Rocco Nacino encourages celebrities to join the military

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2019
Rocco Nacino dedicates military training diploma to his parents: "Happy sila tsaka yung lolo ko kasi colonel yun, so malaking bagay siya sa mom ko."
PHOTO/S: Arniel Serato

Inamin ni Rocco Nacino na hindi biro ang pagsailalim niya sa military training sa loob ng tatlong buwan.

Si Rocco ay kinilala bilang Philippine Navy reservist nitong nakaraang October 26 matapos ang kanyang Basic Civilian Military Training.

Kuwento ni Rocco, “Hindi siya pang-optics lang.

"So, natutuwa nga yung taga-Marines 'tsaka mga Navy kasi sinasabi nila na talagang pinagdaanan mo, you can talk to people kung ano yung mga pinagdaanan mo.

Continue reading below ↓

“Ano yung mga na-achieve mo, ano yung mga realizations mo.”

REKINDLING PATRIOTISM

Hinihikayat din ng Kapuso actor ang iba pang celebrities pati na ang mga kabataan ngayon na tumulong sa bansa sa pamamagitan ng pagpapa-enlist sa military.

Sabi ni Rocco, “Tulad ng patriotism, yung service na ginagawa ko para sa country, so yun na yung gusto kong ibahagi sa mga kabataan ngayon, e... na habang bata pa lang, kung kaya mong tumulong, tumulong ka.”

Dagdag pa niya, “It also opened my eyes to join the Navy.

"Nagkaroon ako ng sense of patriotism like what I was mentioning earlier, na parang wow!

“Siyempre ‘di dapat abusuhin, siyempre ngayon representative na ako ng AFP, so humanga ako sa mga sundalo.

“Tsaka happy din yung Armed Forces of the Philippines na talagang may mga celebrities din na pumapasok din sa path na ‘to kasi iba rin ang power ng TV.

“If you can use it to inspire, not influence, pero inspire, di mo na inaabuso ang sarili mo.”

Continue reading below ↓

Inaalay daw niya ito sa kanyang mga magulang.

Ayon pa sa kanya, “It’s ano, something I could dedicate sa parents ko.

“Happy sila tsaka yung lolo ko kasi colonel yun, so malaking bagay siya sa mom ko.

“Sabi niya, ‘Inalay niya sa lolo ko.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rocco sa pocket interview nito para sa pinagbibidahang pelikulang Write About Love ng TBA Studios noong nakaraang Miyerkules, November 13, sa San Juan City.

"G-RATING MEANS GOOD FOR EVERYONE."

Ang Write About Love ay isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2019.

Tuwang-tuwa naman ang 32-year-old actor na nabigyan sila ng G-rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Sabi niya, “Wow! G-rating means good for everyone.

“We are all excited for moviegoers to feel a different kind of love story this December 25.”

Bukod kay Rocco, bida din sa pelikula sina Joem Bascon, Miles Ocampo, at Yeng Constantino.

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino dedicates military training diploma to his parents: "Happy sila tsaka yung lolo ko kasi colonel yun, so malaking bagay siya sa mom ko."
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results