Cindy Miranda quashes rich benefactor rumors

by Gorgy Rula
Nov 17, 2019
Showbiz newbie Cindy Miranda on rumors that she has a rich benefactor: “Parang narinig ko rin po ang isyu na yan. Sabi ko, grabe naman. Hindi naman po totoo yan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

Nagulat ang baguhang sexy actress na si Cindy Miranda sa mga intrigang ibinato sa kanya bago pa siya pumasok sa pag-aartista.

Unang natsismis siya noon kay Willie Revillame nang kinuha siyang co-host sa Wowowin.

Pero hindi naman siya nagtagal sa game show na iyun dahil sumali na siya sa Binibining Pilipinas.

“Ayaw po niya ako na sumali dati, kasi pag natalo ka wala kang babalikan na trabaho.

"But desidido ako na sumali,” pahayag ni Cindy nang nakapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon sa press preview ng launching movie niyang Adan na ginanap sa Gateway Platinum.

PAGEANT STINT

Sumali si Cindy sa Binibining Pilipinas nung taong 2013 kung saan kinoronahan siyang Binibining Pilipinas-Tourism.

Ngayong nagsisimula na siyang mag-artista, may mga naglabasan nang intriga sa kanya na kung saan inili-link siya sa isang kilalang pulitiko at isang mayamang businessman.

"Wow, really?! Sino po'ng mga 'to?” bulalas ng 27-year old sexy actress.

Continue reading below ↓

“Parang narinig ko rin po ang isyu na iyan. Sabi ko, grabe naman.

“Hindi naman po totoo iyan.

“Wala naman pong that guy na super yaman,” dagdag niyang depensa.

Ayon pa sa nasagap naming tsismis, binigyan siya ng mamahaling kotse at nakatira siya sa isang mamahalin ding condominium sa Greenhills.

NO TRUTH TO RUMORS

Totoong may kotse raw siya, nakatira sa condo na iyun sa Greenhills, pero hindi raw bigay iyun ng mayamang businessman.

“Marami pong nanliligaw sa akin.

"Hindi po ako malabas na tao, e.

“Hindi po ako nag-entertain talaga ng mga indecent proposals.

“I don’t go to parties. I don’t go to gimmicks.

“Pero sa trabaho ko po, hindi po talaga maiiwasan.

“If they’re gonna text me, siyempre alangan naman pong hindi ko replayan.

"Pero wala po talaga akong dini-date ngayon,” sabi pa niya.

SEVEN-YEAR RELATIONSHIP WITH SHOWBIZ BF

Inamin ni Cindy na kabi-break lang niya sa kanyang long-time boyfriend na dun namin nalamang ang Kapamilya actor pala na si David Chua.

Continue reading below ↓

Itinago raw nila ang relasyong iyun dahil sa artista si David.

Kuwento niya, “I came from a seven-year relationship.

“After graduating college, nagka-boyfriend po ako. We broke up, this year lang po.

“We decided na I think maybe it’s time na magsarili kaming dalawa.

“Pero nung nag-decide ako na makipaghiwalay sa kanya, it’s because I want to have a better career.

“Gusto ko mag-focus. Gusto ko sarili muna ang alagaan ko. Gusto kong tuparin lahat na pangarap ko.

“That’s seven years. Imagine mo, 20 years old ako nun. Ngayon, 27 na ako.

“Seven years ng buhay ko, I was with that person,” saad pa ng dating beauty queen.

READY TO LOVE AGAIN?

Dinamdam daw niya ang hiwalayang iyun, at sinabi raw niya sa sarili na kung sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon, gusto raw niyang hindi na itatago.

“I think kung magmahal man po ako, sasabihin ko.

“Kasi from a seven-relationship na hindi ko masabi sa mga tao kasi bawal, kasi artista po siya.

Continue reading below ↓

“Sabi ko, the next time na magkarelasyon ako, sana proud siya sa akin at proud din ako sa kanya.

“Iyung ready siya, ready rin ako na sabihin sa buong mundo na kami.

“Actually, puwede na po ako mag-asawa, e. 27 na po ako.

“Kung magkarelasyon po ako, bakit ko itatago ulit?

“I’ll see to it po na ang magiging next boyfriend ko ay ipagsigawan ko sa buong mundo,” saad ni Cindy.

Pero sa ngayon ay mas gusto raw muna niyang mag-focus sa kanyang showbiz career dahil binigyan siya ng Viva Films ng magandang break dito sa isang erotic psychological thriller, ang Adan, na magsu-showing na sa November 20.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Showbiz newbie Cindy Miranda on rumors that she has a rich benefactor: “Parang narinig ko rin po ang isyu na yan. Sabi ko, grabe naman. Hindi naman po totoo yan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results