Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Karla Estrada finally admits relationship with non-showbiz guy

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2019
Karla Estrada admits relationship with non-showbiz guy but chooses not to reveal additional information about him. However, netizens reveal that the guy's name is Jam.
PHOTO/S: Courtesy: Karla Estrada on Facebook

Umamin na sa wakas si Karla Estrada, 44, na in a relationship siya ngayon.

Sa taped episode ng Magandang Buhay ngayong araw, November 14, inusisa si Karla ng co-hosts niya sa ABS-CBN program na sina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal tungkol sa estado ng kanyang puso.

Inusisa rin nila ang naging bakasyon ni Karla kasama ang boyfriend sa Osaka, Japan.

Ayon kay Karla, “Okay naman. Bukod sa last year na kasama ko yung mga anak ko na nag-snow kami, ito ang pinakamasaya na nakasama ko ang partner naman.”

Labis namang kinilig sina Melai at Jolina sa rebelasyong ito ni Karla.

Sabi ni Jolina, "Ayun na nga, Momshies, it's official, in a relationship ang Queen Mother."

Dagdag pa ni Melai, "Inamin na niya sa telebisyon. I love it!”

Ayon kay Karla, hindi naman dapat itago ang kanilang relasyon dahil mabuting tao raw ang kanyang nobyo.

Paliwanag niya, “Deserve naman. He is a very good man.”

Continue reading below ↓

Wala nang iba pang paliwanag si Karla ukol sa katauhan ng kanyang boyfriend.

Pero base sa ilang komento sa kanyang post sa Facebook noong November 7, “Jam” daw ang pangalan ng boyfriend ng TV host.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Noong Oktubre lamang, magkasama si Karla at ang kanyang boyfriend sa Coron, Palawan.

Taong 2017 huling nagkaroon ng boyfriend si Karla sa katauhan ni Mark Yatco.

Continue reading below ↓

Ngunit tinuldukan nila ang kanilang long-distance relationship dahil nakabase si Mark sa Amerika.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Karla Estrada admits relationship with non-showbiz guy but chooses not to reveal additional information about him. However, netizens reveal that the guy's name is Jam.
PHOTO/S: Courtesy: Karla Estrada on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results