Watch Now

Broadcaster calls out Vice Ganda over "napakayabang" comment against Pastor Quiboloy

by Arniel C. Serato
Nov 6, 2019
Broadcaster Mike Abe (left) of DZAR and Sonshine Media Network International warns Vice Ganda (center) not to insult Pastor Apollo Quiboloy (right) again. The Unkabogable Star challenged the pastor to put an end to Ang Probinsyano and EDSA traffic.
PHOTO/S: Courtesy: Miguel Abe on Facebook / Noel Orsal / Pastor Apollo Quiboloy on Facebook

Nanggagalaiti sa galit ang isang brodkaster sa hamon ni Vice Ganda kay Pastor Apollo Quiboloy na pahintuin nito ang Ang Probinsyano at ang traffic sa EDSA.

Ito ay kasunod ng pahayag ni Quiboloy na dapat siyang pasalamatan dahil pinahinto niya ang malakas na lindol sa Mindanao na nanalanta noong nakaraang buwan.

Sa episode ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime kahapon, November 5, pinasaringan ni Vice ang religious leader dahil sa sinabi nito.

Ani Vice: "Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano.

"Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!"

Hindi nagustuhan ng maraming miyembro ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc., na pinamumunuan ni Pastor Quiboloy, ang pagtawag ni Vice ng "napakayabang" sa kanilang lider.

Isa sa naghayag ng kanyang saloobin ang brodkaster na si Mike Abe ng DZAR at Sonshine Media Network International, na parehong pag-aari ni Quiboloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Abe, maling insultuhin ni Vice si Quiboloy gayong hindi naman daw kilala nang personal ng TV host ang pastor.

Sa kanyang programang Usaping Bayan kagabi, November 5, naglabas ng personal na opinyon si Abe tungkol sa mga tinuran ni Vice.

Pasaring muna niya sa box-office star, “Si Vice Ganda, hindi ko naman maintindihan kung paano naging ‘Ganda’ yun.

“Baka siguro Vice lang. Vice K... bahala na kayo kung ano yung ‘K.’

“Pero Vice Ganda, hindi naman maganda, e, lalo na yung sinabi, lalo na yung pagtatawanan.

“Alam niyo ho, kaya hindi ko po pinalampas ito... ito, sasabihin ko po sa inyo nang direktahan na ngayon, ha.

“Trabaho lang po ito, ito ho, personal ko po ito, ha.

“Wala hong kinalaman itong programang ito, itong network na ito.

“Hindi po ako member ng Kingdom," pagtukoy niya sa religious group na pinamumunuan ni Quiboloy.

Pagbibigay-pugay pa niya kay Quiboloy, “Yung pagrespeto ko kay Pastor, mahigit pa siguro sa member.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Grabe po ang pagrespeto ko kay Pastor Quiboloy.

“Hindi po siya ganun. Lahat sa kanya, tulong.

"Lahat ho siya ay bigay, kahit hindi kakilala, tinutulungan.

“Kahit hindi kilala, dinadamitan, pinapakain, pinag-aaral, kinakausap pag may oras. Ganun po siya.

“Walang kayabang-yabang. Simpleng-simple lang.”

BROADCASTER LAMBASTS VICE OVER “MAYABANG” COMMENT

Kasunod nito, kinastigo ni Abe si Vice at ang kinabibilangan nitong istasyon—ang ABS-CBN.

Sabi ng broadkaster, “Hindi po totoo yung sinabi ni Vice K na mayabang si Pastor, hindi ho totoo yun.

“Kaya sabi ko nga, ginawa po ng ABS-CBN, kayong mga taga-ABS, after money lang kayo. After rating lang kayo.

“'Yan pong inyong talent na 'yan, inyong pagsabihan 'yan.

"Pasalamat kayo… sana hindi 'yan makasalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan 'yang mamang 'yan.

“Mama naman 'yan, hindi naman ho babae 'yan, e."

Dagdag ni Abe, “Huwag niyong iinsultuhin si Pastor dahil hindi niyo kilalang personal 'yan.

“Hindi niyo nakikita 'yan, hindi niyo siguro nakatabi kahit minsan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya raw makipagbastusan ng brodkaster kapag binabastos ang kanyang kaibigang pastor.

Saad niya, “At saka alam niyo, bawal na bawal po sa telebisyon ang mang-insulto ng kapwa kung hindi mo naman kilala.

“Maliban na lang kung binalikan ka.

“Ako po, puwede ako makipag-usap sa propesyunal na level.

“Pero puwede rin akong makipag-usap sa bastusang level.

“Pag nangbastos kayo ng tao na aming nirerespeto, puwede ko rin kayong bastusin.

“Trabaho lang naman ito, e. Huwag sanang ganun ano ho.

"Ito inuulit ko, akin pong sarili ito.”

BROADCASTER TO VICE: “P*&%!$G I@A MO!”

Sabi pa ni Abe tungkol kay Quiboloy, “Appointed son of God. Ipinagdadasal ang tao.

"Pati ikaw Vice K, ipinagdadasal ka, kasama ka niyan.

“Yung paniniwala niya at sinasabi niya, irespeto, huwag niyong pagtawanan.

“Nakita ko kasi yung video, e, tawanan, palakpakan pa yung nasa audience.

“Hindi ko alam kung ano sila, bakit sila nagtatawa.

“Ang inyo ay negosyo.

“Hindi lahat ng patawa ay nakakatuwa. May mga patawang nang-iinsulto kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Huwag po ninyong gawin yun.”

Patuloy niya, “Si Pastor Quiboloy po ay respetado ng napakaraming pulitiko dito sa ating bansa, maging sa abroad.

“Napakaraming negosyante dito sa ating bansa, respetado 'yan. At sa buong mundo nirerespeto 'yan.

“Meron siyang seven million member. 'Tapos sasabihin mo, mayabang?"

Sa puntong ito ay tila hindi na nakapagpigil si Abe at diretsahang minura si Vice: “P*&^$g i*a ka!”

BROADCASTER CALLS OUT MTRCB, ABS-CBN MANAGEMENT

Binalaan din ni Abe si Vice na huwag na nitong ulitin ang sinabi kay Vice, dahil baka ano raw ang kanyang magawa sakaling magkita sila.

“Vice K, huwag mong gagawin ulit 'yan at baka masalubong kita at di ko matantiya anong gagawin ko sa 'yo.

“Personal din ito. Inuulit ko, sarili ko. Walang kinalaman sila rito.

“Masakit, pati ako nasaktan, e.

"Hindi ho biro. Napakabait ng aming mahal na pastor.

"Napakabait niya, sa totoo lang.”

Nanawagan din si Abe sa Movie Television Review and Classification Board (MTRCB) at pamunuan ng ABS-CBN na bigyan daw ng leksiyon si Vice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob daw kasi ng kanyang halos 35 taong pagiging brodkaster, wala pa siyang narinig na pinapayagan ang pang-iinsulto ng kapwa sa ere.

“Sana po hindi na mauulit.

"Sana po ang management ng ABS-CBN ay umaksiyon po kayo.

“Bakit niyo kinukunsinti yung mga ganung klaseng mga lengguwahe?

“Bakit niyo kinukunsinti ang mga ganoong klaseng talent?

“Ano ba kayo, pera-pera lang?

“Tinawagan ko ng pansin, MTRCB umaksiyon kayo rito, paglapastangan ito sa industriya ng broadcast."

Pasaring pa niya, “Kayo, management ng ABSCBN, bago kayo magsara sa March 20, ng 2020, next year, inyong disiplinahin ang inyong mga talent, hindi puro pera-pera lang kayo.

“Pag may pera, wala na ho kayong pakialam sa mundo. Hindi ho ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Vice, ng MTRCB, at ng management ng ABS-CBN kaugnay ng pahayag ni Mike Abe.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Broadcaster Mike Abe (left) of DZAR and Sonshine Media Network International warns Vice Ganda (center) not to insult Pastor Apollo Quiboloy (right) again. The Unkabogable Star challenged the pastor to put an end to Ang Probinsyano and EDSA traffic.
PHOTO/S: Courtesy: Miguel Abe on Facebook / Noel Orsal / Pastor Apollo Quiboloy on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results