Janica Nam recalls heartbreak over death of Hashtag Franco Hernandez

by Rachelle Siazon
Nov 11, 2019
Model Janica Nam posts a love letter for late boyfriend Hashtag Franco Hernandez who died in a drowning accident in Davao Occidental exactly two years ago.
PHOTO/S: @janicanam Instagram

Hindi raw malilimutan ng model na si Janica Nam, 28, ang sakit ng pagpanaw ng boyfriend niyang si Franco Hernandez.

Si Franco ay nakilala bilang miyembro ng all-male group na Hashtags sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Ngayong Lunes, November 11, ang second death anniversary ni Franco, na aksidenteng nalunod matapos tumaob ang sinasakyang bangka dahil sa lakas ng hampas ng alon sa Davao Occidental.

Nag-alay si Janica ng madamdaming love letter para sa nobyong binawian ng buhay sa edad na 26.

Bungad ni Janica: "I lost my heart exactly on this date when God called you home.

"It’s been over 2 years but it feels like just yesterday.

"I remember exactly how you looked like in that moment and it breaks my heart every time I see it. I remember the sound of my voice as I was screaming for help."

Halos isang taon lamang tumagal ang relasyon nina Janica at Franco, pero tumimo raw sa puso ni Janica ang pagmamahalan nila ng nobyo.

Continue reading below ↓

Dagdag pa rito ay naging malapit si Janica pati sa pamilya ng kanyang nobyo at may pagkakataong sandaling nanirahan ang dalaga sa bahay ng mga ito noon.

"I remember the times when I thought I heard you knock on the door and when I open it you’re not there.

"I remember the heaviness that came with the realization that you were truly gone forever and there‘s nothing I could do about it.

"I remember everything and I’ll never forget."

Kuwento pa ni Janica, may mga araw na lubha pa rin siyang apektado sa pagkawala ni Franco.

"But for the sake of my sanity and my mental health, I grew myself in a way I didn’t know was even possible during those traumatic times.

"And without a doubt you have helped me shape into the woman I am today.

"Because of you I know how to love deeper, grow stronger, live happier, become a fighter, appreciate life.

Continue reading below ↓

"But there are days I’m asking myself 'how can I stay strong?' 'how do I continue to smile and be happy?' 'How can I put my best foot forward today if I’m not feeling my best at all?'"

Bitbit pa rin daw ni Janica ang mga alaala ng nobyo sa pagpapatuloy niya ng kanyang buhay.

"Every single day is a struggle for me and it always will be but I have to keep going and have faith.

"I believe I have your hand in directing my path step by step and I am blessed to know that.

"I hope I make you so proud every single day. Thank you for always being there my love."

Dagdag ni Janica, si Franco ang nagsisilbing anghel na patuloy na gumagabay sa kanya.

"You have shown me so much love and so much more up until now.

"And to love or have been loved, that is enough. You are always here in my everyday life and in every moment.

Continue reading below ↓

"It has been 2 meaningful years since the day God changed my life forever.

"But loving you will always be timeless.

"And as I turn this page, I’m wishing you a Happy 2nd birthday in heaven my Angel. Iloveyousomuch."

SWEET MESSAGES FROM FRANCO

Sa kanyang Instagram Stories, ipinakita ni Janica ang screenshots ng isa sa sweet messages na natanggap niya mula kay Franco noong nabubuhay pa ang binata.

Malungkot daw kasi noon si Janica dahil sa mga nawalang photos and videos nila ng nobyo dahil sa corrupted files sa kanyang phone.

Kaya pinatahan daw siya ni Franco at sinabing marami pa raw silang pagkakataong makapag-picture sa kanilang next adventures.

Narito ang kopya ng text messages ni Franco kay Janica noon:

Continue reading below ↓

HASHTAG FRANCO'S SECOND DEATH ANNIVERSARY

Sa huli, ibinahagi rin ni Janica ang ilan sa mga litratong kuha nang bisitahin niya ang columbarium kung saan nakalagak ang mga abo ni Hashtag Franco.

Nagdala si Janica ng mga bulaklak na hugis bote ng Jack Daniels na marahil ay pabiritong inumin ng binata kapag may espesyal na okasyon.

Continue reading below ↓

"LOVE, UBUSIN MO YAN SA HEAVEN AH! HAHA CHEERS! ILOVEYOU!!"

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Model Janica Nam posts a love letter for late boyfriend Hashtag Franco Hernandez who died in a drowning accident in Davao Occidental exactly two years ago.
PHOTO/S: @janicanam Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results