concept nina Lassy, MC Muah.

"Gusto ko naman, kung ano sila sa tunay na buhay."

BASED ON TRUE STORY?

Ang Two Love You ay tungkol sa pagpapaligsahan ng tatlong “B.”

Magpapaligsahan ang mga puso para makuha ang puso ng dalawa. Babae, Barako at Bakla.

Tinanong ng PEP.ph si Ogie kapag pinanood ang pelikula, malalaman ng mga manonood na kuwento ito ng buhay niya?

Sagot niya, “Hindi ‘to kuwento ko in full.

Continue reading below ↓

"Kasi, kung puro dalawa lang kami at walang love triangle, hindi siya mabubuo, e.”

Sa tunay na buhay, wala silang love triangle na mag-asawa?

“Nagkaroon kami, pero hindi pa buntis noon si Georgette," pagtukoy niya sa kanyang misis.

Ilang percent lang ng pelikula ang masasabing hango sa buhay niya?

“Yung sa anak, being a good provider and responsible, doon ako.

"Yung sa sex ng babae at bakla, kung paano mag-usap sa kama!" natawa niyang sabi.

OGIE'S OTHER DREAMS

Isa rin si Ogie sa scriptwriters ng Two Love You, na idinirek ni Benedict Mique sa ilalim ng Ogie D. Productions, Inc. at Lonewolf Films.

Ang Viva Films ang magri-release ng movie simula sa November 13.

Ano pa ang gusto niyang gawin na di pa niya nagagawa?

“Pangarap ko rin na maging teacher. Gusto kong magturo kahit na walang bayad. Parang giving back,” saad ni Ogie.

Kung ano ang karanasan niya sa trabaho, iyon ang gusto niyang ituro.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, hindi naman ako tapos. High School graduate nga lang ako.

"Sabi nila, ‘Gusto namin yung practicing at saka yung experiences mo ang kailangan namin.’

"So, nabuhayan ako ng loob.”

HASHTAG KID YAMBAO

Isa sa mga bida ng pelikula ang alaga ni Ogie na Hashtags member, si Kid Yambao.

Naniniwala si Ogie na deserving ito sa mga oportunidad na nakukuha.

“Ang lalim ng appreciation ko sa gustong mag-artista.

"Si Kid, nakita ko pa lang siya at saka mabait na anak, sobra.”

Sabi pa ni Ogie, “Ako ang worse critic niya. Kapag mali ang acting niya, ‘Hoy! Mali ang acting mo. Hindi kita maramdaman.’

“Siyempre, nakakahiya for us na yung alaga pa namin ang waley, e, kami itong may pa-workshop, hindi namin naturuan.”

Kung dati ay madalas niya itong naki-criticize sa pag-arte, ngayon daw, napupuri na niya ang alaga.

Ayon kay Ogie, “Okay na siya. Kahit si Ibyang [Sylvia Sanchez], tinanong ko siya. ‘Kumusta na ang alaga ko?’

Continue reading below ↓

"Sabi niya, 'Oy, gumagaling na siya! Nakakakonek na siya sa amin. Kasi, there were times na, Kid, hindi kita maramdaman na miyembro ng pamilya. Para ka lang nangangapit-bahay. E, isa ka sa mga anak.' Ginaganun ko siya.

"Parang nalulungkot siya. Puro kanegahan ang sinasabi ko.

"Pero one time, nakita ko siya, ang husay niya. 'Sakto ang acting mo. Yun dapat, i-maintain mo.' Natuwa na siya.'"

Magkasama sina Sylvia at Kid sa ABS-CBN drama series na Pamilya Ko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ogie Diaz on being gay and family man: "Actually, sa totoo lang, yung pagkakaroon ko ng gusto sa mga lalaki, ginagamit ko ‘yan kapag gusto kong maka-discover. Kasi, kailangan mo talaga ng feeling. Kapag nagustuhan ko yung lalaki, kapag nagustuhan ko yung babae, puwede ‘to.”
PHOTO/S: Mark Atienza / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results