KZ Tandingan house in Digos City almost damaged by Mindanao quake

by Gorgy Rula
Nov 6, 2019
KZ Tandingan asks for help, donation for Mindanao quake victims: "Kailangan po nila ng tolda, ng trapal, ng tent, ng water. Yung ibang lugar dun, parang chocolate drink yung water nila. Yun po talaga ang kailangan nila. Yun po ang mga basic talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal

Muntik nang nasira ang bahay ni KZ Tandingan sa Digos City, Davao del Sur dahil sa magkakasunod na malakas na lindol na yumanig sa Mindanao noong nakaraang linggo.

Ito ang ikinuwento ng tinaguriang Asia’s Soul Supreme nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere ng first movie niyang The Art of Ligaw na ginanap sa Trinoma Cinema, sa Quezon City, Martes ng gabi, November 5.

Nagpapasalamat si KZ na hindi nasira nang husto ang bahay nila sa Digos, pero ang inalala raw niya nang husto ay ang kapatid na nagdadalantao.

Lahad ng 27-year-old singer, “Unang-una po talaga, nag-worry ako nang sobra sa sister ko na pregnant, naiwan dun sa amin.

“So, yun ang una namin inalam nung first day pa lang.

“Hindi namin siya puwedeng ilipad dito, kasi nung unang earthquake po, muntik na siyang makunan. So, she can’t fly.

“Sobra kaming nag-worry.

“Actually po, nung unang lindol pa lang, my mom, my sister, and my brother were almost trapped sa isang mall na ano, ‘tapos gabi pa nangyari.

Continue reading below ↓

“So, sobrang traumatic yung experience na yun para sa pamilya ko. Lalung-lalo na sa sister ko kasi she almost lost her baby.

“Pero ngayon po ay healthy naman yung baby, so kailangan lang niya mag-rest.”

HELP FOR EARTHQUAKE VICTIMS; THANKS ANGEL LOCSIN

Nang medyo umayos na ang sitwasyon, nag-usap daw sila ng kanyang ama na mag-abot ng kaunting tulong sa mga kababayan ni KZ sa Mindanao.

“Nung nalaman na namin na okay na yung kundisyon ng sister ko at ang bahay namin, sabi ko sa tatay ko, ‘Dad, hindi naman puwedeng walang gawin.’

“Sabi ko sa Daddy ko, ‘Baka puwedeng magbigay din tayo kahit konti.’

“So, nag-organize kami, mga kaibigan namin dun sa Digos, kinoordinate namin.

“Sobrang sakto na nandito yung parents ko, sa kanila ipinadala yung mga ano… humabol na lang po ako after ng work.”

Doon daw nalaman ni KZ na nauna pa sa kanyang pumunta roon si Angel Locsin at ang dami raw nitong ibinigay na tulong.

Continue reading below ↓

“Hindi ko po kakayanin sa grabeng binigay ni Miss Angel!” bulalas ni KZ.

“Miss Angel, maraming salamat po pala sa inyong pagpunta doon.

“Alam ko galing pa kayo sa Halloween party, pero dumiretso kayo dun.”

Balak ni KZ na bumalik sa Davao dahil marami pa raw sa mga kababayan niya na hindi pa rin naaabutan ng tulong.

“Kailangan po nila ng tolda, ng trapal, ng tent, ng water.

“Yung ibang lugar dun, parang chocolate drink yung water nila.

“Yun po talaga ang kailangan nila. Yun po ang mga basic talaga,” sabi ng Kapamilya singer.

THE ART OF LIGAW SHOOTING LOCATION

Hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanatag si KZ dahil pagkatapos ng tatlong magkakasunod na lindol, puwedeng masundan pa raw ito.

“Iyon po kasi ang hindi mo mapi-predict, e.

“Lalo na yung malayo ang pamilya ko na, kahit na anong mangyari, wala akong puwedeng gawin agad-agad, ganun,” himutok niya.

Ang isa pang ikinalulungkot ni KZ ay nasira ang ilang lugar na pinagsyutingan nila ng The Art of Ligaw.

Continue reading below ↓

Doon kasi kinunan ang kabuuan ng pelikula, at nalaman niyang hindi na puwedeng gamitin ang ilang lugar na pinagsyutingan nila.

“Actually po, yung isang building dun na pinagsyutingan namin, hindi na puwedeng gamitin dahil sa lindol na nangyari,” malungkot niyang pahayag.

Dugtong naman ng leading man ni KZ na si Epy Quizon, na katabi ng singer habang kinakausap ng PEP.ph, “Actually, habang pinapanood ko yung lindol, ‘Uy, diyan kami nag-shooting, diyan kami nag-shooting.'

“May mga tinamaan talaga, pati yung bridge na kung saan kami nag-motor ni KZ sa pelikula, may tama na rin.

“Our heart and prayers, of course, go to the people in Mindanao, especially in the trial times that’s happening there.”

Sa November 13 ang showing ng The Art of Ligaw.

Pero sa November 9 ay magkakaroon sila ng premiere night sa Davao na dadaluhan ng cast members.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KZ Tandingan asks for help, donation for Mindanao quake victims: "Kailangan po nila ng tolda, ng trapal, ng tent, ng water. Yung ibang lugar dun, parang chocolate drink yung water nila. Yun po talaga ang kailangan nila. Yun po ang mga basic talaga."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results