Vina Morales recalls time she was madly in love with Robin Padilla

by Rose Garcia
Nov 12, 2019
Vina Morales: “Oh my God! Kasi, noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa. Yun ang peak ni Robin, di ba? Parang lahat yata, na-in love sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon!”
PHOTO/S: Rose Garcia

First time gumanap na Sisa ni Vina Morales sa pelikulang Damaso na title role si Arnell Ignacio.

Si Padre Damaso at ang baliw na si Sisa ay mga karakter sa nobelang Noli Me Tangere ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

Sa totoong buhay, kailan ang huling pagkakataong naging “Sisa” o baliw si Vina dahil sa pag-ibig?

Natawang sabi ng aktres, “Very clear to me, medyo matagal na—yung first boyfriend ko na si Robin [Padilla].

"Yun ang naalala ko na sobra kong ewan.

“Yung daddy ko, e, wala nang magawa sa akin. Si Mama Mina [the late Mina Aragon], e, walang nagawa noong 18th birthday ko.

“Dapat may iba akong escort, e, that time, hindi ako tinantanan ni Robin kaya siya ang naging escort ko sa 18th birthday ko sa party ko.

“Naging Sisa naman si Mama Mina sa akin!”

Dagdag ni Vina, “Of course, I had other relationships din naman na naging ganun din ang sitwasyon, but not as clear na naaalala ko na parang feeling ko, gumuho ang mundo ko.

Continue reading below ↓

“Kasi, ganun naman yata kapag first boyfriend mo, di ba?

"Saka magulo yun, Robin Padilla. Yun ang mga naging Sisa ko sa pag-ibig."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vina nitong Nobyembre 11, Lunes sa office ng Reality Entertainment, Quezon City.

MADLY IN LOVE WITH ROBIN

Napakarami nang pinagdaanan ni Vina, pero walang nakahigit sa karanasan niya kay Robin?

“Parang siguro, oo, kasi yun ang mga naalala ko. I had problems with my family. Kasi, wala na silang magawa, naloka-loka na ako.

“Si Mama Mina, si Tito Vic [del Rosario].”

Ano ang pinakamatinding nagawa niya na nagpaka-Sisa o baliw-baliwan siya kay Robin?

“Oh my God! Kasi, noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa.

"Yun ang peak ni Robin, di ba?

“Parang lahat yata, na-in love sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon!” natawang pag-amin niya.

Dahil din sa pangyayaring yun, natutunan ni Vina na maging matatag sa edad na 18.

Continue reading below ↓

“I’ve learned to be strong and mabait naman talaga si Robin.

"Kung paano siya makisama sa mga katrabaho niya. Sa cast, staff, crew, kung paano siya makisama, yun ang nakita ko.

“And napaka-down-to-earth niya, he’s really humble. At yung pagmamahal niya sa trabaho niya, yun naman ang mga good lesson na nakuha ko.”

Hindi niya pinagsisihan ang bahaging yun ng buhay niya?

“Ay, hindi!” nakangiting bulalas ni Vina.

“Natatawa na nga lang ako kapag naaalala ko.

"Nagkatrabaho na rin kami sa Bonifacio and kapag magkasama kami, oh my God!

"Napag-uusapan namin ang before, nakakatuwa na pag-usapan ulit.

“Pero siyempre, ayoko na, ‘no?! Yung heartaches, akala mo, mamamatay ka na. Hay, naku.”

ON DEPRESSION

Ang depression at pagiging suicidal ang isa sa mga isyu ng mga kabataan o millennials.

Ano ang maipapayo niya sa mga kabataang may problema sa pag-ibig?

Saad ni Vina, “You know, the best advice is always get support from your family and your friends and, at the same time, siyempre, yung pagdarasal, malaking tulong sa akin yun.

Continue reading below ↓

“At siyempre, kung wala ang pamilya ko... siyempre kailangan mo rin makinig sa payo ng mga matatanda. And especially your parents, they want the best for you.

“Now that I am a mother, gusto ko, the best na mapunta sa anak ko. So, I will give her the best advice I can give.

“I think, sa millennials ngayon, you just have to be strong. And listen to the elders.

“Kumuha ng tatag sa pamilya, sa mga kaibigan na nandiyan palagi. And I think, ang depression talaga, it’s already existing that you need to take medication.

“Sobrang dami ng nangyayari sa mundo, problema, social media. So, minsan, hindi mo na naaano iyung emotion mo.

"So, I think, the best thing is to consult a doctor.

“Hindi na rin kasi ngayon kapag kumonsulta sa doctor, ‘Ay, Sisa!’ na, no. Minsan, may emotional imbalance or system sa body mo na kailangan ng medication.

Continue reading below ↓

“Normal na ngayon ‘yan.”

Inamin ni Vina na naisip niyang mag-suicide.

“Before, when I was younger, oh my God! Siguro, mga teens. Pero, naiisip mo lang, hindi mo naman nagagawa.

“I think, everyon goes through that. Yung parang, ‘I wanna die.’ Kasi, ang dami mong problema.

“At sa pag-ibig naman, lahat tayo, dumadaan sa ganyan. Na gusto mo nang mamamatay, kasi, nawala yung pag-ibig,” natawang sabi niya.

“Pero nahihimasmasan ka rin naman, naiisip mo lang.

“But please, don’t. Don’t. Talagang you just have to be strong. Lahat naman tayo, dumaan sa ganyan o dadaan sa ganyan.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales: “Oh my God! Kasi, noong generation ni Robin noon, parang lahat, nagiging Sisa. Yun ang peak ni Robin, di ba? Parang lahat yata, na-in love sa kanya. Yung mga leading ladies niya, isa na ako roon!”
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results