Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ronnie Liang volunteers to sing at Sarah Geronimo-Matteo Guidicelli wedding

by Rommel Gonzales
Nov 16, 2019
Ronnie Liang on upcoming wedding of Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo: “I’m willing to perform, hindi lang sa kasal, kahit sa reception!”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Matteo Guidicelli Instagram

Masaya si Ronnie Liang na masaya ang love life ni Sarah sa piling ng fiancé nitong si Matteo Guidicelli.

“Of course. She deserves it! Happy ako sa kanya.”

May sinabi na ba si Sarah kay Ronnie na isa siya sa mga kakanta sa kasal nina Sarah at Matteo?

“Wala naman. Pero kung i-invite, pupunta ako.

“I’m willing to perform, hindi lang sa kasal, kahit sa reception!”

Ang collaboration na kanta nila ni Sarah, ang Liwanag, ang kakantahin ni Ronnie kung sakali.

“Papaareglo ko siya ng pangkasal, yung solo, yung walang duet.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie sa concert niyang Love X Romance sa Music Museum noong Biyernes, November 8.

Special guest ni Ronnie sa concert si Sarah.

RONNIE'S LONG-DISTANCE RELATIONSHIP

Kung may Matteo si Sarah, maganda rin ang takbo ng lovelife ni Ronnie.

Patuloy ang long-distance relationship nila ng isang Pinay nurse na based sa US although ayaw magdetalye ni Ronnie dahil private person ang kanyang karelasyon.

Continue reading below ↓

“Nasabon” siya ng GF nang minsang nagkuwento si Ronnie sa isang interview tungkol sa kanilang relasyon.

Nagkikita sila kapag pumupunta si Ronnie sa Amerika.

“Recently lang nagkita kami. May direct flight naman doon, e.”

Kapag lisensiyado na siyang magpalipad ng eroplano, ang pamilya niya ang nais ni Ronnie na maging unang mga pasahero niya.

Ni minsan ay hindi pa nakakasakay ng eroplano ang pamilya niya.

Malamang next year ay isa nang ganap na piloto si Ronnie.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Liang on upcoming wedding of Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo: “I’m willing to perform, hindi lang sa kasal, kahit sa reception!”
PHOTO/S: Jojo Gabinete / Matteo Guidicelli Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results