Miss Thailand is Miss International 2019; PH bet finishes in Top 8

by Bernie V. Franco
Nov 12, 2019
Sireethorn Leearamwat of Thailand (left) bags this year's Miss International crown. Patch Magtanong from the Philippines finishes at Top 8.
PHOTO/S: Photos from Facebook

Umabot hanggang Top 8 ang pambato ng Pilipinas sa Miss International 2019 pageant na si Bea Patricia “Patch” Magtanong, subalit nabigo siyang masungkit ang korona.

Si Sireethorn Leearamwat ng Thailand ang nagwagi ng korona sa international pageant na ginanap sa Tokyo, Japan, nitong Martes, November 12.

Ito ang 54th edition ng prestihiyosong international pageant.

Hinirang namang 1st runner-up si Andrea Toscano ng Mexico, 2nd runner-up si Evelyn Namatovu Karonde ng Uganda, 3rd runner-up si Alejandra Vengoechea ng Colombia, at 4th runner-up si Hariotte Lane ng United Kingdom.

Ang Top 8 ay binubuo ng Philippines, Mexico, Thailand, Colombia, Uganda, Indonesia, United Kingdom, at Vietnam.

Unang tinawag ang Top 15 at nakapasok din dito ang mga kandidata mula sa Venezuela, Hong Kong, Netherlands, Finland, Puerto Rico, Sri Lanka, at Belarus.

May 83 kandidata ang sumali sa international pageant ngayong taon.

Ang nagpasa ng korona ay ang Miss International 2018 na si Mariem Velazco ng Venezuela.

Continue reading below ↓

Ang Pilipinas ay nakasungkit na ng anim na korona sa Miss International.

Ito ay sina: Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Mimilanie “Melanie” Marquez (1979), Precious Lara Quigaman (2005), Bea Rose Santiago (2013), at Kylie Verzosa (2016).

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sireethorn Leearamwat of Thailand (left) bags this year's Miss International crown. Patch Magtanong from the Philippines finishes at Top 8.
PHOTO/S: Photos from Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results