Mariel Rodriguez confronts netizen whose reaction to her having another baby girl is "sad naman"

Nov 13, 2019
Mariel Rodriguez confronts a netizen who reacted "sad naman" that the TV host and her husband actor Robin Padilla will be having "girl ulit" for their second child.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram

Confrontational ang tono ng sagot ni Mariel Rodriguez sa isang netizen na nagsabing “sad naman” na “girl ulit” ang ikalawang anak ng TV host sa asawang si Robin Padilla.

Sa Instagram post ni Mariel nitong Sabado, November 9, ibinahagi niya ang isang kuha sa kanyang maternity shoot, at ibinidang 39 weeks na ang ipinagbubuntis niya, na pinangalanan nilang Gabriela.

Nag-invite ang It’s Showtime host sa kanyang followers na panoorin ang vlog niya tungkol sa mga paghahanda sa nalalapit niyang panganganak.

Gayunman, pinaalalahanan niya ang kanyang followers na “I don’t look like this anymore hahahaha.”

Nasa Amerika ngayon si Mariel—kasama ang panganay na si Isabella—upang doon isilang ang bunso nila ni Robin.

Naiwan si Robin dito sa Pilipinas.

Sa Amerika rin isinilang ni Mariel si Isabella noong November 14, 2016.

NETIZEN COMMENTS ABOUT BEING “SAD” FOR MARIEL

Natuwa naman ang Instagram followers ni Mariel sa tuluy-tuloy na update niya tungkol sa pagbubuntis, at marami ang nagpaabot ng dasal na sana ay maayos na makapanganak ang TV host.

Continue reading below ↓

Pero isang netizen ang nagkomento (published as is): “@marieltpadilla ay girl ulit. Sad naman (loudly crying face emoji)”

Sinagot ni Mariel ang netizen: “how the hell could another sweet baby girl be sad?”

Depensa ng netizen: “@marieltpadilla its not what you think. Yeah its angel it’s a blessing. I thought its a boy.”

Mistulang naalarma naman ang netizen sa naging tugon ni Mariel, kaya pinakalma niya ito at nagpakilala bilang fan ni Robin.

Dagdag pa ng netizen (published as is): “Calm down mariel im a fan of your husband”

Pero iginiit ni Mariel ang tanong niya sa netizen: “so how is it sad?”

Sagot na lang ng netizen kay Mariel: “@marieltpadilla nevermind!!!!!!!!!!!!”

Continue reading below ↓

A BABY IS A BLESSING

Bagamat hindi na muling sinagot ni Mariel ang netizen, ibang followers ng TV host ang nagpaliwanag dito na “blessing” ang bawat sanggol, anuman ang gender nito.

Continue reading below ↓

Isang Instagram follower ni Mariel ang nagpahayag na dalawang babae rin ang anak niya, at nakarinig din siya ng parehong “hurtful” na komento mula sa ibang tao.

Continue reading below ↓

Giit ng iba, dapat isipin muna ng ibang netizens ang ipahahayag na opinyon sa post ng iba para hindi maka-“offend” ang “insensitive” comment.

Sinabi naman ng isa pa na hindi alam ng iba ang mga pinagdadaanan ng isang ina upang maisilang nang maayos at malusog ang kanyang anak.

Continue reading below ↓

Taong 2015 nang dalawang beses nagkaroon ng miscarriage si Mariel, noong Marso at Agosto. Triplets ang ikalawa niyang ipinagbuntis.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
Mariel Rodriguez confronts a netizen who reacted "sad naman" that the TV host and her husband actor Robin Padilla will be having "girl ulit" for their second child.
PHOTO/S: @marieltpadilla on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results