Aiko Melendez on Barretto family feud: "Prayer ko pa rin, sana magkaayos."

by Rose Garcia
Nov 7, 2019
Aiko Melendez on Barretto sisters: "Sana, at the end of the day, you’ll find in your heart some forgiveness with one another. I know, masyadong malalim yung away nila, but with prayers, nothing is impossible."
PHOTO/S: Aiko Melendez Instagram

#TheBarrettoFamilyFeud

Natawa si Aiko Melendez nang hingan siya ng saloobin sa sigalot ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

“Fresh!” natawang sambit niya saka idinugtong, “Ayokong magsalita.”

Pero hangad daw niyang magkaayus-ayos pa rin ang Barretto sisters.

“Prayer ko pa rin, sana magkaayos.

"At the end of the day, even how big the problem would be, kapag kapamilya, sana mag-ayos.”

Halos hindi nagkakalayo ang pagpasok ni Aiko sa showbiz nang mag-artista ang Barretto sisters. Pero hindi masabi ni Aiko kung kanino siya pinakamalapit.

Aniya, “Iba-ibang klaseng relationship meron ako sa bawat isa, e.

"So, wala akong masasabing bad about Gretchen, bad about Marjorie, or bad about Claudine.

“Kasi, iba-iba naman ang relasyon ko sa kanila.

"And I’m not in the position to say anything about their feud, kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang pinag-awayan nila.”

Continue reading below ↓

Pero inamin ni Aiko na nasubaybayan niya ang “burolserye” ng Barretto family.

Kahit matagal nang artista si Aiko at sanay sa iba’t ibang intriga, nagugulat pa rin siya sa mga rebelasyon ng Barretto sisters.

“Interesting at saka, I’m amused, and then siyempre, kapag yung mga kilala mong tao ang involved at hindi naman talaga alam yung ugat, you get curious, di ba?” saad ni Aiko.

“Real-life drama.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa pocket presscon ng musical film na Damaso nitong Nobyembre 5, Martes, sa Via Mare restaurant, Timog Avenue, Quezon City.

1994 MANILA FILM FESTIVAL SCAM

Natawa rin si Aiko na dahil sa Barretto Family Feud ay nabuhay muli ang “Take It, Take It” Manila Film Festival Scam noong 1994.

“Oo nga, e!” pakli ng 43-year-old actress.

Sa mga hindi nakakaalam, si Aiko ang nagwaging Best Actress para sa pagganap niya sa Maalaala Mo Kaya The Movie, pero ang isinigaw ng presenter na si Viveka Babajee (Miss Mauritius 1994) na nagwagi ay si Ruffa Gutierrez para sa Loretta.

Continue reading below ↓

Co-presenters sa nasabing award sina Gretchen Barretto at Rocky Gutierrez, kapatid ni Ruffa.

Sabi ni Aiko, “Well, at the end of the day, nakuha ko naman ang award. Na take it, take it ko naman.

"At saka, okay na kami ni Ruffa.

“That’s why, sabi ko nga, sana lahat ng involved, magkaayus-ayos.”

Kung magkakaroon siya ng pagkakataong magbigay ng payo sa mga Barretto, ano ang sasabihin niya?

Saad ni Ako, “Sana, at the end of the day, you’ll find in your heart some forgiveness with one another.

"I know, masyadong malalim yung away nila, but with prayers, nothing is impossible.”

Sa palagay niya, may posibilidad pang magkaayus-ayos ang magkakapatid?

“Siguro, oo,” tugon ni Aiko.

“Ako kasi, positive ako palagi.

"Naniniwala ako na ang isang bagay, ang isang kasamaan, kapag ie-end mo ng kabutihan, mas nagiging masaya ang kinalalabasan.”

Continue reading below ↓

Biniro si Aiko na imbitahan na lang niya sina Gretchen, Marjorie at Claudine sa premiere night ng Damaso

“Manood na lang sila ng premiere night," biro rin niya.

Anim na sinehan daw na sabay-sabay ang premiere.

Nobyembre 20 ang showing ng Damaso, kung saan title role si Arnell Ignacio.

Kabilang din sa star-studded cast ng pelikula sina Nyoy Volante, Marlo Mortel, Ketchup Eusebio, Irma Adlawan, Arman Reyes, Richard Quan, Pinky Amador, Jon Achaval, Jim Pebangco, Noel Comia, Tess Antonio, Gerald Ejercito, MJ Lastimosa, Ejay Falcon, Ernie Garcia, Ronnie Lazaro, Allan Paule, Ricardo Cepeda, Soliman Cruz, Jenine Desiderio, Vina Morales (bilang Sisa), Ariel Rivera, Jin Macapagal (bilang Crisostomo Ibarra), Riva Quenery (bilang Maria Clara), Lou Veloso, Carmi Martin, Arlene Muhlach, Archie Adamos, Biboy Ramirez, Michael Flores, Leo Martinez, Simon Ibarra, Luke Conde, Mon Confiado, at Dexter Doria.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez on Barretto sisters: "Sana, at the end of the day, you’ll find in your heart some forgiveness with one another. I know, masyadong malalim yung away nila, but with prayers, nothing is impossible."
PHOTO/S: Aiko Melendez Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results