Gerald Anderson booed by crowd in Ateneo-UP basketball game

by Rachelle Siazon
Nov 7, 2019
Netizens tweet about Gerald Anderson drawing negative reactions from fans watching Ateneo vs UP basketball match on October 30.
PHOTO/S: @MOAArena Twitter

Usap-usapan sa Twitter ang umano'y negatibong reaksiyon ng crowd nang mamataan si Gerald Anderson na kabilang sa audience na nanood ng UP-Ateneo basketball game noong October 30.

Bandang second quarter ng basketball game nang i-flash ang mukha ni Gerald sa telecast ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) game, na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ipinakita rin sa screens sa loob ng court ang mukha ng Kapamilya actor.

Dito sinasabing naganap ang insidente kunsaan sumigaw umano ng "Boo!" ang ilang mga manonood na napansing naroon si Gerald.

Continue reading below ↓

Narito ang video clip kunsaan na-record ng isang netizen ang telecast ng Ateneo-UP game:

NETIZENS' reactions

Nasundan ito ng tweets ng netizens na tila nasorpresa sa insidenteng pag-boo kay Gerald gayong nanood lamang daw ito ng UAAP game.

Kilalang mahilig si Gerald sa basketball at manlalaro rin ng Imus Bandera team ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Continue reading below ↓

Hinihinalang may kaugnayan ang negatibong reaksiyon ng crowd kay Gerald sa kontrobersiyal na hiwalayan ng aktor at ng ex-girlfriend nitong si Bea Alonzo.

Hindi kaila sa publiko na nadawit sa isyu ang Between Maybes leading lady ni Gerald na si Julia Barretto.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

"TEAM BEA"

Ayon sa ibang nakasaksing netizens, may ilang audience members ang sumigaw ng "Team Bea kami!" nang ipakita sa monitor si Gerald.

Sinasabang nasa bandang UP courtside ang mga naringgang nag-boo kay Gerald, pero hindi malinaw kung ang mga manonood na iyon ay mga estudyante rin o sadyang fans lang ng UAAP game.

Continue reading below ↓

Idinaan naman sa biro ng ilang netizens ang dahilan kung bakit na-boo umano si Gerald.

May ilang nakaalala na Ateneo graduate ang karakter na ginampanan ni Bea sa pelikulang Four Sisters And A Wedding.

Habang ang mga kapatid ni Bea sa pelikula na sina Toni Gonzaga, Angel Locsin, at Shaina Magdayao (aka the Salazar sisters) ay mga UP graduate.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

NETIZENS DEFEND GERALD

Sa kabilang banda, may ibang netizens din ang nagpaabot ng simpatiya para kay Gerald.

Hindi raw iyon ang tamang lugar para batikusin ang aktor sa kontrobersiyang kinasangkutan nito.

Continue reading below ↓

May isa ring netizen ang nagbanggit na posibleng hindi si Gerald ang na-boo dahil tiyempong noong mga oras na iyon ay tinawagan ng unsportmanlike foul ang Ateneo Blue Eagles player na si Isaac Go laban sa UP Maroons player na si Felixberto Jaboneta.

Continue reading below ↓

RELATED STORY

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens tweet about Gerald Anderson drawing negative reactions from fans watching Ateneo vs UP basketball match on October 30.
PHOTO/S: @MOAArena Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results