Empress Schuck not ready to settle down with boyfriend Vino Guingona

by Julie E. Bonifacio
Nov 19, 2019
Empress Schuck on marrying boyfriend Vino Guingona: "Feeling ko, mas marami pa akong gagawin sa mga susunod na taon, e... E, kung mahal niya talaga ako, hihintayin niya ako, di ba?”
PHOTO/S: Julie Bomifacio / Empress Schuck Instagram

Isinama ni Empress Schuck ang boyfriend niyang si Vino Guingona sa opening ng bagong branch ng kanyang milk tea business na King’s Cup Blends nitong Nobyembre 9, Sabado, sa Robinson’s General Trias, Cavite.

Nandoon din ang anak nilang si Athalia, ang business partner ni Empress na si Andrei Lim, at relatives from Zamboanga na lumuwas ng Manila.

Ano ang support ni Vino sa pagnenegosyo niya?

“Uh, siyempre, love, support. Yes, hahaha! Mahiyain kasi siya, e,” lahad ni Empress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nasabing event.

“First time lang niya naka-attend sa grand opening. Kasi nga, taga-Zamboanga kasi siya.

"Kahit naman malayo siya, may support naman kami sa isa’t isa. Hindi naman mawawala yun.

“Ngayon lang, full support lang nga, kasi sinamahan niya ako today.

“Pinag-drive niya ako. So, ayan.”

Masaya siya sa ginawa ni Vino?

"Oo naman," sagot ng 26-year-old actress.

MARRIAGE PROPOSAL

Uso ngayon among celebrities ang marriage proposal.

Continue reading below ↓

“Oo nga, ‘no,” pagsang-ayon ni Empress.

“Si Sarah Geronimo, si Sheena Halili... kay Tita Becky din siya, e. Si Ate Val [Valerie Concepcion]. Si Angel [Locsin].”

Ang "Tita Becky" na tinutukoy ni Empress ay ang kanyang talent manager na si Becky Aguila.

What about si Vino, kailan magpro-propose sa kanya?

“Hayaan natin sila! Huwag tayong makipagsiksikan!” natatawang sagot ni Empress.

Bakit?

“Hindi pa,” natigilan siya bago sumagot.

“Hindi pa ako handa. Feeling ko, kasi bata pa ako.

“Kasi, ewan ko. Siguro kasi, ngayon ko pa lang nararanasan yung mga ganito.

“Kasi dati naman, nandoon lang ako sa poder ng nanay ko. Lahat ng desisyon, siya.

“So, never ako naka-experience magkaroon ng desisyon.

"So ngayon, parang... parang ine-enjoy ko ngayon, e, yung freedom ko.

“So, nandiyan naman siya, naka-support sa akin. Okey naman kami.

"So, mag-wait muna kami. Hindi naman kami nagmamadali.”

Kailan niya planong magpakasal?

“Kung 26 ako ngayon, di ko alam. Baka 40. Hahaha!

Continue reading below ↓

"Pakasal ba ‘yan? Forty siguro talaga.

"Feeling ko, mas marami pa akong gagawin sa mga susunod na taon, e.”

Payag si Vino na maghintay?

“Kaya niya ‘yan. Hahaha! E, kung mahal niya talaga ako, hihintayin niya ako, di ba?”

EMPRESS'S DAUGHTER

Ano ang plano nila for Athalia?

“School.”

Hindi siya puwedeng lumabas kahit sa TV commercial?

“Parang ayaw ko po, e. Kasi, ayaw ko lang pagdaanan niya yung pinagdaanan ko dati.

“Kasi ako, at this age, I had to work for my family, di ba?" pagtukoy ni Empress sa pagsisimula niyang magtrabaho sa murang edad.

"E, siya, hindi naman. Hangga’t kaya ko, ayokong sumabak siya sa trabaho.

“Gusto ko, ano, pero kung sabihin lang niya sa akin one time na gusto niya talaga, kasi gusto niyang i-try, ipapa-try ko.

“Pero hangga’t maaari, papatapos ko yung school niya. Kasi ako, hindi ako nakapagtapos.

"So, yung mga hindi ko nakuha dati, gusto kong ibigay naman sa kanya yun.”

Continue reading below ↓

Kailan nila planong sundan si Athalia?

“Ayaw ko pa po,” tanggi ni Empress.

“Nae-enjoy ko pa siya, e. Saka parang hindi pa rin siya ready.

"Tinatanong ko siya, ‘You want a baby sister? Baby brother?’

“Umiling, hindi raw.

"Feel na feel pa kasi niya ang pagiging solo baby sa family namin, e.”

CONTINUING HER EDUCATION

May plano ba si Empress na tapusin ang pag-aaral niya?

“Sana. Pag feeling ko, kapag naging settled na ako sa... siguro kapag nagawa ko na yung mga dream roles ko.

"Feeling ko kasi, ang dami ko pang hindi nagagawa.”

Pasok na pasok na ba sa sistema niya ang pagiging legit businesswoman?

“Of course, oo,” ngiti niya. “'Tsaka parang nakikita ko na hindi lang dito ‘to. Parang mas marami pa.”

May nae-envision na siya na bukod sa milk tea business, may iba pa siyang negosyo na papasukin?

“Sana, parang… pero hindi ko pa po alam. Mga five percent pa, oo.”

Continue reading below ↓

CHRISTMAS WISH

Happy ang love life, family at career as an artist and businesswoman ni Empress. May mahihiling pa ba siya na something special this Christmas?

“Opo, siyempre meron po. Gusto ko pong i-claim ‘yan.

“Masaya ang buhay ko. Pero siyempre, kung meron pa akong kayang i-improve sa career ko, sa life ko, mas gusto ko na mas ma-improve pa.

“So, kung anuman yung meron ako ngayon, gusto kong higitan pa yun.

“Ayun, sa business, gusto kong mas higitan pa. More branches ng King’s Cup Blends.

“Sa family, siyempre, kung anuman yung problemang daanan, gusto kong maano namin, malampasan namin nang sabay-sabay.

“And also, sa career, sana ayun... sana magkaroon na ako ng maraming projects and regular shows,” hiling ni Empress.

Nanghihinayang si Empress sa di pagkakatuloy ng pelikula nila ni Cesar Montano. After ng first shooting day, wala nang balita si Empress about the project.

“Oo, wala naman… hindi naman na nila ako binalikan,” pahayag ni Empress.

Continue reading below ↓

“Baka wala na nga talaga…. Sayang.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Empress Schuck on marrying boyfriend Vino Guingona: "Feeling ko, mas marami pa akong gagawin sa mga susunod na taon, e... E, kung mahal niya talaga ako, hihintayin niya ako, di ba?”
PHOTO/S: Julie Bomifacio / Empress Schuck Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results