Sanya Lopez clueless about her suitors

by Rommel Gonzales
Nov 16, 2019
Sanya Lopez about her suitors: "Hindi ko rin alam kung nililigawan ba ako ng isang tao. Pero kung sinuman siya, e, di, ‘Congratulations sa iyo, you are my first boyfriend!’"
PHOTO/S: Jerry Olea

Hindi assumera si Sanya Lopez kaya hindi niya masabi kung may nanliligaw sa kanya ngayon o wala.

“Malay mo naman, parang... baka mabait lang sa iyo yung tao pero binibigyan mo ng meaning.

"So, kung manligaw siya, e, di nanliligaw na pala siya.

“Basta kung maramdaman ko naman siya,” pahayag ng Kapuso actress.

Maraming beses na ganoon ang nangyari, hindi niya alam na niligawan na pala siya ng guy.

“Hindi ko rin alam kung nililigawan ba ako ng isang tao.

“Pero kung sinuman siya, e, di, ‘Congratulations sa iyo, you are my first boyfriend!’

“At hindi ko po ikakahiya yun, kung sinuman ang magiging first boyfriend ko.”

Bagamat sinasabi ni Sanya na hindi pa siya nagkaka-boyfriend, naging usap-usapan ang namagitan sa kanila ng model-actor na si Gab Lagman.

Hindi siya nag-aalala na magpa-Pasko na ay loveless pa rin siya.

Sagot ni Sanya, “Darating din po iyon! Hindi ko pa naman po minamadali.

Continue reading below ↓

“Parang mas masarap kasi pag, alam mo yun, bigla na lang siyang dumating, kung dadating man.

“Still, I’m happy naman po kung anong dami ng blessings na nangyayari sa akin, parang... maghahanap pa ba ako ng love life, e, happy pa naman ako until now?!

“And kasi, kasama ko family ko, nakiki-third wheel lang ako sa ngayon.

"Pero still, siguro dahil hindi pa ako masyadong focused sa lovelife.”

Madalas ay sumasama si Sanya kapag may date ang kapatid niyang si Jak Roberto at girlfriend nitong si Barbie Forteza.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sanya nitong November 9 sa Luxent Hotel kung saan ini-launch ni Rei Anicoche-Tan ang mga bagong Beautèderm celebrity endorsers.

SANYA LOPEZ'S IDEAL GUY

Ano ba ang ideal guy ni Sanya?

“Yung mabait lang, iyon bang may pangarap. Yung nirerespeto ako at kaya akong ipaglaban.

"'Tsaka may sariling desisyon. Marunong magdesisyon para sa sarili niya, para sa amin.”

Continue reading below ↓

Kilala ang kapatid niyang si Jak bilang Pambansang Abs. Importante ba kay Sanya na ang magiging first boyfriend niya ay ma-abs din?

“Bonus na lang yun kung may abs man,” at tumawa ang seksing Kapuso actress.

“Pero ang importante, personality. Maganda yung personality, mabait, humble.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez about her suitors: "Hindi ko rin alam kung nililigawan ba ako ng isang tao. Pero kung sinuman siya, e, di, ‘Congratulations sa iyo, you are my first boyfriend!’"
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results