Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Sharlene San Pedro reacts to Alexa Ilacad bullying accusation

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2019
Sharlene San Pedro (left) on restoring friendship with Alexa Ilacad: "Oo naman... hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob. Ayoko po ng ganun at saka hindi ako masyadong showbiz na tao."
PHOTO/S: Courtesy: @sharlenesanpedro1 / @alexailacad on Instagram

Ayaw sanang pagsalitain ng malalapit sa kanya si Sharlene San Pedro tungkol sa bullying accusation na ibinabato sa kanya ni Alexa Ilacad, ngunit kailangan daw niyang maituwid ang maling sinabi ng dating kaibigan.

Ayon kay Sharlene, baka na-carried away lamang si Alexa sa kanyang damdamin noong panahong nagsasalita ito dahil may ipinu-promote itong pelikulang pinagbibidahan niya.

Sa interview ni Alexa sa presscon ng pelikulang Santigwar noong October 24, inakusahan niya ang mga dating kasamahan sa Goin’ Bulilit at sa teen-comedy series na LUV U, partikular na sina Sharlene at Nash Aguas, na diumano’y nam-bully sa kanya.

Bahagi ng pahayag ni Alexa: “Pati yung tweet sa kanila nila Sharlene before...

"I was so surprised na I woke up one day using my Twitter, and I saw that they were teaming up against me.

“Actually, yung iba naman talaga dun, Goin’ Bulilit pa lang, binu-bully na ako.

“Pero, I was really pinaka-hurt kay Sharlene because I thought we were friends.”

Continue reading below ↓

SHARLENE'S REACTION

Noong mga panahong yun, pinili ni Sharlene na huwag magsalita upang hindi masira ang promotion ng pelikula ni Alexa.

Pero ngayon ay nagdesisyon siyang magsalita na.

Pahayag ni Sharlene sa panayam sa kanya ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kahapon, November 16, “Ang hirap kasi ang ginamit niyang term is bullying.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Kasi never, never, never ako mambully, kasi yung kuya ko po ay na-bully po sa school."

Dagdag pa ni Sharlene, “Nagulat din ako sa sinabi niya na parang sa Twitter, ganyan.

"Hindi ko po napanood yung buong interview kasi hindi ko po kayang panoorin, and I was at an event that time.

“So, hindi ko po siya pinanood.

"Pinanood ko lang yung part na may pinu-point out po siya para sa akin, yung 'I thought we were friends.'"

Ikinagulat daw ni Sharlene ang sinabi ni Alexa na parang trinaydor daw niya ang kanilang pagkakaibigan.

Saad ni Sharlene, “Para po sa akin, if she really thought we were friends, sana lumapit siya sa akin, sana kinlear niya po sa akin, kasi I approached her many times.

Continue reading below ↓

"Kung bibilangan, tatlong beses ko siyang in-approach, pero di pa siya ready to make amends.”

NASH IS THE REASON

Ayon kay Sharlene, pakiramdam niya ay si Nash ang dahilan kung bakit nagtatampo sa kanya si Alexa.

“Ang alam ko, kaya siya nagtatampo sa akin kasi lagi kong kasama si Nash at lagi kong kausap si Nash.

"Noong naghiwalay sila, si Nash ay laging tumatawag sa akin.

"Alam mo naman yung kaibigan mong brokenhearted, kapag ganun ay kailangan ng kausap.

“Kailangan ng kausap so andun ako para i-comfort.

"Hindi naman kasi ako yung type ng friend na, ‘Huy, ano bang nangyari sa 'yo?'

"Hindi ako magtatanong kaya kung ikaw ay lumapit sa akin...

“Hinihintay ko si Alexa na lumapit sa akin, pero hindi nangyayari yun.

"Since si Nash yung lumapit sa akin, nandun ka para sa kanya.

"So, nagulat ako.

“Andun lang ako, hinahayaan ko lang siyang [magkuwento].

"Pero ako, habang nakikinig ako, siyempre 50-50… hindi ko pa napapakinggan yung side ni Alexa.

Continue reading below ↓

"Parang ako, andito lang ako to give advice.”

Sabi pa ni Sharlene, kaibigan talaga ang turing niya kay Alexa kaya nagulat siya sa naging pahayag nito.

"Kaibigan naman po kasi talaga, may history, may pinagsamahan, naging magkaibigan sa Goin' Bulilit, nag-LUV U pa kami.

“So, parang nagulat lang ako na, 'Ay, kaya pala hindi ako pinapansin nito, kasi ito yung isyu niya sa akin.' Nalaman ko na lang sa press."

Diin ni Sharlene, “Gusto ko lang i-clear na never, never akong nambully ng tao.”

Open ba siyang maging magkaibigan silang muli?

Sagot ni Sharlene, "Oo naman, para naman ayoko, hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob.

"Ayoko po ng ganun at saka hindi ako masyadong showbiz na tao.

“Ayokong sumagot sa interview, pero sa tingin ko lang kailangan ko lang i-clear itong issue na ito, kasi bullying is very strong word.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sharlene San Pedro (left) on restoring friendship with Alexa Ilacad: "Oo naman... hindi kasi ako nagtatanim ng sama ng loob. Ayoko po ng ganun at saka hindi ako masyadong showbiz na tao."
PHOTO/S: Courtesy: @sharlenesanpedro1 / @alexailacad on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results