Annabelle Rama, Daisy Romualdez lambast Morissette Amon for walking out of concert

by Arniel C. Serato
Nov 7, 2019
Concert producers and former actresses Annabelle Rama (left) and Daisy Romualdez (right) tell singer Morissette Amon (center) to go back home to Cebu and sell daing after she walked out of newbie singer Kiel Alo's concert held last night, November 6, at Music Museum.
PHOTO/S: Instagram

Nagpakawala ng maaanghang na salita sina Annabelle Rama at Daisy Romualdez laban sa Kapamilya singer na si Morissette Amon.

Ito ay kaugnay ng pagwu-walkout ni Morissette sa birthday concert ng baguhang singer na si Kiel Alo sa Music Museum, nitong Miyerkules ng gabi, November 6.

Matalik na kaibigan nina Annabelle at Daisy si Jobert Sucaldito, ang producer ng Kiel Alo: Ako Naman (A Hugot King Birthday Concert).

Special guest si Morissette sa concert, ngunit hindi natuloy ang pagpe-perform ng singer dahil nag-walkout nga ito.

Sa videos na ibinahagi sa Facebook ng mga dumalo sa concert, pati na ng mga invited press, mapapanood ang pag-alis ng Kapamilya singer sa venue.

Continue reading below ↓

Hindi malinaw kung ano ang tunay na dahilan ng pagwu-walkout ni Morissette.

Pero ayon kay Jobert, ilang sandali bago nag-walkout ang singer ay in-interview siya ng TV Patrol entertainment reporter na si Mario Dumaual.

Hindi raw nagustuhan ni Morissette ang mga tanong tungkol sa kanyang love life, kaya biglang nag-iba ang mood nito.

DAISY ON MORISSETTE: “UMUWI NA SIYA SA CEBU.”

Matapos ang concert, nakapanayam ng ilang press sina Daisy at Annabelle.

Nagpakawala ng maaanghang na salita at patutsada ang dalawang dating aktres at concert producers din laban kay Morissette.

Pasaring ni Daisy, hindi niya gusto ang style ng pag-awit ni Morissette dahil puro tili lamang daw ito.

“Unang-una, hindi ako natataranta sa boses niya dahil tili siya nang tili, ayaw ko ng mga singer na tili nang tili.

“Wala siyang lugar dito sa showbiz kasi ang ugali ng singer ay hindi ganyan, o kaya artista.

Continue reading below ↓

“Problema? Ang problema iwanan mo sa bahay, kumanta ka.

“Yung mga tao dito bumili ng ticket, nakakahiya.

“Inaasahan na kakanta ka, 'tapos konting problema lang, lumayas ka.”

Diretso pa nitong mensahe kay Morissette, “Umuwi na siya sa Cebu at manahimik ka na, Morissette.

"Hindi ka pa ganun kasikat. Ano ka, si Sarah Geronimo?”

Naitanong din kay Daisy ang tungkol sa interview ni Mario na nakasakit daw sa damdamin ni Morissette.

Buwelta ni Daisy, “So? If you are an artist or a singer, you have to be one.

"Hindi ka kailangang ganyang-ganyang arte-arte mo.

“Wala kang lugar sa ano na ito.

“Producer din ako, nagbebenta din ako ng ticket.

“Papa'no naman yung mga binentahan ko na sasabihin ko, ‘Andiyan si Morissette, maggi-guest,’ ganyan, 'Kakanta.'

"'Tapos hindi ka dadating. Kakahiya ka!

“Umuwi kang Cebu.”

Continue reading below ↓

ANNABELLE TO MORISSETTE: “HINDI KA PA SIKAT, BRUHA KA!”

Kinontra naman ni Annabelle ang sinabi ni Daisy kay Morissette na “hindi ka pa ganun kasikat” 'tulad ng Popstar Royalty na si Sarah.

Sabi ni Annabelle, “Walang ganun, Daisy, Daisy...

“Huwag kang magsasabing ‘Hindi ka ganun kasikat.’

“Hindi ka pa sikat, bruha ka!”

Babala pa ng Gutierrez matriarch kay Morissette, “Huwag mong gawin sa akin 'yan, ‘Day, sa stage pa lang kakaladkarin na kita.”

Bilang concert producer, wala pa naman daw nangyari sa kanyang ganito.

Aniya, “Sa awa ng Diyos, ten years na akong nag-produce ng concert, mga sikat lahat, ha, wala pang nangyaring ganyan sa akin.

“Hindi naman niya ka-level yung aking mga pinu-produce.”

May mga nagsasabing baka raw iniingatan lang ni Morissette ang kanyang boses kaya hindi ito tumuloy sa pagkanta kagabi sa concert.

Ano ang masasabi ni Annabelle dito?

Tugon niya, “Huwag na siyang mag-singer, arte-arte niya, buwisit siya!

Continue reading below ↓

“Uminom siyang luya, tanggal 'yang ano sa boses niya.

“Mag-luya kamo siya.”

Ibinahagi ni Annabelle na isa siya sa mga nagbigay ng tsansa kay Morissette na makapasok sa showbiz matapos itong sumali sa artista reality search ng TV5 na Star Factor noong 2010.

Isa si Annabelle sa mga judge ng show.

Lahad niya, “Nung nag-join siya sa Star Factor, ako lang ang bumuboto sa kanya.

“Lahat ng ibang judge, ayaw siyang iboto. Ako lang bumilib sa kanya.

"Andito ako ngayon, gusto ko sanang pakinggan kung magaling talaga siya. I’m planning to get her.

"Ngayon, forget. Nakakahiya siya.”

May mensahe ba si Annabelle para kay Morissette?

Sabi niya, “Tama si Daisy, umuwi kang Cebu, ‘Day, magpahinga ka na dun.

“Magtinda ka dun ng mga isda tsaka saging.

“Hindi na ‘yan sisikat, bagsak na ‘yan.

“Unang-una, na-in love sa lalaki niya.

Continue reading below ↓

“Pangalawa, lumalaban sa tatay niya.

“Ang isang singer, lumalaki ang ulo, kinakalaban ang parents, patay ka na, ‘Day.

"Goodbye Morissette, karmahin ka sana sa tatay mo.”

Ang tinutukoy ni Annabelle ay ang alitan ni Morissette at ng ama nitong si Amay Amon dahil umano sa pag-iwan ng Kapamilya singer sa kanyang pamilya upang sumama sa boyfriend na si Dave Lamar.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Morissette kaugnay ng mga pahayag nina Annabelle at Daisy.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Concert producers and former actresses Annabelle Rama (left) and Daisy Romualdez (right) tell singer Morissette Amon (center) to go back home to Cebu and sell daing after she walked out of newbie singer Kiel Alo's concert held last night, November 6, at Music Museum.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results