Sunshine Cruz admits she was hesitant to date boyfriend Macky Mathay at first: "Hindi ko type!"

by Rachelle Siazon
Nov 19, 2019
Sunshine Cruz on boyfriend of three years Macky Mathay: "Nakakatuwa lang to have someone who accepts me for who I really am and who also loves my children, so wala na akong mahihiling for now."
PHOTO/S: Noel Orsal / @sunshinecruz718 Instagram

Naaalala pa ni Sunshine Cruz, 42, na puno siya ng pag-aalinlangan nang unang magparamdam si Macky Mathay, 40, na gusto nitong manligaw sa kanya.

Isang simpleng “Hi” ang ipinadala ni Macky kay Sunshine sa pamamagitan ng Instagram direct message noong 2016.

Nagpakilala rin si Macky na half-brother ni Ara Mina, na malapit na kaibigan ni Sunshine.

Pero hindi raw agad convinced si Sunshine na makipag-date dito.

Natatawang balik-tanaw ng aktres, “Hindi ko type!

"Hindi ko type ang mga may tattoo na lalaki. Hindi ko rin type ang maputing lalaki.

"May tattoo si Macky, e. May tattoo, 'tapos mestizo. Hindi ko type yun, e."

Hindi naman daw sa pakiramdam niya ay bad boy ang image ng lalaking may tattoo, pero hindi lang daw talaga siya attracted sa ganun.

Kuwento pa ni Sunshine: “Pinagalitan ako ni Ara Mina. ‘Sis, if you’re like that, baka tumanda kang mag-isa.

“'Ang dami mong daliri. Bilangin mo kung anong kapintasan, bilangin mo din kung anong kagandahan ng kalooban.

Continue reading below ↓

“'Hindi mo pa nga nakikilala dyina-judge mo na.'”

Tumagal pa ng isang buwan bago napapayag si Sunshine na makipag-date kay Macky.

“I wasn’t ready. One month kaming nag-usap muna over the phone.

“After a month, nagkita kami. Ay, iba! Iba yung tibok.

“E, ang buhok-buhok pa niya noon. Ngayon wala na siyang buhok, di ba?

"So anyways, ang buhok- buhok niya noon.

“Pero kahit ganoon ang hitsura niya, iba ang namdaman ko for him.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine pagkatapos ng presscon ng pelikulang The Heiress noong Huwebes ng gabi, November 14.

MACKY'S SIMPLE WAYS TO MAKE SUNSHINE FEEL LOVED

Kusa raw nagbukas muli ang puso ni Sunshine dahil na rin sa pagmamahal na ipinaramdam ni Macky sa kanya.

Naging opisyal silang magkasintahan noong September 18, 2016.

Ano ang pinakanagustuhan niyang pag-uugali ng nobyo?

Sagot ni Sunshine: “Sobrang consistent since the first time na pumorma siya sa akin. Hindi nagbabago, and nag-e-exert talaga ng effort.

Continue reading below ↓

“Kahit from Greenhills, San Juan City siya, ako Paraque, pumupunta talaga dun kahit traffic para lang makita ako kahit sandali.

“Kapag may sakit ako, pupuntahan niya talaga ako para alagaan ako.

"Minsan magpapaalam sa trabaho para lang samahan ako."

Malaking bagay rin daw kay Sunshine na nakikita niya ang concern ni Macky para sa mga anak niya.

Si Sunshine ay may tatlong dalagang anak sa ex-husband niyang si Cesar—sina Angelina, Samantha, at Chesca.

Dagdag ng aktres, “Like kanina, I had to talk to the school of my kid, kasi meron lang konting issue.

"And he wanted to be there for Chesca, so sinamahan niya ako. Ganun siya."

LOVE HAPPENS NATURALLY

Aminado si Sunshine na hindi raw madaling magtiwala ulit pagkatapos ng failed marriage nila ng ex-husband niyang si Cesar Montano.

Pero bukod sa masuwerte raw siya sa kanyang nobyo, siniguro ni Sunshine na bago siya pumasok sa panibagong relasyon ay natuto muna siyang mahalin ang kanyang sarili.

Continue reading below ↓

“It was hard. It took me three years.

"Ang dami rin namang mga pumorma. Pero talagang sabi ko nga, hindi pa tamang panahon, e.

“And I wasn’t looking for Macky. Hindi ko 'yan hinanap, dumating na lang.

“Kaya ngayon, ina-advice ko sa friends ko, don’t look for love. Darating 'yan nang hindi mo inaasahan."

Napapangiting kuwento pa ni Sunshine, “Ako, after three years, I was okay with my kids, meron akong serye, nag-iipon ako ng pera. Yun lang ginagawa ko.

“Biglang dumating nang hindi ko inaasahan.

“Hindi ko naman akalain na kapag nakita ko si Macky nang personal, titibok ang puso ko.”

NOT ENGAGED OR SECRETLY MARRIED

Pero nilinaw rin ni Sunshine na walang katotohanan ang espekulasyong “engaged” o “secretly married” na sila ni Macky.

Kaugnay ito ng Instagram post niya na may "something new" sa buhay niya na excited siyang i-share sa fans.

“Oh my god! Kahapon lang engaged, ngayon naman secretly married. Baka susunod meron na kaming baby.

Continue reading below ↓

“Wala, wala talaga. We’re just happy kung nasaan kami ngayon sa buhay namin.

“Ini-inspire namin ang isa’t isa na pagbutihin ang kanya-kanyang trabaho, yun lang ang mahalaga for now. I’m 42."

Noong September 2018 na-grant ang annulment ng kasal nina Sunshine at Cesar, at muli itong kinumpirma ng korte nitong April 2019.

Kaya natatawang sabi ni Sunshine, "Pabayaan niyo na muna ako. Na-annul na ako, officially, this year lang.

"Agad-agad! Puwede bang enjoy-in muna natin ang buhay natin?

“Huwag kayong mag-alala. Kung sakaling may mga good news na ganyan na mangyayari, hindi ko naman itatago. I’ll be proud.”

HOT STORIES

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Cruz on boyfriend of three years Macky Mathay: "Nakakatuwa lang to have someone who accepts me for who I really am and who also loves my children, so wala na akong mahihiling for now."
PHOTO/S: Noel Orsal / @sunshinecruz718 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results