Julia Barretto says recent controversy made her family stronger

by Melba R. Llanera
Nov 11, 2019
Julia Barretto on mom Marjorie's advise to her amid their family's ongoing feud: "I think, it's always be a better person, always be a kinder and better person. The bigger person always leaves it up to the Lord."
PHOTO/S: Mark Atienza

Naniniwala si Julia Barretto na ang pinagdadaanang pagsubok ng kanilang pamilya ay nagpalalim at nagpatatag pa lalo sa kanila.

“I am happy, masaya kami, e. Kami ni Mommy, kaming magkakapatid.

"Masaya kami, strong ang bond namin.

“I think in general, kahit anong pagdaanan ng mga tao, ng mga pamilya, ng magkaibigan, ng magkarelasyon, in general, kahit na anong pagdaanan, nakakapagpatibay talaga ng loob, nakakapagpatibay ng relationship, ng love, ng connection, di ba?"

Noong Oktubre 2019 ay naging laman ng balita ang away ng pamilya Barretto, na nagsimula sa kumprontasyon nina Gretchen at Marjorie burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto.

Pagkatapos nito ay nagsanga-sanga na ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

Anu-ano ba ang mga payo sa kanya ng inang si Marjorie Barretto sa sitwasyon kung nasaan sila ngayon?

Ayon kay Julia, “Maraming payo si Mommy, pero siguro ang favorite ko na payo niya is 'don't be late on work, always be on time.' Hahaha!

Continue reading below ↓

“But, I think, it's always be a better person, always be a kinder and better person.

"The bigger person always leaves it up to the Lord."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Julia sa shoot ng 2019 ABS-CBN Christmas Station ID nitong Nobyembre 10, Linggo, sa Studio 4 ng Kapamilya Network.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

UPCOMING PRJECTS

Anu-anong projects ang aasahan o aabangan ng kanyang fans maliban sa zombie movie nila ni Joshua Garcia na BlockZ?

“May gagawin akong iWant series. Mayroon din akong upcoming na MMK na episode.

"Then next year, start na akong mag-taping for soap. So, exciting ang 2020,” lahad ng young actress.

Masaya si Julia na kasama siya sa bagong Christmas station ID ng ABS-CBN.

“I always get excited to be part of the station IDs, in general.

"Kasi, ito yung time na nagkakasama-sama ang Kapamilya artists and also para siyang nagiging mini-reunion.

“Kasi, nagsasama-sama ang lahat in one place, at the same time, we have to catch up and see each other again.

Continue reading below ↓

“It's an honor, it's an honor to be part of ABS-CBN station IDs," pahayag ni Julia.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julia Barretto on mom Marjorie's advise to her amid their family's ongoing feud: "I think, it's always be a better person, always be a kinder and better person. The bigger person always leaves it up to the Lord."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results