Newbie singer Kiel Alo empathizes with Morissette Amon amid walkout issue

by Julie E. Bonifacio
Nov 7, 2019
Kiel Alo on Morissette Amon: "Kasi, para sa akin po, lahat tayo, may kani-kanyang pinagdadaanan, e. Maaaring maliit para sa akin, pero malaki para sa kanya. Maaaring maliit para sa inyo, pero malaki para sa akin. So, inintindi ko po siya sa part na yun. Siguro nga, ganoon kasakit."
PHOTO/S: Kiel Alo Instagram / Morissette Amon Instagram

Nagulat ang baguhang singer na si Kiel Alo sa pagwu-walkout ng guest niyang si Morissette Amon sa kanyang Ako Naman concert nitong Nobyembre 6, Miyerkules, sa Music Museum.

“Kasi, unang-una, nag-rehearse na kami ni Morissette, e. Actually, ginagawa na namin yung duet namin,” lahad ni Kiel nang mainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after the show.

“So, talagang hinihintay na lang yung part niya sa concert. Pero yun nga...”

Bakit nag-walkout si Morissette?

Kuwento ni Kiel, “Ano po, e, ininterbyu ni Tito Mario Dumaual kaming dalawa. 'Tapos, congratulating me and all.

“Tinanong siya tungkol sa father niya. 'Tapos, in-explain niya na parang lahat ng pinagdadananan niya and all.

"'Tapos, after po noon, parang na-offend daw po siya.

“Before the concert lang po kami ininterbyu ni Tito Mario," pagtukoy niya sa TV Patrol reporter na si Mario Dumaual.

"Sabi ni Tito Mario Dumaual kay Morissette, ‘Kumusta kayo ng tatay mo?’ Ayun lang naman.

Continue reading below ↓

"Pero yun nga, parang... siguro the term would be 'hurt.' Hurt na hurt siya.

“Kasi, may sinabi si Tito Mario na, ‘Hindi bale, di naman matitiis ng isang ama ang kanyang anak.’

“'Tapos, ayun. Akala ko, okey. Kasi, nag-ano pa ako sa kanya. Na parang, yun nga, wala raw siyang ginawa kundi prayers.

“Yun nga, sabi ko, dapat, kung may pinagdadaanan, idasal lang. ‘Iluhod lang natin. Pray ka lang, kasi walang imposible kay Lord.’

“Akala ko, okey na. Kasi mag-i-start na yung show.

“'Tapos, before I dance, yung kasama si Ate Aira Bermudez, ayun, narinig ko na inuntog daw ni Morissette yung ulo niya sa pader.

"'Tapos, umiyak. Umiyak nang umiyak.

“'Tapos, hindi na siya makakanta."

KIEL UNDERSTANDS MORISSETTE

Ayon pa kay Kiel, “Para sa akin po, naintindihan ko po si Morissette.

"Kasi, para sa akin po, lahat tayo, may kani-kanyang pinagdadaanan, e.

Continue reading below ↓

“Maaaring maliit para sa akin, pero malaki para sa kanya. Maaaring maliit para sa inyo, pero malaki para sa akin.

“So, inintindi ko po siya sa part na yun. Siguro nga, ganoon kasakit.

“Pero ako po, e, iba po siguro yung orientation ko at saka yung itinuro sa akin ni Nanay na whatever happens... kahit na one time nga, e, yung isang talent ni Nanay, namatayan or ano, pero he finished the show."

Ang tinutukoy na "Nanay" ni Kiel ay ang kanyang talent manager na si Jobert Sucaldito.

Patuloy niya, “And even foreign artists finish shows, even kung anuman ang mangyari.

"Kasi, part po yun for being a professional singer. Yun lang po ang ano ko.

“Lahat naman po kasi tayo, may pinagdadaanan.

"So, ako rin naman po. Pero kung may trabaho po, I make it a point I’ll be professional.”

Nabawasan ba ang level ng performance niya dahil naudlot ang duet nila ni Morissette?

Continue reading below ↓

“Hindi naman po. I actually prayed for her in my mind na, sabi ko, ‘Siguro it’s not meant pa for us to do that duet.’

"But in God’s time.," pakli ni Kiel.

May mensahe ba siya para kay Morissette?

Sabi ni Kiel, “Morissette, magpakatatag ka lang and katulad nga ng sinasabi mo kanina na keep on praying.

"Pray without ceasing, unceasingly. And magkikita pa rin naman tayo.

“And I’m happy to, somehow sing with you. And sana, in the future.

"You’re such a good soul and I hope to see you soon."

JANNO GIBBS NO SHOW AT HIS CONCERT

Guest din dapat ni Kiel sa concert si Janno Gibbs, pero hindi ito sumipot.

“Si Kuya Janno, usually, alam naman niya yung mga gagawin niya. And ano, nag-usap kami sa Instagram.

“Sabi niya, pupunta siya. Sabi niya, ‘O, see you sa concert mo, ha?’

Continue reading below ↓

“Nagpasalamat pa ako. Kasi, na-touch pa ako. Kasi, tinawagan siya ni Nanay, umoo siya. Ayun.

“Hindi ko alam kung anong reason niya. Pero kung anuman yun... Kuya Janno, love pa rin kita,” mensahe niya sa kanyang idolong singer.

Bale dalawang artists ang di nakapag-perform sa concert ni Kiel.

“Opo, dalawang taong iniwan ako sa... joke lang!”

Present sa concert ni Kiel ang iba pang guests na sina Eva Eugenio, Jun Polistico, LA Santos, Carlo Mendoza, at Kiel Mathew Mendoza.

Continue reading below ↓

KIEL AS CRISOSTOMO IBARRA

Samantala, muling mapapanood si Kiel bilang Crisostomo Ibarra sa dulang Kanser, na unang itinanghal sa Aliw Theater bago ito nasunog kamakailan.

“Tuloy na po kami sa November 20, sa GSIS na po ang venue namin.”

Ang Aliw Theater ay bahagi ng Star City. Kasamang natupok ng apoy sa Star City ang mga gamit nila sa production.

“Hindi naman po siguro ako masyadong naapektuhan na natigil kami,” sabi ni Kiel.

“Iyon yung lagi kong sinasabi na parang... ang laki ng naitulong sa akin ng teatro sa pagpe-perform.

“Kasi, mas naintindihan ko na kung ano yung dapat kong gawin.

“'Tapos naging parte na ng buhay ko si Rizal. It’s something that I have to live by,” pagtatapos ni Kiel.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiel Alo on Morissette Amon: "Kasi, para sa akin po, lahat tayo, may kani-kanyang pinagdadaanan, e. Maaaring maliit para sa akin, pero malaki para sa kanya. Maaaring maliit para sa inyo, pero malaki para sa akin. So, inintindi ko po siya sa part na yun. Siguro nga, ganoon kasakit."
PHOTO/S: Kiel Alo Instagram / Morissette Amon Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results