Alice Dixson admits to being "prima donna, unprofessional" in the past

by Arniel C. Serato
Nov 6, 2019
Alice Dixson on being "unprofessional" before: "I lost a lot of work."
PHOTO/S: Noel Orsal

Inamin ni Alice Dixson na “lumaki ang ulo” niya dahil sa mabilis niyang pagsikat noon.

Late '80s nagsimula sa showbiz si Alice sa pamamagitan ng endorsement, hanggang maipasok siya bilang leading lady ni Vic Sotto sa fantasy-comedy series na sa Okay Ka, Fairy Ko.

Sa pelikula naman, marami silang pinagsamahang proyekto ng kaibigan na niya ngayong si Dina Bonnevie.

Pero inamin ni Alice na hindi siya gusto noon ni Dina dahil "maldita" siya.

“Oo, ayaw niya sa akin. Kasi lagi akong late sa set!" natatawang sabi ni Alice sa panayam niya sa Tonight With Boy Abunda nitong Martes, November 5.

"At least honest ako, di ba?

“Teenager ako, matigas ang ulo.

"Even Mother Lily [Monteverde], nag-aaway kami ni Mother...

"Siyempre, I’m very stubborn, I’m a Leo, I’m stubborn.

“And sometimes, if I don’t get my way, nagrerebelde ako.

“And sometimes, I like to be late, kasi feeling ko prima donna ako at that time.”

Continue reading below ↓

Dahil sa kanyang dating pag-uugali, marami raw ang nabuwisit sa kanya at nawalan din siya ng mga proyekto.

“From that experience, a lot of people got very upset with me.

“Because of my unprofessionalism, I lost a lot of work.

“That taught me na, ‘Hoy, mag ayos-ayos ka naman diyan.'”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ipinaliwanag ni Alice na kaya siya nagkaganun ay dahil sabay-sabay ang kanyang ginagawa—pag-aaral, trabaho, pamilya, at love life.

Dagdag pa niya, “And sumikat ako kaagad. Too fast.

"So, lumaki yung ulo ko."

Pero nagbago raw ang lahat dahil sa kanyang ex-husband na si Ronnie Miranda, na gumabay sa kanya sa tamang direksiyon.

Si Alice ang leading lady ni Aga Muhlach sa pelikulang Nuuk, na palabas na sa mga sinehan simula ngayong araw, November 6.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alice Dixson on being "unprofessional" before: "I lost a lot of work."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results