Bianca Umali, Ruru Madrid get cozy days before alleged lovers' quarrel

by Rachelle Siazon
Nov 6, 2019
(Left photo) rumored couple Bianca Umali and Ruru Madrid look happy as they perform a duet at recent Halloween party with fellow Kapuso stars; (right photo) Bianca and Ruru are said to be seen acting lovey-dovey amid a videoke session with another group of friends.
PHOTO/S: CTTO / @rucababes Instagram

Hindi man direktang umaamin sina Bianca Umali at Ruru Madrid sa estado ng kanilang relasyon, kamakailan lang ay may mga okasyong namataang sweet sila sa isa't isa.

Naganap ito bago lumabas ang ulat na pinagseselosan diumano ni Bianca si Jasmine Curtis-Smith, leading lady ni Ruru sa pelikulang Cara X Jagger.

Namataang magkasama sina Bianca at Ruru sa isang Halloween party ng ilang Kapuso stars bago magtapos ang buwan ng Oktubre.

May kilig song number pa ang rumored couple base sa ilang litrato kung saan nakunan silang bigay-todo sa pagkanta.

Si Bianca ang may hawak ng microphone habang si Ruru ay nakahawak din sa kamay ng dalaga.

Continue reading below ↓

Sa isang litrato, makikitang tila kinikilig si Ruru habang nakatitig kay Bianca na nasa aktong kumakanta.

Bukod kina Ruru at Bianca, tila may iba ring nag-perform sa party base sa band set-up na makikita sa bandang likuran nila.

Continue reading below ↓

Tugma ang suot na matching long-sleeved black shirt nina Ruru at Bianca sa ibinahaging group photo ni Chynna Ortaleza noong October 30.

Ilan sa mga kasama nilang Kapuso stars ay sina Glaiza de Castro, Mikoy Morales, Juancho Trivino, at Joyce Pring.

Kasama rin nila si Gian Magdangal at ilang non-showbiz friends.

Saad sa caption ni Chynna, "A happy night indeed. Always good to come together & just feel free. Thank you guys! #nonshowbiznight"

Continue reading below ↓

Halos pareho rin ito sa ibinahaging Instagram post ng mister ni Chynna na si Kean Cipriano.

Ang inilagay namang caption ni Kean ay "Great hanging out with these guys! Ang huhusay ng mga set nyo! Sa maraming uulitin! #NonShowbizNight #Halloween"

GETTING COZY AT VIDEOKE BAR?

Noong November 5, sinasabing namataan ulit sina Ruru at Bianca na kasama sa isang grupong nagkakasiyahan sa loob ng isang videoke bar.

Base sa video, tinukoy ng netizens na sina Ruru at Bianca ang couple na nakapuwesto malapit sa TV habang nakikinig sa isang boses-lalaking kumakanta ng "All My Life."

Nakaupo sa high stool si Ruru habang nakasandal sa kanya ang isang babaeng bahagyang nakatalikod at natatakpan ng mahabang buhok ang mukha.

Nakunan din si Ruru na bahagyang nakayakap sa braso ng babaeng hinihinalang si Bianca.

Naka-tag sina Ruru at Bianca sa Instagram post ng netizens.

Continue reading below ↓

MORE SIGHTINGS OF BIANCA AND RURU

Noong October 17, may lumabas na larawan sina Ruru at Bianca na nakasakay sa kotse at nag-drive thru sa isang fast food restaurant.

Pinaunlakan pa ng rumored couple ang tatlong crew ng fast food restaurant na nagpa-picture sa kanila.

Ilang gabi bago iyon ay nakita rin silang magkasama sa isang party kung saan naroon sina Maine Mendoza at Sheena Halili.

Continue reading below ↓

Sinasabing kuha iyon noong October 15, sa after-party ng Isa Pa With Feelings, ang pelikulang pinagbibidahan nina Maine at Carlo Aquino.

Consistent na nakikitang lumalabas sina Ruru at Bianca, na sinasabing nagpalagay ng matching rose tattoos noon pang October 2018.

Pero hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila tuwirang inaamin ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

ALLEGED LOVERS' QUARREL

Sa kabila ng pagiging sweet nina Bianca at Ruru, lumalabas na may hindi sila pagkakaunawaan sa ngayon.

Ngayong Miyerkules, November 6, lumabas ang ulat sa Cabinet Files ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) na dumalo si Bianca sa premiere ng Cara X Jagger sa SM Megamall kagabi, November 5.

Ang Cara X Jagger ang pelikulang pinagbibidahan nina Ruru at Jasmine Curtis-Smith.

Pagkatapos ng event, naganap diumano ang insidente sa parking lot kunsaan may ilang nakasaksi sa isang hindi magandang engkuwentro sa pagitan nina Ruru at Bianca.

Umabot umano sa puntong sinundan ni Ruru si Bianca nang sumakay ang dalaga sa dala nitong sariling sasakyan.

Pero sa halip na kausapin si Ruru, pinaandar daw ni Bianca ang kotse nito at diumano'y muntik nang mahagip ang aktor.

Ayon pa rin sa ulat, ang hinihinalang pagseselos ni Bianca sa leading lady ni Ruru na si Jasmine ang mitsa ng hindi pagkakaunawaan ng rumored couple.

Continue reading below ↓

Si Jasmine ay may special participation bilang young Mylene Dizon sa Sahaya, ang defunct GMA-7 primetime series na pinagbidahan ni Bianca at perennial leading man nutong si Miguel Tanfelix.

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) rumored couple Bianca Umali and Ruru Madrid look happy as they perform a duet at recent Halloween party with fellow Kapuso stars; (right photo) Bianca and Ruru are said to be seen acting lovey-dovey amid a videoke session with another group of friends.
PHOTO/S: CTTO / @rucababes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results