Lolit Solis slams Jim Paredes for calling out GMA-7 on TV comeback of Sen. Bong Revilla

by Arniel C. Serato
Nov 11, 2019
Lolit Solis (left) defends Senator Bong Revilla Jr. against Jim Paredes (right): "Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?”
PHOTO/S: Courtesy: Salve Asis / Jim Paredes on Facebook

Binuweltahan ng veteran entertainment columnist at talent manager na si Lolit Solis ang singer na si Jim Paredes dahil sa pambabatikos nito sa GMA-7 kaugnay ng napipintong pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla Jr.

Naiulat dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo na si Bong ang maghu-host ng programang ipapalit sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Si Senator Bong ay alaga ni Lolit.

Nakasaad sa tweet ni Jim kahapon, November 10: “PERA PERA PERA lahat.

"Ok Lang sa inyo na maging role model siya ng kabataan?

"C’mon GMA. You can do better than this.”

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram post ngayong umaga ng Lunes, November 11, pinaalala ni Lolit kay Jim ang viral sex video nito noong Abril 2019, na naging dahilan ng kanyang panandaliang break sa social media.

Kalakip ng kanyang mensahe ang screen shots mula sa video scandal ng beteranong mang-aawit.

Bahagi ng post ni Lolit: “Mukhang nalimutan na ni Jim Paredes ang video scandal niya at tumitira na naman siya ngayon at ang target, si Bong Revilla naman.

"Dapat nga masaya siya dahil tulad ni Bong, mukhang nalimutan na rin ng tao ang intriga tungkol sa sex video na lumabas.”

Saad pa ng talent manager, dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong nagkamali at nais magbago.

Nasangkot sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam si Senator Revilla at ilan pang mambabatas noong taong 2013.

Napawalang-sala si Bong noong 2017 dahil sa kakulangan ng ebidensiya laban sa kanya.

Dagdag pa ni Lolit: “Kailangan bigyan mo ng chance ang mga tao na bumabangon muli mula sa pagdapa, kailangan mas maunawain ka kapag iyon binigyan ng second chance nakabangon uli.

Continue reading below ↓

“Iyon bill ni Sen Bong Revilla na mas maaga ibigay ang benefits ng mga senior citizen pinuri na ng mga netizen, bakit heto si Jim Paredes na sarcastic tungkol dito?

“Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?”

Sumbat pa ni Lolit sa beteranong mang-aawit, isa siya sa nanawagan na kailangang intindihin ang kalagayan ni Jim kahit nilapastangan siya nito noon.

Aniya, “Isa ako sa nauna noon na nagsabi na dapat unawain natin ang kalagayan ni Jim Paredes kahit pa nga tinawag niya ako demented woman nang mangyari ang scam, dahil tanggap ko na sa isang nagkamali, napakalaking bagay iyon meron kahit isa man lang na magpakita ng pang unawa at ng bukas puso na patawad.

“Sana after the scandal, mas naging maluwag na ang puso at isipan ni Jim Paredes.

“After all, kung nakagawa ka ng mali, dapat makita mo rin na walang perfect at kung tinanggap ka uli ng tao dapat ganun ka rin mag-welcome sa iba.

Continue reading below ↓

“Huwag masyado political at fault finder Jim Paredes.

“Lagi mo balikan iyon araw na pumutok iyon sex video scandal.

“Maging aral iyon sa iyo.”

NETIZENS REACT TO JIM PAREDES'S TWEET

Hati ang naging reaksiyon ng netizens sa tweet ni Jim tungkol kay Bong.

Sa Twitter, batikos ang inabot ni Jim mula sa maraming netizens.

Continue reading below ↓

Ano raw ba ang moral ascendancy ni Jim na batikusin si Bong gayong may eskandalo rin itong kinakaharap.

Tweet ng isang netizen: “Oh c'mon Jim, so bale ikaw nalang gawing role model.

"patawa ka rin noh...”

Laman pa sa isang tweet: “Sorry Jim. Pero kahit kailan hindi puwedeng pagsamahin ang Jim Paredes, role model at disente.

Continue reading below ↓

"Maiisip lang ng mga tao ang video mo. Shhhhhh!"

Sabi naman ng isa pang netizen: “Jim Paredes wala ka ng karapatan na mang batikos dahil sirang sira ka narin sa taontg bayan. Kadiri ka."

Continue reading below ↓

Sa mismong Instagram post naman ni Lolit ay mayroon ding nakisimpatiya kay Jim.

Narito ang ilang komento ng IG followers ni Lolit na pabor kay Jim:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis (left) defends Senator Bong Revilla Jr. against Jim Paredes (right): "Eh kung buweltahan naman siya nga sa edad mo hindi ka na dapat nagkakaroon ng sex scandal, ‘di ba magiging masakit iyon para sa kanya?”
PHOTO/S: Courtesy: Salve Asis / Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results