Jonas Gaffud says Gazini Ganados more than ready to win the Miss Universe crown

by Rommel Gonzales
Nov 18, 2019
Jonas Gaffud says Philippine candidate Gazini Ganados is more than ready to win the Miss Universe 2019 crown.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Gazini Ganados Instagram

Sobrang happy si Jonas Gaffud na gaganapin ang 68th Miss Universe pageant sa Disyembre 8, sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia, USA.

“Happy ako kasi meron na, na finally meron ng na-announce na lugar kesa naman people will keep on guessing where it will be,”pahayag ng beauty-queen maker at talent manager.

Handa na ba si Gazini Ganados na iwagayway ang bandera ng Pilipinas at iuwi ang Miss Universe crown?

“Oo, I think more than ready naman si Gazini.”

Hiningan namin ng reaksyon si Jonas tungkol sa pagkabigo ni Bea Patricia “Patch” Magtanong na makamit ang Miss International crown noong Nobyembre 12 sa Tokyo, Japan.

“Alam nyo, kanya-kanyang destiny yan at tsaka hindi naman araw-araw, kailangang manalo ang Philippines sa lahat ng contest, sa lahat ng pageant.

“Ang happy tayo dapat is Patch Magtanong gave her best, gave her all.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jonas sa launch ng 38 official candidates ng 1st Global Asian Model (GLAM) search sa Cove nitong Nobyembre 16, Sabado sa Okada-Manila sa Pasay City.

Continue reading below ↓

GLAM FINALS

Ang GLAM ay isang international modelling competition. Ang finals nito ay sa Huwebes, November 21 sa Cove sa Okada-Manila.

Project ito ng Empire.PH ni Jonas at ng Frontrow.

Although hindi kasinlaki ng Miss Universe ang GLAM, umaasa si Jonas na mas lalaki pa ang naturang modelling competition.

“We hope that it would be bigger because for the next season, we hope to get more countries to join or participate, models, not countries, territories, cities, to join next year.”

Hindi limitado sa isang kandidata o kandidato bawat bansa ang maaaring sumali sa GLAM. Puwede kahit apat mula sa isang bansa na tulad ng Thailand at Vietnam na may dalawang babae at dalawang lalaking delegates.

“Mas okay kasi kung group of pairs, male and female models.”

Ang misyon ng GLAM ay makahanap ng supermodels na lahing Asyano.

Sina Vince Marcelo at Ella Lubag ang representatives ng Pilipinas sa 1st season ng GLAM.

Continue reading below ↓

NO NEWS ABOUT SAMANTHA LO

Walang anumang balita si Jonas kay Samantha Lo matapos ang isyu nito tungkol sa pekeng passport.

Noong November 2018 ay nanalo si Samantha bilang Best Model of the World Philippines sa Global Asian Model (GLAM) Philippines competition.

Sumali si Samantha sa Binibining Pilipinas at nanalong Binibining Pilipinas-Grand International 2019, at lumaban sa Caracas, Venezuela nitong nakaraang buwan pero natalo.

Nakita lamang ni Jonas ang IG post ni Samantha na okay ito, hindi rin alam ni Jonas kung nasa Pilipinas na muli si Samantha.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jonas Gaffud says Philippine candidate Gazini Ganados is more than ready to win the Miss Universe 2019 crown.
PHOTO/S: Rommel Gonzales / Gazini Ganados Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results