Rap Fernandez cries foul over threats to his daughter amid "unsettled bills" issue with Kisses Delavin

by Jerry Olea
Nov 19, 2019
Rap Fernandez on bashing that he receives from alleged Kisses Delavin fans: "Parang mahirap iyong kakampi ka sa tao na idolo mo, nang walang basehan sa rason, ganoon. Kumbaga, parang blind faith lang na, ‘Ay, idol kita! Kahit mali ka, ipaglalaban kita!’ Ganoon."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rose Garcia

Na-trauma si Rap Fernandez sa pamba-bash ng netizens kaugnay sa hinahabol niyang unsettled bills kay Kisses Delavin sa condo unit na tinirhan nito sa Imperial Palace Suites, Timog Avenue corner Tomas Morato Extension, Quezon City.

“May mga subtle na parang threats doon sa daughter ko,” malumanay na lahad ni Rap sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong Nobyembre 19, Martes ng hapon, sa Obra ni Nanay Gallery, Sct. Gandia St., Quezon City matapos itong mag-guest sa FB live program na Take It! Take It! Per Minute (Me Ganun?) na hino-host nina Lolit Solis, Cristy Fermin, at Mr. Fu.

“Medyo foul nga, e. Gusto kong i-report.

"Pero... parang hindi ko alam kung fans ba niya talaga iyon o mga nanggugulo lang.

“Parang wala siyang basis, e. Parang hindi niya alam iyong actions...

"Parang mahirap iyong kakampi ka sa tao na idolo mo, nang walang basehan sa rason, ganoon.

“Kumbaga, parang blind faith lang na, ‘Ay, idol kita! Kahit mali ka, ipaglalaban kita!’ Ganoon.”

Continue reading below ↓

NO CONTRACT

Aminado si Rap na walang kontrata kaugnay sa pagtira nina Kisses sa condo unit na ibinigay sa kanya ng inang si Lorna Tolentino.

Ani Rap, binigyan niya ng kontrata sina Kisses pero ibinalik iyon sa kanya nang walang pirma dahil masyado raw mahigpit ang provisions.

Nagtiwala si Rap, at iyon ang pagkakamali niya.

Nang sumabog ang water valve sa condo unit, umalis sina Kisses kahit hanggang Disyembre pa ang usapan. Pina-stop payment ng Mommy Carrie ni Kisses ang tseke para sa Nobyembre at Disyembre.

Kinokontak noon ni Rap ang mommy ni Kisses kaugnay sa naiwang utility bills para sa mga buwan ng Setyembre at Oktubre pero dedma ito.

Ibinunyag iyon ni Manay Lolit (manager ni Lorna) sa Instagram noong Nobyembre 14, Huwebes. Inilahad ni Ricky Lo ang panig nina Kisses noong Nobyembre 16, Sabado.

Ipinakita kay Ricky Lo ang mga resibo ng unsettled bills na hawak ni Lorna. Agad binura ni Ricky Lo ang Instagram post niya kaugnay sa paliwanag nina Kisses.

Continue reading below ↓

Magkano ba ang unsettled bills?

“Hindi ko pa rin masabi dahil binabayaran ko pa lang. Hindi pa clear. Basta, iyong sa tubo, saka doon sa tubig, sinagot ko na ‘yon, e,” sambit ni Rap.

P24K kada buwan ang renta nina Kisses sa condo unit sa Imperial Palace Suites, Timog Ave. corner Morato Ext., QC.

“Kung hindi nila pina-stop payment iyong renta for November and December, iyon sana ang ipambabayad namin sa mga naiwan nila, at iyong sobra, ibabalik namin,” saad ni Rap.

UNSETTLED UTILITY BILLS

Mula sa ABS-CBN Star Magic, lumipat si Kisses sa Triple A management ni Rams David.

Tinawagan ni Rams si Manay Lolit nitong Nobyembre 18, Lunes ng umaga, para makipag-meeting dito si Kisses.

Sabi ni Manay Lolit, “Bakit magmi-meeting pa? Simple lang ang problema. Andiyan ang unsettled bills ng utility for September and October, hawak ni Lorna.

“Bayaran lang nila iyon, tapos ang usapan.”

Kinagabihan ay nagkausap sina Rams at Rap. Magmi-meeting dapat sila nitong Martes.

Continue reading below ↓

“Nakansel. Kinansel ako, e!” natawang bulalas ni Rap.

“Baka busy lang. Sabi niya, may pupuntahan siyang iba.

"So, siguro, baka i-reset niya for next week."

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rap Fernandez on bashing that he receives from alleged Kisses Delavin fans: "Parang mahirap iyong kakampi ka sa tao na idolo mo, nang walang basehan sa rason, ganoon. Kumbaga, parang blind faith lang na, ‘Ay, idol kita! Kahit mali ka, ipaglalaban kita!’ Ganoon."
PHOTO/S: Jerry Olea / Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results