Ethel Booba, Jessie Salazar admit setbacks at the start of relationship

by Arniel C. Serato
Nov 17, 2019
Singer-comedienne Ethel Booba to non-showbiz boyfriend Jessie Salazar: "Salamat sa pagpapasensiya… kasi minsan parang nagpapa-bebe ako. Pasensiya ka na sa mga tantrums ko. Oo, pasensiya ka na. Thank you.”
PHOTO/S: Courtesy: @chefjessie77 on Instagram

Ipinakilala muli ni Ethel Booba sa publiko ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Jessie Salazar.

Una na itong naipakilala ni Ethel sa Gandang Gabi Vice noong March 2018.

Sa panayam sa magkarelasyon sa Rated K na umere ngayong gabi, November 17, ikinuwento ng dalawa na tumagal na ng dalawang taon ang kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Nagkakilala sina Ethel at Jessie noong 2017 sa isang party sa Boracay, kung saan nagtatrabaho ang huli bilang executive chef sa isang hotel doon.

Ngayon, si Jessie na rin ang tumatayong talent manager ng 42-year-old singer-comedienne.

Ayon kay Jessie, “At least, kahit papaano, magkasama kami.”

Kuwento ni Ethel, parang nanganganay pa siya noong una sa relasyon nila ng nobyo.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Sa pakikipagrelasyon parang I’m still learning. I’m still a student.

“Parang yun ata ang pinakamahirap na lesson sa buhay. Oo.

“Ang dami talagang matatalino na nabobobo talaga pagdating sa pag-ibig.”

Hindi naman daw naging madali para kay Ethel at Jessie ang pinagdaanan nila noong bago pa ang kanilang relasyon.

Tutol kasi ang ina ni Ethel kay Jessie dahil may anak na ito sa una niyang nakarelasyon.

Pero ipinaglaban daw siya ni Ethel.

Kuwento pa niya, “Maraming naging balakid na before sa kanya. Marami ding may ayaw sa kanya.”

Malaki naman ang pasasalamat ni Jessie dahil sa pagmamahal ng karelasyon.

Saad nito sa live-in partner, “Kung ano ako, kung sino ako, kilalang-kilala mo na ako.

“Salamat dahil tinanggap mo ako kahit ganito ako.

“Mahal na mahal kita.”

Continue reading below ↓

Mensahe naman ni Ethel kay Jessie, “Ipaglalaban ko ‘to kasi gusto ko rin naman ‘to. Oo.

“Hindi ko napigilan ang puso ko, tumibok talaga nang bonggang-bongga.

“Salamat sa pagpapasensiya… kasi minsan parang nagpapa-bebe ako.

“Pasensiya ka na sa mga tantrums ko. Oo, pasensiya ka na. Thank you.”

Soon-to-be parents na ang dalawa dahil anim na buwang buntis na ang komedyana.

Ang isa sa pinaka-kontrobersiyal na nakarelasyon ni Ethel noon ay si Alex Crisano kung saan umabot sa bugbugan ang kanilang samahan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Singer-comedienne Ethel Booba to non-showbiz boyfriend Jessie Salazar: "Salamat sa pagpapasensiya… kasi minsan parang nagpapa-bebe ako. Pasensiya ka na sa mga tantrums ko. Oo, pasensiya ka na. Thank you.”
PHOTO/S: Courtesy: @chefjessie77 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results