Pastor Apollo Quiboloy accepts Vice Ganda's challenge to stop Ang Probinsyano, EDSA traffic

by Arniel C. Serato
Nov 8, 2019
Pastor Quiboloy to Vice Ganda: “Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na ‘yan.”
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal

“The challenge is accepted.”

Ito ang idineklara ni Pastor Apollo Quiboloy sa live episode ng kanyang programang Spotlight sa Sonshine Media Network International (SMNI) nitong Huwebes ng gabi, November 7, tungkol sa hamon ng It’s Showtime host na si Vice Ganda na ipatigil nito ang pag-ere ng Ang Probinsyano at ang malalang traffic sa EDSA.

Sa live episode ng It's Showtime noong November 5, pinasaringan ni Vice ang religious leader dahil sa sinabi nitong siya ang nagpatigil ng malalakas na lindol na sunud-sunod na yumanig sa Mindanao noong Oktubre.

Sabi ni Vice: "Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Ang Probinsyano, abangan niyo ‘yan.

"So ano, Quiboloy, hinahamon kita, ipahinto mo nga ang Probinsyano.

"Napahinto mo pala ang lindol, e. Napakayabang niyo pala!"

Si Quiboloy ang founder ng religious group na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc. na nagmamay-ari rin ng Sonshine Media Network International na nakabase sa New Jerusalem, Davao City.

Continue reading below ↓

Sa Question and Answer portion ng programa, tumatanggap sila ng mga katanungan mula sa mga manonood.

Isang netizen ang nagtanong tungkol sa challenge ni Vice sa kanilang pastor.

Natatawang sagot ni Pastor Quiboloy: “Bakit naman dumating tayo diyan, parang lindol lang yung pina-stop ko, e, dumating pa yung challenge na ipa-stop ko daw yung Probinsyano o kaya yung sa EDSA.

Sabi pa niya kay Vice: “Kailan mo ba gustong mapa-stop ang Ang Probinsyano?

“Ikaw, magpili ka, kelan mo ba gustong mai-stop?

"Isang buwan? Dalawang buwan? Tatlong buwan?

"Apat na buwan? Ikaw, pili ka."

Dagdag ni Quiboloy: “Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na ‘yan.”

Ang tinutukoy ni Pastor Quiboloy ay ang nakatakdang pagtatapos ng prangkisa ng ABS-CBN sa March 2020, o halos apat na buwan na lamang.

Nakabinbin pa sa Kongreso at Senado ang mga panukalang batas na naglalayong muling mabigyan ng 25-year franchise ang broadcast giant.

Continue reading below ↓

PASTOR QUIBOLOY ENDORSES EAT BULAGA!

Kasunod nito, pinangaralan ni Pastor Quiboloy ang kanyang live audience at mga manonood na huwag maging mayabang.

“So, ang lesson ng mga ganun, huwag magyabang,” sabi niya.

Diin pa ni Quiboloy, “So kayo, pag kayo nasa entertainment, masyado na kayong sikat, pati yung network ninyo masyadong sikat, think about helping humanity.

“Think about being an example to others.

“Think about being an example to the next generations.”

Dito sinabi ng religious leader na mahal niya si Vic Sotto pati na ang programa nitong Eat Bulaga! dahil marami raw silang ginagawa para sa tao.

Sabi niya, “Mahal ko siya, pati ang kanyang programa na 'yan ay magpapatuloy ang kanyang programa kahit kailanpaman kasi may pagtulong sila sa kanilang kapwa.

"At ako, sa kanilang mga jokes, natatawa ako kasi sa kanilang humor na maganda.

“Pero ang example nila sa sangkatauhang Pilipino, napakaganda, hindi kabastusan, hindi kalokohan.

Continue reading below ↓

"Hindi yung pagyurak ng mga odor ng mga tao, hindi yung ipahihiya ka, pagtatawanan ka at your expense, gagawa sila ng joke.

“So, hindi pagpapalain ng Diyos ang mga ganung mga klase.

“Kaya si Boss Vic Sotto, mahal na mahal ko 'yan at ang kanyang mga ginagawa para sa masang Pilipino.

“So, kung manonood man kayo ng entertainment, nandiyan yung mga kapupulutan natin ng magagandang aral.

“Pero yung iba diyan, e, wala na akong masasabi sa kanila.”

Magkatapat sa ere ang It's Showtime ni Vice sa ABS-CBN at Eat Bulaga! ni Vic sa GMA-7.

CHALLENGE ACCEPTED

Sa huling bahagi ng kanyang litanya laban kay Vice, sinabi ni Quiboloy na ang mga patutsada sa kanya ng TV host-comedian ay naririnig hindi lamang ng tao kundi maging ng Diyos.

Ani Pastor Quiboloy, “Pero yung challenge mo yung yun, hindi lang ako ang nakarinig nun.

"Kundi ang Diyos nakarinig nun.

Continue reading below ↓

“So, hindi kita hahatulan, hihintayin ko na lang kung ano ang kalalabasan ng challenge mo na pahintuin ang... sinabi mo na pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nahinto na!

“Ang dapat mong sinabi, pabilisan, pabilisan ang traffic, let traffic flow, e.

"Paano ko pahintuin, e, nakahinto na nga, e.

“Naging parking lot na nga ang EDSA, e, nakahinto na.

“Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na?

“Hindi siguro yun ang right word na sinabi mo. Pabilisin.

“Ipabilis ang traffic, ang traffic flow ipabilis sa EDSA.

“Hindi ikaw lang ang nananalangin niyan, tayong lahat ang nananalangin niyan, e.

“Okay, hintayin natin ang challenge mo."

Patuloy niya, "Sabi pahintuin si Probinsyano, o wala naman akong pakialam dun sa Probinsyano kung ano.

"Pero dahil chinallenge mo, hindi ako magsasalita, but the challenge is accepted.

“Pero di ako magsasalita, hihintayin mo na lang. Okay?”

Continue reading below ↓

Bagot ang sagot ni Pastor Quiboloy, ipinagtanggol na siya ng kanyang kaibigang si Mike Abe, broadcaster ng DZAR ng Sonshine Media Network International.

Minura ng broadcaster si Vice dahil sa pagsasabing "napakayabang" ni Pastor Quiboloy.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pastor Quiboloy to Vice Ganda: “Baka sa apat na buwan, hindi lang yung Probinsyano ang mai-stop, baka pati yung network mo stop na ‘yan.”
PHOTO/S: Courtesy: Pastor Apollo C. Quiboloy on Facebook / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results