Karylle happy for It's Showtime co-hosts Anne Curtis, Vice Ganda

by Melba R. Llanera
Nov 11, 2019
Karylle (right) comments on Anne Curtis's (left) pregnancy and Vice Ganda's (center) relationship with Ion Perez.
PHOTO/S: Karylle Instagram

Tuwang-tuwa si Karylle sa pagbubuntis ng kaibigan at kasamahan niya sa It's Showtime na si Anne Curtis.

"Siyempre, nasabi na rin niya sa amin," pahayag ni Karylle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa shoot ng bagong ABS-CBN Christmas Station ID nitong Nobyembre 10, Linggo, sa Studio 4 ng Kapamilya Network.

"We're just happy it's out in the open, everyone can pray for their safety.

"Anne loves kids so we're very, very happy.

"Also for Mariel, kasi Mariel will give birth anytime soon," pagtukoy niya sa isa pa nilang co-host na si Mariel Rodriguez-Padilla.

Nagpahayag din ng saya si Karylle sa pag-amin nina Vice Ganda at Ion Perez ng kanilang relasyon sa "Magpasikat" grand finals ng It’s Showtime.

“Isang malaking ligaya, ligaya ng puso, di ko alam kung paano i-explain, e.

“Siyempre, lahat naman ng hinahangad natin para sa mahal natin ay kabutihan, pagmamahal, acceptance.

"Lahat yan, yun."

Continue reading below ↓

"MAGPASIKAT" PERFORMANCE

Tumatak sa mga manonood ang recent production number nina Karylle at Ryan Bang sa It’s Showtime.

Siniguro ni Karylle na marami pang dapat abangan sa ikasampung anibersaryo ng kanilang noontime show.

“Masaya ang Magpasikat, siyempre 10th anniversary, big celebration saka inaabangan talaga ng mga tao.

“Galing ako sa doctor, nakaabang ako sa kalsada, ‘O, Ma'am, napanood po namin ang Magpasikat.’

“Alam mo yung mukhang di man nakakapanood sa TV, napapanood nila sa YouTube man o kung saan man.”

Isa raw sa dapat abangan ay ang pagbabalik ng resbakers sa "Tawag ng Tanghalan."

Maghaharap-harap muli ang mga di nanalo sa TNT mula sa Season 1 hanggang sa Celebrity Champions.

Saad ni Karylle, “Napanood ko nga kanina yung presscon ng Resbakers, siyempre sa isang contest, dahil may resbak talagang lahat ng akala mo, sana nanalo, ‘Ay, manok ko ito, bakit di nanalo?’

“Para wala nang sisihan, wala nang tanung-tanong, nandito na sila."

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karylle (right) comments on Anne Curtis's (left) pregnancy and Vice Ganda's (center) relationship with Ion Perez.
PHOTO/S: Karylle Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results