Regine Velasquez reacts to walkout issue of Morissette Amon

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2019
Asia's Songbird Regine Velasquez on Morissette Amon's latest controversy: “I hope that she’s okay, I hope that… sometimes ganoon talaga, may pagdadaanan ka."
PHOTO/S: Mark Atienza /@itsmorissette on Instagram

“She’s a really good girl. Yun ang pagkakailala ko sa kanya.”

Bahagi ito ng pahayag ni Regine Velasquez, 49, hinggil sa kapwa singer at kaibigang si Morissette Amon, 23.

Laman ng balita ngayon si Morissette dahil sa pagwu-walkout niya sa isang concert noong November 6, Miyerkules.

Tinanong si Regine kung ano ang komento niya sa insidenteng kinasasangkutan ni Morissette.

“Alam mo, hindi ko alam kung ano yung nangyari, so it’s very hard for me to comment kasi wala ako talagang… I have no idea,” sagot ng Asia's Songbird sa video interview sa kanya ABS-CBN entertainment reporter na si MJ Felipe.

Pero umaasa raw si Regine na malampasan ni Morissette ang pagsubok na pinagdadaanan nito ngayon.

“I hope that she’s okay, I hope that… sometimes ganoon talaga, may pagdadaanan ka.

"And I hope that God will give her the strength para mapagdaanan niya nang tama ito, kasi ang hirap, kasi ang bata pa niya.

Continue reading below ↓

"So, hindi natin alam…"

Sabi pa ni Regine, “Oo naman, mabait…

“She’s a good girl, she’s a really good girl… yun ang pagkakakilala ko sa kanya.

“And I know her personally na, ha, hindi na yung basta chika lang.

"Kasi nakakausap ko na siya, nagti-text kami… she’s a good girl."

Dahil sa pagwu-walkout ni Morissette, marami ang bumabatikos at kinukuwestiyon ang kanyang professionalism.

Kinunan din siya ng pahayag dahil sa dami ng mga taong nagbibigay ng opinyon sa isyu ni Morissette.

“Hayaan na muna natin yung mga nagsasalita,” sabi ni Regine.

Na-interview si Regine sa opening night ng 15th Cinema One Originals Film Festival na ginanap sa Ayala Malls, Manila Bay, Pasay City, Huwebes ng gabi, November 7.

MORISSETTE WALKOUT ISSUE

Pinag-uusapan ngayon si Morissette dahil sa hindi niya pagpe-perform sa concert ng baguhang singer na si Kiel Alo, na pinamagatang Kiel Alo: Ako Naman (A Hugot King Birthday Concert), sa Music Museum, San Juan City, noong Miyerkules ng gabi.

Continue reading below ↓

Si Morissette ang main guest singer ng event.

Bagamat dumating at nag-rehearse, sa huling sa sandali ay hindi kumanta sa stage si Morissette.

Kumalat ang video ng pagwu-walkout niya sa event.

Ayon kay Jobert Sucaldito, producer ng show at talent manager ni Kiel, sinabihan siya ng business manager ni Morissette na hindi nagustuhan ng singer ang interview sa kanya ni Mario Dumaual ng TV Patrol bago magsimula ang show.

Tinanong si Morissette tungkol sa kanyang love life at sa alitan nila ng amang si Amay Amon.

“Kasi she felt she was attacked by the media, by the interview,” ani Jobert sa reporters.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang kampo ni Morissette kaugnay ng kinasasangkutang isyu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez on Morissette Amon's latest controversy: “I hope that she’s okay, I hope that… sometimes ganoon talaga, may pagdadaanan ka."
PHOTO/S: Mark Atienza /@itsmorissette on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results