Businesswoman Kathelyn Dupaya reportedly arrested for estafa

by Arniel C. Serato
Nov 19, 2019
Ynez Veneracion (left) releases a short statement to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after news broke out about the arrest of businesswoman Kathelyn Dupaya (right).
PHOTO/S: Courtesy: Ynez Veneracion on Facebook / PEP.ph Source

Boluntaryong sumuko sa awtoridad sa Parañaque ang businesswoman na si Kathelyn Dupaya na nahaharap sa kasong estafa.

Ayon sa isang source na nagpadala ng ilang impormasyon sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 18, sumuko si Dupaya sa pulisya noong November 14.

Ito ay kaugnay ng reklamong estafa na isinampa ng aktres na si Ynez Veneracion at kaibigan nitong si Susan Ortega.

Base sa dokumentong nakuha ng PEP.ph, noon pang October 28, 2019 inilabas ng Metropolitan Trial Court (MTC) Branch 87 ng Parañaque ang warrant of arrest laban kay Dupaya.

Ito ay matapos nilang desisyunan na may "PROBABLE CAUSE" ang reklamong inihain nina Ynez laban sa negosyante.

Ibig sabihin, nahaharap na ngayon sa kasong estafa si Dupaya.

Pirmado ito ni Presiding Judge Leilani Marie Dacanay-Grimares.

Continue reading below ↓

Syndicated estafa ang isinampang reklamo nina Ynez at Susan, ngunit ibinaba ito sa estafa dahil si Dupaya lamang ang respondent.

Base sa Presidential Decree No. 1689, upang matawag na syndicated estafa ang isang krimen ay kinakailangang mayroong lima o higit pang respondents.

Nagpiyansa si Dupaya sa kasong kinahaharap, pero kinunan pa rin siya ng mugshot.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ng source na may Hold Departure Order (HDO) na diumano si Dupaya mula pa noong unang linggo ng Nobyembre.

Nagtangka raw itong lumipad patungong Brunei, kung saan doon nakabase ang kanyang mga negosyo, ngunit hindi ito natuloy.

Kasunod nito, sa Malaysia naman dapat pupunta ang negosyante ngunit naharang din daw ito ng immigration.

Continue reading below ↓

THE ESTAFA CASE

Nag-ugat ang pagsasampa ng kasong estafa ni Ynez dahil sa halagang PHP260,000 na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw binabayaran sa kanya ni Dupaya.

Pero bago pa magsampa ng reklamo si Ynez, nagbigay si Dupaya ng halagang P200,000 kaya P60,000 na lamang ang balanse nito sa aktres.

Ang malaking halaga raw na hinahabol nila ay sa kaibigan ni Ynez na si Susan na umabot sa P7.5 million.

Bukod sa estafa, sinampahan din ni Ynez si Dupaya ng reklamong cyber libel sa Cybercrime Division ng National Bureau of Investigation (NBI) noong June 2018.

Ito ay bunsod naman ng aniya'y katakut-takot na pang-aalipusta at pananakot sa kanya ng negosyante sa social media, lalo na sa Facebook, matapos niyang isiwalat ang daang libong kulang pa nito sa kanya mula sa naibigay niyang pera bilang investment sa negosyo nito.

Bukod kay Ynez, nagsampa rin ng kasong estafa laban kay Dupaya ang negosyanteng si Joel Cruz sa Quezon City-Regional Trial Court (QC-RTC) kaugnay ng PHP40M na utang nito sa kanya.

Continue reading below ↓

Naaresto na rin si Dupaya dahil sa kasong isinampa ni Cruz noong September 20, 2018.

Bukod sa estafa, nagsampa rin ng reklamong libel si Cruz kay Dupaya sa Manila Prosecutor's Office noong June 2018.

Bukod sa kanila, may obligasyon din daw sa pera si Dupaya sa mga aktres na sina Ara Mina at Sunshine Cruz.

Kapag napatunayang nagkasala sa kasong estafa, posibleng patawan si Dupaya ng parusang "reclusion temporal" o pagkakakulong ng "12 years and 1 day to 20 years" o "reclusion perpetua" o pagkakakulong ng hanggang "30 years."

Hiningan ng PEP.ph ng reaksiyon si Ynez tungkol sa pagkakaaresto kay Dupaya.

Tanging sinabi lang niya, “Bahala na sa kanya si Lord at ang lawyer.”

Mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Kathelyn Dupaya ukol dito.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
Ynez Veneracion (left) releases a short statement to PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) after news broke out about the arrest of businesswoman Kathelyn Dupaya (right).
PHOTO/S: Courtesy: Ynez Veneracion on Facebook / PEP.ph Source
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results