Ruru Madrid, Bianca Umali spotted hugging each other at party amid reported argument

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2019
Did Bianca Umali and Ruru Madrid kiss and make up? Two nights after their alleged fight at a parking lot, the rumored couple were seen hugging each other at a thanksgiving party on Thursday night, November 7.
PHOTO/S: Annette Gozon-Valdes (Facebook) / Nelson Canlas Instagram

Nagkaayos na ba sina Ruru Madrid at Bianca Umali pagkatapos mapabalita ang diumano’y pag-aaway nila sa parking area ng isang mall sa Quezon City kamakailan?

Nakunang magkasama at magkayakap ang rumored couple sa thanksgiving party ng kanilang home network, ang GMA Network, na ginanap sa The Manila Polo Club sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi, November 7.

Martes, November 5, napaulat na muntik nang masagasaan diumano ni Bianca si Ruru nang itulak ng aktres ang aktor at pinaharurot ang minamanehong sasakyan.

Nangyari raw ang insidente pagkatapos ng premiere night ng current movie ni Ruru kasama si Jasmine Curtis-Smith, and Cara X Jagger.

HAVE RURU AND BIANCA KISSED AND MADE UP?

Dumagsa ang Kapuso stars at TV executives sa GMA thanksgiving party, kabilang na rito sina Bianca at Ruru nitong Huwebes ng gabi.

May ilang kuha na ipinost sa social media na makikitang magkasama sina Ruru at Bianca.

Magkayakap ang dalawa sa post ni GMA Films President Annette Gozon-Valdes.

Continue reading below ↓

Makikita rin si Ruru na nakayakap kay Bianca sa larawang ipinost sa Instagram ng Kapuso entertainment reporter na si Nelson Canlas.

Kasama nina Ruru at Bianca sa larawan si Redgie Magno, GMA Entertainment TV vice president for drama.

Continue reading below ↓

Ganito rin ang ipinost sa Instagram Story ni Aubrey Carampel, isa ring entertainment reporter ng naturang network.

Kita ang masayang mukha nina Ruru at Bianca sa post ni Aubrey.

Isa ito sa mga bihirang pagkakataong hayagan ang pagiging malapit nina Bianca at Ruru sa isang media-covered event.

Continue reading below ↓

Base sa mga litrato, lumalabas na nagkaayos na ang dalawa matapos ang napaulat na engkuwentro nila sa parking area ng SM Megamall noong Lunes.

RURU AND BIANCA PARKING LOT INCIDENT

Ayon sa mga nakasaksi, itinulak umano si Ruru ni Bianca na nakasakay sa kanyang kotse, pinaharurot ang kanyang sasakyan, at muntik nang masagasaan ang aktor.

Nagsimula ang lahat sa premiere night ng Cara X Jagger, na dinaluhan din ni Bianca bilang pagsuporta kay Ruru.

Pero nauna raw lumabas ng sinehan si Bianca at inakalang umalis na.

Pagkatapos daw ng premiere night, nagtungo na sa parking area at sumakay umano sa kanyang kotse si Ruru, kasama sina si Jasmine, ang direktor na si Ice Idanan, at dalawa pang kasama ni Ruru.

Papunta raw ang grupo sa after-party pagkatapos ng premiere night nang biglang dumating si Bianca na akala nila ay nakaalis na.

Sumilip daw sa loob ng kotse si Bianca, at nang makita kung sinu-sino ang nasa loob ng kotse ay sarkastikong nagsabi ng “Congrats, ha?” at saka mabilis na umalis patungo sa kanyang kotse.

Continue reading below ↓

Bumaba raw ng sasakyan si Ruru, hinabol si Bianca, at doon nangyari ang insidenteng muntik mahagip ni Bianca ng sasakyan ang binata.

Sinasabing selos ang naging sanhi ng pag-aaway ng dalawa dahil vocal si Ruru sa pagsasabing crush niya si Jasmine.

Ito ay sa kabila ng hindi pa rin tuwirang inaamin nina Bianca at Ruru sa publiko ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sina Bianca at Ruru ay hinihinalang magkasintahan na mula pa noong 2018.

RURU THANKS JASMINE

Samantala, isang mahabang Instagram post ang ginawa ni Ruru nitong Huwebes.

Nagpahayag ang aktor ng kanyang pasasalamat sa kanyang kauna-unahang mainstream movie na isa siyang bida.

Kabilang sa mga pinasalamatan niya ay si Jasmine—na kanyang leading lady at itinuturong pinagselosan diumano ni Bianca.

Ani Ruru: "Higit sa lahat ang aking napaka ganda at napakabait at napaka husay na leading lady @jascurtissmith salamat ng marami sayo dahil napakarami kong natutunan hindi lang sa trabaho kundi ganun na rin sa buhay.

Continue reading below ↓

"Habang buhay kong ittreassure ang pagkakaibigan natin kahit na ano pa ang mangyari nandito lang ako lagi para sayo. Thank you Jas sana mas marami pa tayong projects na gawin together!”

Pinasalamatan din ni Ruru ang lahat ng taong involved sa pelikula, mula sa film producers, staff, crew, at co-stars.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did Bianca Umali and Ruru Madrid kiss and make up? Two nights after their alleged fight at a parking lot, the rumored couple were seen hugging each other at a thanksgiving party on Thursday night, November 7.
PHOTO/S: Annette Gozon-Valdes (Facebook) / Nelson Canlas Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results