Regine Velasquez details fangirling moment with Miss Universe 2018 Catriona Gray

by Arniel C. Serato
Nov 13, 2019
Asia's Songbird Regine Velasquez on meeting Miss Universe 2018 Catriona Gray: "Kasi hangang-hanga ako sa kanya. Ang ganda-ganda nga kasi. 'Tapos ang cute-cute niya at ang ganda niya magsalita."
PHOTO/S: Mark Atienza

Nagsalita na si Asia’s Songbird Regine Velasquez tungkol sa viral video niya na kumalat sa social media noong Linggo, November 10.

Mapapanood sa video ang eksena kung saan kasama ni Regine sa stage si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Kuha ang video sa event ng Frontrow na All In na ginanap sa Philippine Arena.

Habang nagsasalita at nagpapasalamat si Catriona sa audience sa suportang ibinigay nga mga ito sa kanyang reign, makikita namang parang manghang-manghang nakatingin sa kanya si Regine.

Kaagad na kumalat ang nasabing video sa social media.

Continue reading below ↓

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Regine, sinabi ng Asia's Songbird na na-starstruck siya sa reigning Miss Universe.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Lahad ng 49-year-old Kapamilya singer-actress, “Kasi tinitingnan ko siya, ang tangkad, 'tapos ang payat-payat, ang ganda-ganda.

"Parang ang ganda-ganda, ang galing-galing.

“Alam mo yun, parang pinapanood ko yung Miss Universe.”

Pinayuhan din daw ni Regine si Catriona na ituloy ang pag-awit nito dahil maganda ang timbre ng kanyang boses.

“I was telling her kasi after, I didn't know she sings.

"Actually, I told her na, 'You continue singing, ha.'

"And then she said na, 'Yeah, I really want to and I want to learn more, I want to study.'

“Sabi ko, 'Go, but the best teacher is your experience, just keep singing.'"

Tanong pa ni Regine, “Nakakatawa ba ako doon?

“Oo nga, kasi hangang-hanga ako sa kanya.

“Ang ganda-ganda nga kasi.

“'Tapos ang cute-cute niya at ang ganda niya magsalita.”

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Asia's Songbird Regine Velasquez on meeting Miss Universe 2018 Catriona Gray: "Kasi hangang-hanga ako sa kanya. Ang ganda-ganda nga kasi. 'Tapos ang cute-cute niya at ang ganda niya magsalita."
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results