Watch Now

Marlo Mortel defends Morissette Amon from walkout issue: “Hindi niya gustong gawin yun”

by Jet Hitosis
Nov 16, 2019
Singer-actor Marlo Mortel defends his close friend, singer Morissette Amon, from walkout issue: “Hindi ko talaga siya kilala na gagawin niya yun... for me, hindi niya gustong gawin yun."
PHOTO/S: @marlomortelmusic, @itsmorissette on Instagram

Naniniwala si Marlo Mortel na may matinding problema sa pamilya ang malapit na kaibigang si Morissette Amon kaya nagawa nitong mag-walkout sa isang concert kamakailan.

Iginiit ni Marlo na base sa pagkakakilala niya kay Morissette, wala sa personalidad nito ang biglaan na lang aatras sa isang commitment.

November 6, 2019 nang biglang mag-walkout si Morissette bilang main guest performer sa birthday concert ng newbie singer na si Kiel Alo sa Music Museum sa San Juan City.

Napaulat na tumangging mag-perform si Morissette makaraang kumustahin ng isang entertainment reporter tungkol sa kanyang pamilya at love life.

“Hindi ko talaga siya kilala na gagawin niya yun,” bungad na depensa ni Marlo para sa kaibigan.

Naniniwala ang 26-anyos na singer-actor na naapektuhan lang si Morissette ng “pinagdadaanan” ng pamilya nito sa ngayon.

“Isa kasi si Morissette sa pinakamabait na taong kilala ko talaga.

“Alam ko kung gaano niya kamahal yung pamilya niya kaya siguro nasasaktan siya every time na pinag-uusapan yun,” sabi ni Marlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORISSETTE WANTS TO PROTECT HER FAMILY

Sa katunayan, aniya, ang labis na pagmamahal at respeto ni Morissette sa pamilya ang dahilan kaya hinding-hindi nagbibigay ng personal na pahayag ang dalaga tungkol sa naging hindi pagkakaunawaan nito sa sariling ama.

Ang hidwaan ay bunsod ng serye ng tweets (simula February hanggang August 2019) ng ama ni Morissette, si Amay Amon, tungkol sa umano’y pagpili ng singer sa boyfriend na si Dave Lamar kaysa sariling pamilya.

Kuwento pa ni Marlo tungkol kay Morissette, “Prior to that, I know na parang may mga pinagdadaanan talaga sila.

“Pero siya kasi, sobrang bait niya dahil never siya nag-release ng kahit anong statement, kasi ganun niya pinapahalagahan yung family niya, yung emotions ng family niya.

“Kumbaga, kahit siya na lang yung ma-attack, basta siya huwag magsalita.”

Naniniwala si Marlo na gusto ni Morissette na ayusin ang gusot sa pamilya nito.

“Siguro naiipit siya dun sa point na gusto niyang ayusin pero hindi lang maayos kasi hindi sila clear sa both sides nila,” ani Marlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para kay Marlo, walang intensiyon si Morissette na ipahiya ang producers at madismaya ang mga nagpunta sa concert ni Kiel sa biglaang pagwo-walkout ng dalaga.

“Feeling ko, hindi naman niya gustong gawin yun. For me, hindi niya gustong gawin yun.

“Feeling ko, mas matimbang na ang gulo-gulo nila, sa family nila. Feeling ko, ayun yung nakakapagpagulo din talaga sa kanya.”

Kaugnay nito, nitong November 11, sa pamamagitan ng isang Facebook post, ay humingi na ng paumanhin si Morissette sa nangyari, matapos aminin ang kanyang naging pagkakamali.

Naniniwala si Marlo na mahalagang maayos na kaagad ang problema sa pamilya ni Morissette dahil “there must be something really wrong.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marlo sa media conference ng musical film niyang Damaso sa Quezon City kahapon, November 15.

MARLO REACHES OUT TO MORISSETTE

Sa parehong interview, inamin din ni Marlo na ikinagulat niya ang balita na umano’y iniuntog ni Morissette ang sariling ulo sa pader bago tuluyang nag-walkout sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anang binata, “Masayahin na tao si Mori, e. O baka nadala na lang ng mga sunud-sunod na pangyayari sa life niya.”

Sinabi ni Marlo na sa pagkakaalam niya ay hindi naman depressed ang 23-anyos na singer.

Kuwento pa ng binata, pagkatapos pumutok ang isyu ng walkout ay nag-message siya kay Morissette upang kumustahin ito, na nagpasalamat naman daw sa kanya.

Ayon kay Marlo, nagkausap sila ni Morissette kamakailan sa It’s Showtime at “she’s trying to be at her best talaga.”

MARLO AND MORISSETTE SHARED “SOMETHING SPECIAL”

Isang entertainment reporter ang nag-ungkat sa pagkaka-link noon nina Marlo at Morissette sa isa’t isa.

Gayunman, nilinaw ng binata na hindi niya naging girlfriend ang kapwa singer.

“Nagkaroon lang ng something. Special something,” aniya.

Tinanong si Marlo kung mutual understanding ba ang namagitan sa kanila ni Morissette.

Sagot niya, “Siguro po ganun.”

Bakit hindi naging sila?

“Mahigpit super ang parents ni Morissette... very overprotective ang family niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ayun na lang siguro yung masasabi ko."

Dagdag pa ni Marlo, nang mga panahong iyon—taong 2016 hanggang 2017—ay busy sila ni Morissette sa kani-kanyang career kaya hindi nauwi sa seryosohan ang pagiging malapit nila sa isa’t isa.

MARLO ON WALKING OUT FROM A SHOW

Nang tanungin naman sa isyu ng walkout, pinili ni Marlo na ipahayag na lang ang sarili niyang opinyon bilang artist.

“Never ko siguro yun gagawin,” ani Marlo.

Sa katunayan, ikinuwento niya na isang araw makaraang pumanaw ang kanyang ina noong August 24, 2018 ay nagbiyahe pa siya papuntang Bacolod City sa Negros Occidental para mag-perform.

“Imadyinin mo namatayan ka kahapon pero... kumanta ako, e.

“Actually, ayaw na nga nila ako patuluyin kasi understandable naman yung nangyari, but I think kasi sobrang love ko yung work ko.

“Alam ko yung nakakahiya sa mga nag-book sa akin, dahil bayad din ako.

"Alam ko yung responsibility ko as an artist," sabi pa ni Marlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-actor Marlo Mortel defends his close friend, singer Morissette Amon, from walkout issue: “Hindi ko talaga siya kilala na gagawin niya yun... for me, hindi niya gustong gawin yun."
PHOTO/S: @marlomortelmusic, @itsmorissette on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results