Jasmine Curtis-Smith ecstatic about sister Anne Curtis's pregnancy amid another movie pullout issue

Nov 11, 2019
Jasmine Curtis Smith feels overjoyed about her sister Anne Curtis's pregnancy, a good news which came amid the alleged pullout of Jasmine's latest movie Cara X Jagger from some cinemas in Metro Manila last week.
PHOTO/S: Instagram

Kasunod ng malungkot na balita ng pagkaka-pullout ng kanyang pelikulang Cara X Jagger sa ilang sinehan kamakailan, isang very good news para kay Jasmine Curtis-Smith ang pagbubuntis ng ate niyang si Anne Curtis.

Ito ang mood ng tweet ni Jasmine, 25, nitong Linggo, November 10, kasunod ng announcement ng pagdadalantao ng nakatatandang kapatid.

Tweet ni Jasmine: “When a door closes, a huge one opens. IMAAGANNABEATITAAAAA (five smiling face with three hearts emojis)

“Wahooooo congrats sestra @annecurtissmith (smiling face with heart-shaped eyes emoji)”

Maraming Twitter followers ni Jasmine ang nagpaabot ng pagbati kay Jasmine, at pati na rin kay Anne, at ilan pa sa kanila ang tumawag sa una ng “Tita Jas.”

Continue reading below ↓

Sa pamamagitan ng kani-kanyang Instagram post nitong Linggo, inihayag ni Anne at ng asawang si Erwan Heussaff na limang buwan nang buntis ang 34-anyos na actress-TV host sa kanilang first baby.

Ipagdiriwang nina Anne at Erwan ang kanilang second wedding anniversary bukas, November 12.

Ngayong Lunes ng umaga, ibinahagi ni Jasmine sa kanyang Instagram Stories ang post ni Solenn Heussaff—kapatid ni Erwan—ng litrato sa family lunch ng mga Curtis Smith at mga Heussaff, ilang oras matapos ang announcement ng pagbubuntis ni Anne.

Continue reading below ↓

Buntis din ngayon si Solenn sa asawang si Nico Bolzico.

SOME CINEMAS STOP SCREENING CARA X JAGGER

Timing ang pagdating ng good news ng pagbubuntis ni Anne para kay Jasmine, kasunod ng pagkadismaya niya nitong Biyernes, November 8, sa pagpapatigil umano sa pagpapalabas ng Cara X Jagger sa ilang sinehan sa Metro Manila.

Nitong Miyerkules, November 6, nagbukas sa mga sinehan ang Cara X Jagger—ang unang pagbibida ni Jasmine sa isang mainstream movie, katambal ang kapwa Kapuso artist na si Ruru Madrid.

Sa katunayan, nitong Biyernes ng gabi, November 8, ay inaya ni Jasmine ng “movie date” ang kanyang 2.5 milyong Twitter followers.

Sulat ni Jasmine: “Sinong free tomorrow night? Movie date tayo? (upside down face emoji)”

Maraming fans ng aktres ang nagpahayag ng interes sa alok niyang movie date.

Kasunod nito, gumawa ng Twitter polls si Jasmine para malaman kung saang sinehan at anong oras siya manonood ng Cara X Jagger kasama ang kanyang fans.

Continue reading below ↓

Ilang followers ni Jasmine ang nagbanggit ng pangalan ng shopping malls, pero sinagot sila ng aktres na kung hindi man sadyang hindi ipinalabas ang kanyang pelikula ay na-pullout na ito sa mga naturang cinemas.

Continue reading below ↓

Sa isang hiwalay na tweet nitong Biyernes din, ikinuwento ni Jasmine na ginawa na niya noon ang pakikipag-movie date sa kanyang fans, para sa pelikulang Baka Bukas (2016).

Obvious nang patakaran sa mga sinehan na kapag kumikita sa takilya ang isang pelikula, dinadagdagan pa ang mga cinemas na nagpapalabas nito, kaya malabong ma-pullout.

Continue reading below ↓

Nitong Sabado, November 9, sa Twitter pa rin, ni-remind ni Jasmine ang kanyang mga fans sa kanilang movie date sa isang mall sa Mandaluyong City.

Tiniyak din ni Jasmine na makakasama nila sa screening ang direktor ng Cara XJagger na si Ice Idanan.

Sa litratong ipinost ni Jasmine sa Twitter nitong Sabado ng gabi, makikitang nakapalibot ang fans ng aktres sa kanyang ina na si Carmen Curtis Smith.

JASMINE FEELS “ALONE”

Pero nitong Linggo ng madaling-araw, November 10, nag-tweet si Jasmine ng night shot ng Metro Manila skyline, at nagpahayag tungkol sa “feeling alone.”

Tweet ni Jasmine (published as is): “Too much pain

“Can’t heal a thousand scars

“Feeling alone

“So I’m talking to the ~artificial~ stars”

Sinagot ito ni Direk Ice: “I’m always right here (rainbow emoji) bawi tayo!”

Continue reading below ↓

Simula nitong Linggo hanggang ngayong Lunes, November 11, itini-tweet nina Jasmine, Direk Ice, at Ruru ang schedule ng screening ng Cara X Jagger sa mga malls sa Metro Manila.

Sa huling post ni Jasmine, ni-retweet niya ang post ni Direk Ice na schedule ng screening ng CaraXJagger sa limang sinehan sa bansa.

May paalala si Direk Ice sa mga moviegoers: “We have 5 cinemas today! Panoorin niyo na before its too late (kissing face emoji) #CaraXJagger (praying hands emoji)

“Guys try to buy tickets online para they wont pullout the film before you get there. (loudly crying face) @jascurtissmith @Rurumadrid8”

JASMINE AND THE MOVIE PULLOUT ISSUE

Mayo ngayong taon nang i-tweet din ni Jasmine ang kanyang pagkadismaya sa ilang malls na pinipiling huwag magpalabas ng local films.

Ito ay matapos na tanggihan umano ng dalawang malls sa Taguig City ang block screening para sa pelikula niyang Maledicto.

May 1 ipinalabas sa mga sinehan ang Maledicto, pero nang mga panahong iyon ay ilang linggo nang pinipilahan sa takilya ang international blockbuster na Avengers: Endgame ng Marvel Studios.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jasmine Curtis Smith feels overjoyed about her sister Anne Curtis's pregnancy, a good news which came amid the alleged pullout of Jasmine's latest movie Cara X Jagger from some cinemas in Metro Manila last week.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results