Ethel Booba explains why she hired a social media consultant

by Bernie V. Franco
Nov 14, 2019
Ethel Booba on having a social media consultant: “Sa panahon ngayon di na basta basta pwede magbitaw ng salita sa social media."
PHOTO/S: Ethel Booba on Twitter

Inamin ni Ethel Booba na mayroon siyang social media consultant sa kanyang Twitter posts.

Noong November 11, Lunes, isang netizen ang nagkomento na kapansin-pansin daw ang pagkakaiba ni Ethel sa live interviews at sa kanyang tweets.

Pahayag ng netizen (published as is): “I love you pero iba talaga ang live interview mo compared sa mga content ng tweets mo. Hehehe.

"Sino man ang nasa likod ng tweets mo, sana lang wag ka lang nya ginagamit, instead turuan ka nya.

"Pero ano man ang reason sa likod nyan, I know you're happy. [smile emoji]”

Ayon naman kay Ethel, kailangan niyang maging maingat pagdating sa kanyang mga post kaya kumuha siya ng social media consultant.

Saad niya: “May social media consultant po ako. Siya nag eedit ng karamihan ng tweet ko bago ko ipost.

“Sa panahon ngayon di na basta basta pwede magbitaw ng salita sa social media dahil matatalino ang mga tao dito, ako lang ang di pa sure. Charot!”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Sa kasalukuyan, si Ethel ay may 1.5 million followers sa Twitter.

Tumatatak sa netizens ang kanyang posts dahil sa kanyang witty at satirical tweets.

ETHEL'S POLITICAL AFFILIATION

Sa pamamagitan ng Twitter ay nagre-react si Ethel sa current events, kabilang sa mga isyung showbiz at politics.

Gaya rin ng ilang artista, hindi nangingimi si Ethel ng pagpapahayag ng kanyang puna sa kasalukuyang administrasyon.

Continue reading below ↓

Kaya naman hindi nakapagtatakang bigyang kulay ng iba ang kanyang political affiliation.

Sa episode ng Tonight With Boy Abunda noong November 12, Martes, natanong si Ethel kung binabayaran ba siya para manira ng pulitiko.

Sa segment na “Truth or Charot,” sasagot siya ng “truth” kung may katotohanan ang tanong, at “charot” naman kung wala itong katotohanan.

Isa sa mga tinanong kay Ethel ng host na si Boy Abunda ay kung binabayaran ba siya para siraan ang ilang personalidad kagaya ng mga pulitiko.

“Charot lang ‘yan,” pagtanggi ni Ethel.

Tatakbo ba siyang senador?

“Truth. Hahahaha!” pabirong sagot ng komedyante.

Dagdag niya, “Paano kung truth? Sige, abangan ninyo, ha.”

Lately ay visible si Ethel matapos siyang hirangin bilang kauna-unahang Tawag ng Tanghalan Celebrity Edition grand champion ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ethel Booba on having a social media consultant: “Sa panahon ngayon di na basta basta pwede magbitaw ng salita sa social media."
PHOTO/S: Ethel Booba on Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results