Angelica Panganiban apologizes for Holocaust Memorial post

by Jet Hitosis
Nov 8, 2019
Angelica Panganiban takes to Twitter to apologize "for offending the sensibilities of others over a picture i posted on my ig story." The actress was referring to a photo of her taken at the Holocaust Memorial in Berlin, Germany.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram

Humingi ng paumanhin si Angelica Panganiban matapos siyang mabatikos sa ipinost niyang litrato habang nasa Holocaust Memorial sa Berlin, Germany.

Sa tweet ng aktres nitong Huwebes ng gabi, November 7, nag-apologize siya “for offending the sensibilities of others” sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram Stories noong Miyerkules ng gabi, November 6.

Sa litrato—na binura na rin ni Angelica nitong Huwebes ng gabi—nasa gitna ang aktres ng ilan sa 2,711 stelae, na sumisimbolo sa anim na milyong Jews na pinatay sa Holocaust, sa pagitan ng 1941 at 1945.

Hindi nakangiti si Angelica, na nakapayong ng itim at nakasuot ng long black dress.

Caption niya: “Kabibili ko nga lang pala ng bansang ito . Ayun sa ootd ko. Tabi! Dadaan ang madam!”

Sa paghingi niya ng paumanhin, sinabi ng 33-anyos na Kapamilya actress na wala siyang “malice and intention to malign and disrepect the memories of the Holocaust.”

Continue reading below ↓

Ang Pinay US-based blogger na si Dexie Wharton ang unang pumuna sa naturang post ni Angelica.

Tinawag pa ni Dexie na “Inappropriate And Insensitive Holocaust Memorial IG Photo & Caption” ang post ni Angelica.

Sinabihan din ng blogger ang aktres na “Learn the history of places you travel to and be respectful.”

Inamin naman ni Angelica ang naging pagkakamali niya, at sa isa pang tweet kagabi, nangako siyang magiging “more conscious on things I post.”

Saad sa ikalawang tweet ni Angelica: “As I travel, I will be more informed about the history and use this as learning experience to be more conscious on things I post.

“Again, my sincerest apologies.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban takes to Twitter to apologize "for offending the sensibilities of others over a picture i posted on my ig story." The actress was referring to a photo of her taken at the Holocaust Memorial in Berlin, Germany.
PHOTO/S: @iamangelicap on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results