Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Marco Gallo wishes Kisses Delavin good luck on her possible network transfer

by Bernie V. Franco
Nov 13, 2019
Marco Gallo on former leading lady Kisses Delavin's network transfer: “Good luck sa iyo kung ano man ang trip mo sa buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal / Rose Garcia

Nagbigay ng maikling mensahe si Marco Gallo sa dating ka-love team na si Kisses Delavin kaugnay ng paglipat nito ng talent management company.

Sina Marco at Kisses ay parehong naging housemates sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 Teen Edition noong 2016-2017.

Pinasok nila ang showbiz paglabas ng PBB house at naging magka-love team.

Pareho silang naging bahagi ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Noong October 2019 ay lumipat si Marco sa Viva Artists Agency pagkatapos ng dalawang taon sa Star Magic.

Nitong lamang November 8 ay pumirma naman ng kontrata si Kisses sa Triple A, na siya ring nagma-manage kina Marian Rivera at Maine Mendoza.

Kung si Marco ay nananatiling Kapamilya kahit na umalis siya sa Star Magic, si Kisses naman ay napababalitang lilipat na sa bakuran ng GMA-7.

Ano ang reaksiyon dito ni Marco?

“Good for her. Nalaman ko lang kanina…” maikli niyang tugon.

Mensahe pa niya sa dating kapareha, “Good luck sa iyo kung ano man ang trip mo sa buhay.

Continue reading below ↓

“Basta kung masaya siya doon, gawin na lang niya kung ano ang nararamdaman ng puso niya.”

Sumundot ng tanong ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Marco dahil sa kanyang maiksing pahayag tungkol kay Kisses.

“Honestly, like, it’s her life…” sagot niya.

Ipinaalala namin na naging magka-love team sila ni Kisses kaya hindi nakapagtatakang matanong siya tungkol sa young actress.

Saad ni Marco, “Malay natin, baka siya na ang next Marian Rivera.

"Na, kung yun ang mapapabuti sa career niya, e, di bakit hindi?

“Kung dun siya masaya…”

Mas gusto ba niya ang magkaroon ng love team o mapareha sa iba’t ibang aktres?

Sagot ni Marco, "Ako naman, kahit ano, basta trabaho at matino yung katrabaho ko, na pursigudo ba para magtrabaho, okay ako dun."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marco sa story conference ng Rooftop, upcoming horror movie ng Viva Films, nitong Martes, November 12.

Continue reading below ↓

Kasama rin sa pelikula sina Ryza Cenon, Marco Gumabao, Rhen Escaño, at Andrew Muhlach.

Noong July 2018, bumalik sa Italy ang Filipino-Italian actor pero makalipas ang ilang buwan ay bumalik sa Pilipinas.

Sa guest appearance ni Marco sa Tonight With Boy Abunda noong February 2019, tinanong si Marco kung isa sa mga dahilan kung bakit siya bumalik sa Italy ay dahil nabuwag ang team up nila ni Kisses.

Sagot niya noon, “Hindi siya actually ang main reason, pero nag-add siya sa mga iniisip ko po noon.”

Nag-away ba sila ni Kisses?

“Not totally. We had some misunderstanding,” sabi ni Marco.

FIRST PROJECT WITH VIVA

Samantala, ang Rooftop ang kauna-unahang project ni Marco sa Viva.

"I'm nervous to perform well if I get to do the needs na kailangan nila para sa acting.

"I hope I can give it to them," sabi niya.

Hindi naman daw isyu sa kanya kung hindi siya lead character sa pelikula na ididirek ni Yam Laranas.

Continue reading below ↓

"Ako naman, wala naman akong pakialam din.

"As long as na-fulfill ko yung role ko, okay na. Masaya na ako dun," paliwanag niya.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marco Gallo on former leading lady Kisses Delavin's network transfer: “Good luck sa iyo kung ano man ang trip mo sa buhay."
PHOTO/S: Noel Orsal / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results