Ethel Booba, Vice Ganda exchange banter about her past video scandal

by Bernie V. Franco
Nov 7, 2019
Vice Ganda on Ethel Booba: “Tandaan ninyo, napakayabang ninyo, bago pa kayo nag-viral, nauna na ‘to, 'no.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @ethelbooba on Instagram

Game na game na nakipagbiruan si Ethel Booba kay Vice Ganda tungkol sa mga kinasangkutang kontrobersiya noon ng comedienne-singer.

Ang mga biro ni Vice ay may reference sa sex scandal ni Ethel noong 2005 at ang muntik nitong pagsunog sa condo unit na tinutuluyan noong 2011.

Nangyari ang biruan ng dalawang magkaibigan sa interview portion ni Ethel matapos ang kanyang performance sa “Tawag ng Tanghalan” Celebrity Champions edition sa It's Showtime nitong Miyerkules, November 6.

Si Ethel ay hinirang na isa sa grand finalists.

Sa takbo ng kanilang usapan, nagbiro si Vice tungkol sa "video" ni Ethel.

Biro ni Vice, “Ang galing gumawa ng video ni Ethel.”

Sagot ng natatawang si Ethel, “Ibang video naman ata ‘yan, e!”

Ani Vice, “Tandaan ninyo, napakayabang ninyo, bago pa kayo nag-viral, nauna na ‘to, 'no.”

Banat ni Ethel, “Puwede kaya sa vlog yung mga ganun? Ha-ha-haha!”

Continue reading below ↓

Sinabihan ni Vice si Ethel na imbitahan ang viewers na panoorin ang kanyang video para makakuha ito ng maraming likes.

Hirit naman ni Ethel, “Sa mga hindi pa nakakapanood, try niyo, sige… papatokhang ko kayo!”

Sumabat naman si Ryan Bang at tinanong si Ethel kung ano ang mga itinatampok ni Ethel sa kanyang vlog.

“Iba… maraming X...” birong sagot ni Ethel.

Taong 2005 nang kumalat ang video scandal ni Ethel sa social media.

Ang video, kung saan tumambad ang maselang parte ng katawan ni Ethel, ay kuha ng ex-boyfriend niyang si former PBA player Alex Crisano.

Sa kanyang guest appearance sa late-night weekend show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice (GGV) noong June 2014, nagkuwento si Ethel tungkol sa video.

Aniya, "Ako yung mahilig mag-video-video, 'tapos hanggang one time, paggising, naggaganun siya [Alex]…

“Inaamin ko yung video!” natatawang dugtong ni Ethel.

"Pero ano, wala na yun... iyon ang pinaka-worst."

Continue reading below ↓

ETHEL ON ALMOST SETTING CONDO UNIT ON FIRE

Isa pang biro ni Vice kay Ethel sa It’s Showtime nitong Miyerkules ay ang isyu ni Ethel noon na muntik niyang masunog ang inuupahang condominium.

Ibinunyag ni Vice na kamakailan ay nagkaroon ng away si Ethel at ang boyfriend nito habang nasa isang comedy bar.

Nagkabati naman daw sila bago matapos ang gabi, pero hindi na raw umuwi si Ethel at nagdesisyong matulog sa comedy bar.

Sambit ni Vice, “Natatakot lang ang comedy bar, e, dito matutulog, e, nakikipag-away, baka mamaya sunugin din itong comedy bar!”

Sagot ni Ethel, “Hindi na, iba na…”

Tanong ni Vice, “Iba na sinusunog mo?”

“Tao na talaga,” birong sagot ni Ethel.

Noong March 2011, inako ni Ethel muntik nang magkasunog sa condo unit na kanyang nirerentahan.

Pinagbalingan niya ng galit ang isang lamp shade na kanyang sinilaban habang nasa condo unit.

Ayon kay Ethel, ang nag-udyok sa kanya para gawin ito ay ang matinding galit matapos madiskubreng bakla pala ang kanyang non-showbiz boyfriend noon na isang Norwegian.

Continue reading below ↓

Naapula ang sunog dahil gumana ang sprinkler na naka-install sa unit.

Nagdesisyon naman ang building administration na huwag nang sampahan ng kasong arson si Ethel, pero sinabihan siyang lisanin agad ang condo unit na ginawa naman ng comedienne.

ETHEL REFUSES TO COMMENT ON BARRETTO FAMILY FEUD

Tinukso pa ni Vice si Ethel kung ano ang masasabi nito sa pag-aaway ng Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie, at Claudine.

Pero tumangging pumatol si Ethel.

“Ano ang kinalaman nun?” ani Ethel kay Vice.

“E, si Duterte nga hindi napigilan…

“Baka sapakin ako, ‘Ano bang pakialam mo dito?’

“President nga hindi naawat.”

Ang tinutukoy ni Ethel ay ang pagkabigo ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbatiin ang magkapatid na Gretchen at Marjorie sa burol ng kanilang ama noong October 16, 2019.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on Ethel Booba: “Tandaan ninyo, napakayabang ninyo, bago pa kayo nag-viral, nauna na ‘to, 'no.”
PHOTO/S: Noel Orsal / @ethelbooba on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results