Angelica Panganiban, Bea Alonzo forge strong friendship after heartbreak

by Rachelle Siazon
Nov 13, 2019
Angelica Panganiban posts a touching message for Bea Alonzo: "Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram

Ipinagmalaki ni Angelica Panganiban ang nabuong pagkakaibigan sa pagitan nila ni Bea Alonzo matapos ng kani-kanilang pinagdaanang pagsubok nitong 2019.

Ipinarating ni Angelica ang kanyang sweet message para kay Bea sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Miyerkules, November 13.

"Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay.

"Walang makakasira satin. I love you mami bei @beaalonzo:

"We got this," saad ni Angelica kalakip ng isang flying kiss emoji.

Perfect timing daw na nagsama sila sa pelikula "hindi man sa pinaka madaling paraan, pero nangyari."

Dagdag ni Angelica, "Katulad na lang noon, na hindi tayo makapag hintay na makatrabaho ang isa’t isa, hindi rin tayo makapag hintay ngayon na makilala nila tayo.

"Sa hindi din nila inaasahang journey ng maturity na meron tayo ngayon."

Hindi man direktang tinukoy ni Angelica, hindi kaila sa publiko na kakagaling lang ni Bea sa matinding heartbreak nang simulan nila ang pelikulang Unbreakable.

Continue reading below ↓

BEA'S HEARTBREAK

Noong July 26, 2019 sa story conference ng proyektong iyon unang kinumpirma ni Bea na hiwalay na sila ng longtime boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sinabi noon ni Bea na wala silang formal breakup ni Gerald, pero bigla na lang umano siyang hindi kinausap ng aktor hanggang sa natuldukan ang kanilang halos tatlong taong relasyon.

Kasama naman si Angelica sa mga artistang nagbigay ng moral support kay Bea noong panahong ipinahiwatig ng huli sa social media na lubha siyang nasaktan sa ginawa sa kanya ni Gerald.

Noong gabi ng July 24 ay tiyempong nagkasama-sama sina Angelica, Bea, Angel Locsin, at Paulo Avelino patapos ng naganap na ABS-CBN trade event.

Nilagyan pa iyon ni Angel ng hashtag na "#ParaKayB."

Makalipas ang mahigit dalawang buwan, noong October 10, sina Angelica at Angel din ang nanguna sa pagkomento sa paghayag ni Bea ng kanyang positibong disposisyon pagkatapos magtrabaho at makabakasyon nang sandali sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

Nagpahiwatig noon si Angelica na tama lang na "iwan iwan din" ang anumang pinagdadaanang sakit.

ANGELICA'S HEARTBREAK

Sa kabilang banda, hindi rin kaila ang pinagdaanang kontrobersiya ni Angelica noong simula ng taong 2019.

Kinakiligan nang husto noon ang pagbabalik-tambalan ni Angelica at ex-boyfriend niyang si Carlo Aquino sa pelikula at telebisyon.

Pero matapos ang ilang buwang pagiging malapit ng dalawa, bandang March 2019 nang inamin ni Angelica na tinuldukan na niya ang pagkakaibigan nila ni Carlo.

Paliwanag noon ni Angelica sa naudlot na pagkakamabutihan sa pagitan nila ni Carlo, "Yun ang sabi niya—umasa daw ako."

Noong January 2019, kasagsagan ng pagkakaugnay ni Carlo sa isang non-showbiz girl nang magpahiwatig si Angelica tungkol sa sakit na dulot ng one-sided love.

Tweet noon ni Angelica, "Iiyak na sana ko. Kaso, naisip ko,,, angge? Naiiyak ka on your own? WhathaOMGFAAAK?!"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelica Panganiban posts a touching message for Bea Alonzo: "Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay."
PHOTO/S: @iamangelicap Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results