Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ion Perez denies he's only after Vice Ganda's money; says he's straight

by Bernie V. Franco
Nov 18, 2019
Ion Perez on Vice Ganda: “Hindi mo rin ako masisisi ba’t ako na-in love sa kanya, kasi sobrang bait niya talaga.”
PHOTO/S: @pereziion27 and @praybeytbenjamin on Instagram

Mariing itinanggi ni Ion Perez, 29, na pineperahan lamang niya si Vice Ganda, 43.

Diin ni Ion, totoo ang pagmamahal niya sa Kapamilya comedian-TV host.

“Hindi ko rin naman iniisip na darating kami sa ganito, basta sabi ko lang sa kanya, maging kaibigan ko lang si Vice, maging kaibigan lang talaga…

"Kung may problema siya, baka isa rin ako sa mga taong puwede niyang pagsabihan,” lahad ni Ion sa interview sa kanya ng talent manager-entertainment columnist na si Ogie Diaz na in-upload sa YouTube noong November 15, Biyernes.

Patuloy ni Ion, “Pero di ko din talaga in-expect na darating kami sa ganito, kasi hindi ko rin naman masisisi din ang sarili ko… sobrang bait ni Vice.

“Hindi mo rin ako masisisi ba’t ako na-in love sa kanya, kasi sobrang bait niya talaga.”

Sa ngayon ay vocal na sina Vice at Ion sa kanilang relasyon na may isang taon na.

Continue reading below ↓

ION PEREZ DENIES TAKING ADVANTAGE OF VICE

May mensahe si Ion sa mga nagdududa na baka pera lang ang habol niya sa It’s Showtime host.

Saad niya, “Hindi ko po kayang gawin yun sa kanya.

"Kasi kung ginawa ko po yun sa kanya, parang wala na rin akong pinagkaiba sa mga nakaraan na nanloko sa kanya."

May hamon din si Ion sa mga kritiko.

“Sa lahat ng nag-iisip na pineperahan ko si Vice Ganda, mga tsong, siguro masasabi ko lang sa inyo, pakisamahan niyo lang ako sa maghapon.

“Kung may nasabi kayo sa pag-uugali ko, magpapaalila ako sa inyo habang buhay…

“Pagawa mo sa akin, basta may nasabi ka sa pag-uugali ko sa maghapon na tayo magkasama…”

Binanggit din ni Ogie na malaki na ang talent fee ni Ion dahil sa It’s Showtime at out-of-town shows, kaya hindi na nito kailangang umasa sa iba.

“Malaki po, kaya namang tumulong sa amin,” pagkumpirma ni Ion.

Continue reading below ↓

ION SAYS HE IS STRAIGHT; TREATS VICE GANDA As GIRLFRIEND

Dahil nga nahulog ang loob niya sa isang gay, tinanong si Ion kung nangangahulugang gay rin siya.

“Hindi po. Sobrang straight po ako," giit ni Ion.

“Nagkataon lang na na-in love ako sa isang bakla.”

Nangangahulugan bang “girlfriend” ang tingin niya kay Vice?

“Yes po,” sagot niya.

Ikinuwento rin ni Ion kung paano siya nakasama sa It’s Showtime.

Nanalo si Ion bilang Mister Universe Tourism 2018 noong May 2018.

Subalit nagbitiw raw siya at umalis sa nagma-manage sa kanya dahil sa hindi pagkakaunawaan.

Makalipas ang isang buwan mula nang kumalas sa dating management ay tinawagan daw siya ng It’s Showtime.

Nakilala bilang Kuya Escort, naging usher si Ion sa “Miss Q&A” segment ng It’s Showtime noong September 2018.

Noong una raw silang magkita ni Vice, wala pa siyang espesyal na naramdaman para rito.

“Wala pa po akong naramdaman, pero parang lagi ko siyang gustong [pakinggan] habang nagsasalita siya, lagi ko siyang tinitingnan.

Continue reading below ↓

“Gustung-gusto ko siyang tinitingnan.

“Kasi isa rin ako sa mga naging fan niya nung wala pa ako sa Showtime.”

Bago pa man siya makapasok sa It’s Showtime, ilang beses na niyang napanood ang mga pahayag ni Vice tungkol sa mga masaklap na naranasan nito sa love life.

Kuwento ni Ion, “Sobra talagang nakaka-touch, sobrang maaano ka talaga sa kanya… nakakaawa na, yun nga, pinaglalaruan siya...

“Nung wala pa ako sa Showtime pinapanood ko pa lang ‘yan si Vice, parang pag umiiyak siya, parang ang sakit.

“Parang nararamdaman mo rin yung mga sinasabi niya, na parang ramdam mo siya.

“Kasi, oo nga, lagi niyang sinasabi hanggang kelan siya magiging clown, parang pinaglalaruan siya, pinagsasamantalahan siya...

“Kaya nga sinabi ko dun sa nanay ko, kapag kasama ko siyang nanonood, ‘Nay, kawawa naman si Vice.’”

Sumasang-ayon daw sa kanya ang kanyang ina.

“’Oo nga,' sabi ng nanay ko, kasi parang ginagamit lang siya, ganyan-ganyan…

Continue reading below ↓

“Pero ako, hindi ko naman po ini-expect na makakapunta ako ng Showtime.

“Talagang wala po akong plano na pasukin…”

Sinabi pa ni Ion na hindi niya ikahihiyang magkaroon sila ng public display of affection, gaya ng holding hands.

Ito raw ang hindi kayang gawin ng mga dating nakarelasyon ni Vice.

Sa pagtatapos ng interview, tinanong ni Ogie si Ion kung ano ang mensahe niya para kay Vice.

“Hi, Babe, di ba, lagi ko naman sinasabi sa 'yo na mahal na mahal na mahal kita?

“Basta nandito lang ako.

“Uulitin ko yung sinsabi ko, hindi ako papayag na saktan yung damdamin mo dahil, babe, mahal na mahal kita,” pahayag ni Ion.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ion Perez on Vice Ganda: “Hindi mo rin ako masisisi ba’t ako na-in love sa kanya, kasi sobrang bait niya talaga.”
PHOTO/S: @pereziion27 and @praybeytbenjamin on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results