Luis Manzano explains why he does not want to get married yet

by Bernie V. Franco
Nov 15, 2019
Luis Manzano explains that he does not want to get married just because of pressure. Luis has been in a relationship with Jessy Mendiola for three years now.
PHOTO/S: Noel Orsal

Aminado si Luis Manzano, 38, na nakararamdam siya ng inggit sa mga kaibigan niyang ikinasal na.

Pero nilinaw rin ng Kapamilya TV host-actor na ayaw niyang ikasal dahil lamang sa pressure o ipinilit ito.

Ang girlfriend ngayon ni Luis ay ang aktres na si Jessy Mendiola. Mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon.

Nitong Biyernes, November 15, kabilang sina Luis at Billy Crawford sa mga guest sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay.

Inusisa ni Billy ang kaibigang si Luis kung kailan ito ikakasal.

Sagot niya, “Sana soon… sana talaga.

"Dahil ito nga si Billy Boy, nakita ko naman kung gaano din ka-happy…

“At siyempre, kahit papaano nakakainggit yung nakikita mo yung formality ng kanilang pagmamahalan.

“Pero siyempre, at the same time, ayokong madaliin, ayokong pilitin...”

Si Billy ay ikinasal kay Coleen Garcia noong April 2018.

Paliwanag pa ni Luis, ayaw niyang matulad sa ibang couples na ikinasal pero kalaunan ay naghiwalay.

Continue reading below ↓

“Marami tayong kilala na ikinasal, hindi nag-work out.

“’Pag tinanong mo kung bakit, kasi ang sagot nila, hindi pa pala yun ang tamang time—pinilit, na-pressure sila sa pamilya, sa society...”

Sinang-ayunan naman ito ni Billy.

“Pag alam mo naman talaga… and you will do everything…

“Tama si Lulu Boy, hindi puwedeng pilitin ang hindi pa tama sa oras.”

Pinuri rin ni Billy si Luis dahil sa pagkakakilala niya rito, pinaghahandaan nito ang kanyang future at future family.

“Sobrang happy rin ako para kay Lulu Boy kasi alam ko malapit-lapit na ‘yan,” sabi ni Billy tungkol sa kaibigan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano explains that he does not want to get married just because of pressure. Luis has been in a relationship with Jessy Mendiola for three years now.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results