Jim Paredes encourages public to report threats, bullying from fellow netizens

by Jet Hitosis
Nov 13, 2019
Veteran singer Jim Paredes reminds netizens to protect themselves against cyberbullies: “Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you. Twitter immediately acts on such reports and forces them to erase tweets or closes accounts within a few hours.”
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook

Hinimok ni Jim Paredes ang publiko na agarang i-report kung may natanggap na pagbabanta, pagmumura o anumang pambu-bully sa social media.

Sa tweet ng 68-anyos na singer nitong Martes ng gabi, November 12, partikular niyang tinukoy ang Twitter na mabilis na umaaksiyon sa mga reklamong nabanggit niya.

Post ni Jim: “Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you.

“Twitter immediately acts on such reports and forces them to erase tweets or closes accounts within a few hours.”

Hindi malinaw kung ano o sino ang aktuwal na tinutukoy ng dating miyembro ng iconic singing trio na Apo Hiking Society sa kanyang tweet.

WHAT’S WITH TWITTER THREATS, BULLYING?

May isang Twitter follower niya ang nag-akalang may kinalaman sa tweet ng “mga bastos na kritiko” ni Vice President Leni Robredo ang post ni Jim.

Hindi naman nag-react ang beteranong singer, na masugid na tagasuporta ng bise presidente.

Continue reading below ↓

Isa namang follower ni Jim ang nagparating sa kanya ng naging pahayag ng mga beteranang entertainment columnists na sina Lolit Solis at Cristy Fermin tungkol sa naging komento niya sa pagbabalik-telebisyon ni Senator Bong Revilla.

Tweet ng netizen: “But Lolis Solis and Cristy Fermin did say something about your comment on Bong Revilla getting a new show on GMA 7. Go to PSN fb page and you'll see. @mrfu_mayganon”

Wala ring naging reaksiyon si Jim sa huling tweet.

Continue reading below ↓

JIM REACTS TO SENATOR BONG’S TV COMEBACK

Kamakailan ay pinuna ni Lolit at ng ilang netizens ang pagsita ni Jim sa GMA-7 dahil sa napaulat na pagbibigay ng network ng regular show sa actor-turned-politician.

Sa tweet ni Jim nitong November 10, Linggo, sinabi niyang “PERA PERA PERA lahat,” kasabay ng pagkuwestiyon sa GMA-7 kung “Ok Lang sa inyo na maging role model” ng kabataan ang senador.

Ilang taong nakulong si Bong dahil sa plunder kaugnay ng pagkakadawit sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel” scam, na pumutok noong 2013.

Napawalang-sala si Bong noong 2017, at muling nahalal na senador Mayo ngayong taon.

Nitong November 11, Lunes, sa Instagram, binatikos ni Lolit si Jim sa tweet nito, at iginiit na dapat pa ngang ang singer ang sumusuporta sa pagbibigay ng second chances sa mga taong nagkakamali at gustong magsimulang muli.

Kasabay nito, ipinaalala ni Lolit ang sex video scandal na kinasangkutan ni Jim noong Abril ngayong taon.

Continue reading below ↓

TWITTER RESPONDS TO JIM’S REPORT AGAINST THREAT

Gayunman, para sa 1.73 million Twitter followers ni Jim na updated sa kanya, ang latest tweet ng singer ay batay sa naging personal na karanasan niya mahigit isang linggo na ang nakalipas.

November 4 nang i-tweet ni Jim ang tungkol sa natanggap niyang pagbabanta mula sa isang lalaki—na pinangalanan niya at ipinost din ang litrato nito.

Kalakip ng tweet ni Jim ang screenshot ng private message ng lalaki sa Facebook (published as is): “Brad no joke kung ako makakita sa yo sa labas pahiya ka sa kin sigurado yon. Ihahamapas ko face mo sa pader”

Continue reading below ↓

Batay sa pakikipagpalitan ni Jim ng mensahe sa kanyang followers, kaagad niyang nai-report sa pamunuan ng Twitter ang banta ng lalaki.

Makalipas ang ilang oras, ipinost ni Jim ang screenshot ng “quick response” ng Twitter sa “threat of violence” laban sa kanya.

Ayon sa Twitter, matapos nitong imbestigahan ang ini-report ni Jim, “we’ve locked the account for breaking our rules.”

Nagpaalala naman ang Twitter na “the account does have the option to take the actions we’ve requested to have their account unlocked,” gaya ng pagbura sa inireklamong tweet, paglimita sa features ng account ng user, at pag-update ng partikular na impormasyon sa account.

Kasabay ng pasasalamat kay Jim, hinimok din ng Twitter ang singer na ipagpatuloy lang ang pagre-report ng anumang “potential violations.”

NOT NEW TO online THREATS

Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ng online threat si Jim.

Oktubre 2014 nang makatanggap ng death threat si Jim sa Facebook kaugnay ng naging komento niya tungkol sa kontrobersiya sa kinukuwestiyong property sa Batangas ni noon ay Vice President Jejomar Binay.

Continue reading below ↓

Napaulat na pormal na ini-report noon ni Jim sa Philippine National Police (PNP) ang natanggap niyang death threat.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran singer Jim Paredes reminds netizens to protect themselves against cyberbullies: “Pls report anyone who threatens, curses, bullies or insults you. Twitter immediately acts on such reports and forces them to erase tweets or closes accounts within a few hours.”
PHOTO/S: Jim Paredes on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results