Angelica Panganiban reveals family's ordeal in Paris; vows to put French driver in prison

by Bernie V. Franco
Nov 8, 2019
In a series of tweets, actress Angelica Panganiban relates the ordeal of her family who are vacationing in Paris, France. All this because of an abusive French driver.
PHOTO/S: Noel Orsal

“Hustisya.”

Ito ang sigaw ni Angelica Panganiban kaugnay ng pangha-harass diumano ng isang French driver sa kanyang pamilya na nagbabakasyon ngayon sa Paris, France.

Nitong Huwebes, November 7, sa pamamagitan ng Twitter, humingi ng tulong si Angelica para sa kanyang pamilya na hinarass diumano ng chauffeur na naghatid sa mga ito mula airport papunta sa kanilang accommodation.

Hindi binanggit ni Angelica kung ilang katao ang kabilang sa grupo, pero kasama raw rito ang kanyang kuya, ate, at pamangkin.

Sinisingil daw ng driver ang mga kaanak ni Angelica ng 450 euros o katumbas ng P25,000, pero hindi raw pumayag ang kuya ng aktres dahil alam niyang overpriced ito.

Continue reading below ↓

Sinigaw-sigawan daw ng driver ang mga kaanak ni Angelica, at hinampas pa raw ang kamay ng ate niya nang makita ng driver na kinukunan siya nito ng litrato.

Hindi raw nakapag-report sa pulis ang mga kaanak ni Angelica dahil hindi sila marunong mag-French.

Continue reading below ↓

Pumayag daw ang driver sa 100 euros (P5000) at $60 (P3000) dahil iyon na lamang ang natitirang pera ng pamilya ni Angelica, pero hinagis daw ng driver sa kalsada ang pera.

May isang Pilipino na nakasaksi sa insidente ang sinubukang tulungan ang grupo na makipag-usap sa driver.

Pero maging ito raw ay inalog-alog ng driver.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Sa mga sumunod na tweet ni Angelica ay nagpahayag siya ng galit:

Continue reading below ↓

Nakarating naman daw sa kanilang accommodation ang mga kaanak ni Angelica.

Nagbalak daw ang mga ito na lumipat ng accommodation, pero nakaabang daw sa labas ang driver kaya natakot ang mga ito.

THE PEOPLE WHO HELPED ANGELICA'S FAMILY

May dalawang tao raw mula sa Pilipinas ang nakaalam ng panawagan ni Angelica.

Continue reading below ↓

Tinawagan daw ng mga ito ang mga kakilala nilang nasa Paris upang puntahan ang pamilya ni Angelica at tulungang makapag-report sa pulis at makalipat ng accommodation.

Bukod sa dalawa, marami rin daw mga “kababayan” na nasa Paris ang nag-abot ng tulong sa pamilya ni Angelica.

Pero himutok ng Kapamilya actress, hindi siya tinulungan ng mga inaasahan niyang tutulong sa kanya.

Continue reading below ↓

Patama ni Angelica sa kanyang tweets (published as is): “Sa ganitong sitwasyon mo marrealize yung totoong ngmamahal at nagmamalasakit sayo.

“Hindi pala yun nagsisismula at nagtatapos sa happy birthday.

“Hindi ko talaga na expect yung tulong ninyo.

“Hindi ko din na expect yung mga hindi tumulong.

“Akala ko sila yung magaalala.

“Deadma sila.”

Ipinagdiwang ni Angelica ang kanyang 33rd birthday nito lamang November 4.

Continue reading below ↓

THE FRENCH DRIVER

Ipinost ni Angelica sa Twitter ang larawan at plate number ng kotse ng diumano'y abusadong chauffeur, gayundin sa kanyang Instagram Story.

Nagbanta si Angelica na hahanapin niya ang abusadong driver.

Mensahe ng aktres (published as is): “Yaaabang mo!

“I will memorize your face.

“You should NEVER HIT WOMEN! Regardless of what you were asking.

Continue reading below ↓

“450 euros inyour face.

“You slapped my sisters hand and threw their money on the streets like,money doesnt have value for you?

“While infact you have been asking my family too much!

“I will not stop until you and your kind,are locked up.

“Google translate mo to ngayon ‘hayop ka’

“Kung kailanga ko tumira jan, nyemas titira ko.

“Makita ko lang na, makulong kang hayuuup ka.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In a series of tweets, actress Angelica Panganiban relates the ordeal of her family who are vacationing in Paris, France. All this because of an abusive French driver.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results