Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli engaged for a year now his brother confirms

by Arniel C. Serato
Nov 8, 2019
Paolo Guidicelli, younger brother of Matteo, reveals on his Instagram Stories that his brother's engagement to Sarah Geronimo happened a year ago: "It was just a secret. Nobody found out HAHAHHA.”
PHOTO/S: Courtesy: @pguidicelli / @matteog on Instagram

Isang taon nang engaged sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Ito ang rebelasyon ng nakababatang kapatid ni Matteo na si Paolo Guidicelli sa kanyang Instagram Stories kagabi, November 7.

Kalakip ang screenshot ng larawan nina Sarah at Matteo na mula sa Instagram post ng actor-singer, sabi ni Paolo: "Congrats. They were engaged for about a year now. It was just a secret."

Continue reading below ↓

Dagdag pa nito, “Nobody found out (ring emoji) HAHAHHA.”

Bagamat isang taon na pala ang nakalilipas mula nang mag-propose si Matteo kay Sarah, nitong November 7, 2019 lang sila nagdesisyong ianunsiyo ang kanilang engagement.

TRENDING TOPIC

Kagabi, naging trending topic sa Pilipinas, maging sa buong mundo, ang #AshMattNowAndForever matapos ianunsiyo ni Matteo, 29, ang engagement nila ni Sarah, 31.

Continue reading below ↓

#AshMatt ang tawag ng fans sa real-life couple na sina Matteo at Sarah.

Continue reading below ↓

Anim na taon na ang relasyon ng Viva actor at ng Popstar Royalty.

Sa dalawang larawan na ipinost ni Matteo sa kanyang Instagram, kapansin-pansin ang diamond engagement ring na nakasuot sa ring finger ni Sarah.

Ayon sa tradisyon, sa ring finger isinusuot ang singsing na may kaugnayan sa pagmamahalan.

Sabi ni Matteo sa caption: “I love you my love, now and forever.”

Continue reading below ↓

Sa ngayon, mayroon na itong halos 600,000 likes at 50,000 comments.

Bumaha rin ng congratulatory messages mula sa fans, kamag-anak, at celebrity friends.

Hinihintay naman ng publiko ngayon kung kailan magaganap ang kasal sina Sarah at Matteo.

Unang nagkasama ang dalawa sa pelikulang Catch Me, I’m In Love noong 2011, kung saan ang kapartner ni Sarah ay si Gerald Anderson.

Supporting cast lamang noon si Matteo sa pelikula.

2013 nagsimula ang dating history nila.

June 2014 naman inamin ni Sarah na boyfriend na nga niya si Matteo.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Guidicelli, younger brother of Matteo, reveals on his Instagram Stories that his brother's engagement to Sarah Geronimo happened a year ago: "It was just a secret. Nobody found out HAHAHHA.”
PHOTO/S: Courtesy: @pguidicelli / @matteog on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results