Rocco Nacino will not join celebrity engagement bandwagon

by Arniel C. Serato
Nov 15, 2019
Rocco Nacino on joining the bandwagon of celebrity engagements with girlfriend Melissa Gohing: "Ba’t ako makikisabay? Ano ‘to, trend?”
PHOTO/S: Arniel Serato / @gohingmelissa on Instagram

Hindi raw makikiuso ang Kapuso actor na si Rocco Nacino sa engagement bandwagon na nangyayari ngayon sa mundo ng showbiz.

Sunud-sunod ang celebrity engagements kamakailan lamang kabilang sina Sam Pinto at ang basketbolistang si Anthony Semerad, Miss Universe Philippines 2016 Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte, at Popstar Royalty Sarah Geronimo at ang Kapamilya actor na si Matteo Guidicelli.

Hindi ba siya naiinggit sa kanila?

Natatawang sagot ni Rocco, 32, “Ba’t ako makikisabay? Ano ‘to, trend?

"Malaking ano yun, malaking step yun. Marami akong priorities na tinatapos ngayon.

“Naniniwala ako na before you think that big, big step, tapusin mo yung... may list ka, e.

“Tatapusin mo yun lahat, para no regrets.”

Dalawang taon na ang relasyon ni Rocco sa non-showbiz girlfriend niyang si Melissa Gohing, 29.

Ilang taon niya nakikita ang sarili na mag-settle down?

Tugon niya, “Basta sa akin, we will never be too late as long as both parties, natapos niya lahat niya yung bucketlist nila, yung priorities nila.

Continue reading below ↓

“Importante walang regrets."

Dagdag ni Rocco, “Siguro mga how many years pa.”

Hindi ba niya puwedeng pagsabayin ang pagtupad sa kanyang bucketlist at ang pag-aasawa?

Tugon niya, “Ang daming ganun, e, pero make or break din.

“Ako, basta ang importante, tapusin ko muna yung bahay ko… bahay muna, 'tapos ipon, 'tapos maybe, maybe [papakasal na].”

Sa tingin ba niya, handa na si Melissa sakaling yayayain na niya itong magpakasal?

Saad ng aktor, “Ang ganda ng ano, e, ang ganda nung flow ng relationship namin ngayon.

“Iba rin yung ganda kapag iba yung field.

"Ang daming nanunukso, sabi namin, ‘Hayaan muna natin sila, moment na nila ‘yan.’

“Kapag nararamdaman natin, diyan na papasok na... huwag na natin madaliin para hindi tayo napi-pressure.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang piling media si Rocco sa pocket presscon na inihanda ng TBA Studios para sa pelikulang Write About Love nitong Miyerkules, November 13, sa San Juan City.

Continue reading below ↓

Ang Write About Love ay entry ng film outfit sa 2019 Metro Manila Film Festival (MMFF) kung saan bukod sa aktor ay bida rin sina Miles Ocampo, Joem Bascon, at Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

LIVE-IN?

Hindi na bago ngayon ang usaping live-in sa mga magkakarelasyon.

Sila ba ni Melissa ay nagli-live in na?

Pagtanggi ni Rocco, “Hindi, hindi, very traditional din.”

Wala naman daw problema kung sakaling magka-baby muna siya bago magpakasal.

“Oo, puwede sa akin yun.

“Open naman yung doors ko, wala namang problema sa ganyan.

“Pero kapag ganun, kailangang kausapin mo rin yung taong involved around you bilang respeto na rin sa mga pamilya.

“Kadalasan ngayon, traditional pa rin, kasal muna, ganyan.”

Pero okay lang ba sa kanyang mag-live in muna bago magpakasal?

Sagot ni Rocco, “Agree din ako doon para makilala niyo ang isa’t isa.

“Iba rin ang formula ng couples.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on joining the bandwagon of celebrity engagements with girlfriend Melissa Gohing: "Ba’t ako makikisabay? Ano ‘to, trend?”
PHOTO/S: Arniel Serato / @gohingmelissa on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results